PANCY

199 17 63
                                    

Laarni

According to legend, PANCY flower was originally white, but turned bright purple where it had been pierced by Cupid's arrow. It is said that, if you stare in a Pancy, you can see the face of a LOVED ONE.

Lunes ngayon at tulad ng dati ay bata pa rin ang naglalagay ng bulaklak sa harapan ng apartment ko.

Nag-volunteer si Lotus na siya ang maghahatid sa akin sa restaurant. Ayaw ko man, pero mapilit siya. Nasabihan na rin niya si Kiefer na siya ang maghahatid sa akin.

Muli kong tiningnan ang bulaklak. Kailan ba titigil ito? Ipinasok ko ito sa loob ng bahay para ipakita kay Kiefer kapag pumunta siya rito. Sasamahan daw niya ako sa weekends na magtanong-tanong sa mga taga-rito tungkol sa mga batang nag-iiwan ng bulaklak. Wala pa kasing update 'yung private investigator na kinuha niya.

Lumapit ako sa Pancy at napatitig ako rito.
Totoo kaya na kapag tumitig ako rito ay makikita ko ang taong mahal ko?

Huminga ako nang malalim.

Ano ba'ng pinag-iisip ko? Siguradong inuuto na naman ako ng nagpapadala nito.

Hindi ko inalis ang aking paningin sa bulaklak. Tinitigan ko ito nang matagal 'tsaka ako napapikit.

"Oh god!"

Napaatras ako at natumba paupo.

May nakita ako nang pumikit ako. Isang babae na puno ng dugo ang mukha. Napatingin ako sa paligid at mas tumindi lamang ang kaba sa dibdib ko dahil alam kong nag-iisa lang ako rito. Bumabaliktad ang sikmura ko.

"Laarni!"

Tila gumaan ang hangin sa paligid nang dumating si Lotus. Yumuko siya at inalalayan niya akong makatayo.

"Why are you crying? Bakit nakaupo ka sa sahig."

Hindi! Hindi ko dapat sabihin sa kanya. Ayaw kong mag-isip siya ng kakaiba tungkol sa akin. Iisipin niyang baliw ako!

"N-nadulas lang ako."

Bihira lang akong magsinungaling. Hindi ako ganito, pero ito ang sinasabi ng utak ko na dapat kong sabihin sa kanya.

Inalalayan niya akong makaupo sa sofa at agad siyang naglakad papuntang kitchen. Nang bumalik siya ay may dala siyang isang baso ng tubig.

"Uminom ka muna. Nasaktan ka ba?"

Pag-aalala ang mababakas sa buong mukha niya. Hangga't maaari ay ayaw kong may nag-aalala sa akin. Pakiramdam ko ay napakahina ko. Pinilit kong ibuhos ang buong lakas ko sa pagngiti.

"Okay lang ako."

***

"Ano'ng isinagot mo?"

"Wala, hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko."

Nagbubulungan kami ni Larry sa kitchen. Naikuwento ko sa kanya ang pag-amin ni Lotus kagabi. Kay Kiefer ko sana sasabihin, pero busy siya dahil opening ngayon ng Alfonso's Kitchen. Gusto kong may taong mapagsasabihan, lalo at nakaramdam din ako ng kakaiba sa pag-amin ni Lotus.

BLOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon