PERIWINKLE

127 14 53
                                    


"Ano'ng ginagawa n'yo kay Mama!"

Naabutan nina Landon at Rose sina Lily at ang kanyang lola na walang malay sa sala. Nagdala si Rondeletia ng inumin na may pampatulog at ipinainom sa kanila. Ang akala ng lola ni Landon ay tunay na kabaitan ang ipinakita ni Rondeletia sa kanila nang dumalaw ito.

Nang tingnan nila ang silid ni Linda ay naabutan nila si Rondeletia na may pinapainom kay Linda.

Nanlaki ang mga mata ni Rondeletia. Nabitiwan niya ang baso na may lamang lavender tea na may kasamang lason. Sa isang iglap ay parang natauhan so Rondeletia. Napahawak siya sa kanyang buhok habang malalaki ang mga mata.

"Hindi! Hindi!" Tila nawawala siya sa kanyang sarili.

Agad na nilapitan ni Landon ang kanyang ina, ngunit bigla na lang itong nawalan ng malay dahil may kaunti siyang nainom na lason.

"Mama!"

"Mama!"

Umiiyak na si Rose dahil sa kanyang nasasaksihan.

"Mama!" Maluha-luhang kinuha ni Landon ang telepono at tinipa ang numero ng pinakamalapit na ospital. Hindi naman ito napapansin ni Rondeletia dahil nanginginig siya sa takot. Niyakap ni Rose ang kanyang ina habang balot na balot siya ng pagtataka.

Nang matapos tumawag si Landon ay hinanap niya agad sa directory ang numero ng Police Station.

"Hello. May i-re-report po ako."

Nang marinig ito ni Rondeletia ay agad siyang napatayo. Tatakas sana siya, ngunit hinawakan ni Landon ang kanyang braso.

"Bitiwan mo 'ko!" Kinuha ni Rondeletia ang vase na nasa lamesa at hinampas ito sa ulo ng batang si Landon. Nawalan ng balanse si Landon dahil sa pagkahilo kaya tuluyang bumagsak ang kanyang katawan sa sahig. Tumakbo palabas si Rondeletia at naiwang nakatayo si Rose. Umiiyak si Rose at hindi niya alam ang gagawin.

Iminulat ni Landon ang kanyang mga mata. "Rose . . . tulong."

Lalapitan na sana ni Rose si Landon, ngunit bumalik si Rondeletia upang hilain si Rose paalis.

Kasabay ng pagpikit ni Landon ay ang pagkawala ni Rose sa kanyang paningin.

***

Laarni

"Kumusta ang therapy mo?"

Hinintay ako ni Larry dito sa waiting area ng clinic ni Dra. Alceo. Hindi ako nasamahan nina Lotus at Kiefer dahil marami silang trabaho. Umupo muna ako sa tabi niya.

"Okay lang. No'ng una ay parang gumagaan ang pakiramdam ko dahil alam kong may pag-asa na maalala ko ang nakaraan." Huminga ako nang malalim.

"Ano'ng nararamdaman mo ngayon?"

Tiningnan ko siya. Hinaplos niya nang marahan ang likuran ko. "Mula pa noon ay parang may kulang sa 'kin kaya pakiramdam ko ay hindi ako nabubuo. Habang tumatagal na nag-te-therapy ako ay parang nababaon ako sa kirot at takot." Napahawak ako sa aking dibdib.

Hinaplos niya rin ang buhok ko.

"Baka nakalimutan mo ang nakaraan mo dahil masyado itong masakit?"

Napabuntong-hininga ako. "Parang gano'n nga."

"Tara muna sa coffee shop para gumaan ang pakiramdam mo. My treat."

BLOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon