Laarni
Daisies are composite flowers. They consist of two blooms attached to one another. Daisies represent TRUE LOVE because they are made up of two blossoms that meld so beautifully together.
Inilagay ko ang card sa tabi ng bulaklak. Ito ang pangalawang bulaklak na natanggap ko ngayong linggo. Thursday ngayon, two days ago ay nakatanggap ako ng Lotus.
Pumasok na ako at isinara ang pinto. Itinabi ko ang basket na may lamang mga Daisies sa tatlong basket na nakalagay sa counter. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako kinakabahan?
Huminga ako nang malalim at umupo sa sofa. Pinagpapawisan ako kahit malamig naman ang panahon.
'Daisies.'
Mabilis akong napalingon sa likuran ko dahil biglang may boses ng babae ang bumulong sa akin. Wala naman akong kasama rito.
Jusko!
Kumabog nang malakas ang dibdib ko at kinikilabutan ako na hindi ko maintindihan. Ramdam ko ang pagtaas ng mga buhok ko sa balat.
Jusko. Guni-guni ko lang ba 'yon?
Tumayo na ako at nagtungo sa banyo, napasandal ako sa dingding at pumikit.
Wala lang 'yon.
Oo. Wala lang 'yon.
Siguro ay kulang lang ako sa tulog.
Sino ba ang nagpapadala ng mga bulaklak?
***
"Mas magandang gumamit tayo ng canola Oil para mild lang ang lasa ng prinitong manok at may tamang dami ito ng saturated at polyunsaturated fats na hindi makakasama sa puso ng mga taong kakain."
Isa-isa kong inilagay ang mga chicken drumsticks sa frying pan. Katabi ko sina Amber at Luna, ang mga trainees para sa position ng assistant cooks. Gustong-gusto ko talagang ibahagi ang mga kaalaman ko sa iba tungkol sa pagluluto. Abala naman si Larry sa pagluluto ng Crispy Pata.
"Kapag ibabaliktad n'yo naman ang mga chicken, gumamit kayo ng tong o spatula kaysa tinidor dahil kapag natusok n'yo ng tinidor ang chicken, lalabas ang natural juices nito at nagiging dry kapag kinakain. Mas magandang juicy ang fried chicken."
Mabenta sa mga pamilyang may dalang mga bata ang aming Filipino-style fried chicken.
"Okay po, chef," sabay na pagkasabi nina Luna at Amber.
Narinig kong bumukas ang pintuan at binati ng mga ibang chefs si Kiefer at si Sir Colton, ang aming executive chef.
"Good morning, sir," bati ni Larry kay Kiefer. Binati rin niya si Sir Colton.
"Good morning din sa inyo. Good morning din, Larry," magalang na pagkasabi ni Kiefer sa kanila. Hindi naman ngumiti si Sir Colton sa 'min.
Naramdaman ko ang presensya niya sa aking likuran. "Laarni, can you come with me?"
"Bakit?" Kinabahan ako bigla.
Ibinaba ko ang tong sa plato at sinenyasan si Amber na siya ang magpatuloy na magprito.
"Bakit?"
Tinanggal ko ang aking apron at isinabit sa hook na nasa gilid ng mahabang lababo. Humarap ako sa kanya at ngumiti siya nang napakatamis.
"Magugulat ka."
Bago ako makapag-react ay hinila niya ang kamay ko at lumabas kami ng kitchen. Naiwan naman sila kasama si Sir Colton at mukhang may sinasabi na siya sa kanila.
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...