"Leo, may dala ako para sa 'yo."Kinuha ni Rondeletia ang dalawang pirasong mansanas sa supot at ipinakita kay Leo. Tulala lang si Leo, pero hindi ito alintana ni Rondeletia. Mas gusto niya na ganito si Leo kaysa noon na palagi siyang itinataboy.
"Dinalhan kita ng bulaklak ng Anthurium." Ibinalik niya ang mga mansanas sa supot at kinuha ang ilang tangkay ng Anthurium na dala niya.
Umalis si Linda upang mamili sa palengke na malapit sa kanila. Si Landon muna ang tumitingin sa kanyang nakababatang kapatid habang wala pa si Linda. Sinamantala naman ito ni Rondeletia para masolo si Leo.
"Alam mo ba na itong dala kong bulaklak ay ang mga pana ni kupido sa Mitolohiyang Griyego," paglalahad niya 'tsaka niya marahang itinusok ang dulo ng isang Anthurium sa puso ni Leo, "Iyan, natamaan ka na. Ibig sabihin ay sa akin ka na . . . iibig."
Nawala ang ngiti sa mukha ni Rondeletia nang makitang walang reaksyon si Leo at tulala pa rin, ngunit kahit ganoon ay itinuloy pa rin niyang magsalita. "Alam mo ba, Leo, wala rito ang asawa mo. Nagsasawa na siyang alagaan ka, kaya ako na lang ang mag-aalaga sa 'yo."
Inilapit niya ang kanyang mukha at napatingin siya sa malalambot na labi ni Leo. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mga labi kay Leo.
"Ano po'ng ginagawa ninyo?"
Agad na inilayo ni Rondeletia ang kanyang sarili nang dumating si Landon.
"Dinadalaw ko lang ang tatay mo. Magkaibigan naman kami mula pa noon kaya nandito ako."
"Nakita ko po ang gusto ninyong gawin kay Papa."
Napapikit sa inis si Rondeletia. Naiinis siya nang sobra kay Landon. Bukod sa napakatalino nito ay nauunawaan na niya ang mga mahihirap na bagay kahit siya ay siyam na taong gulang pa lamang. Gusto rin sanang sabihin ni Landon sa kaniyang ina ang mga pinaggagagawa ni Rondeletia, ngunit palaging balisa ang kanyang ina. Hindi masyadong umiimik si Linda dahil sa nararamdaman niyang depresyon.
"Sana po ay huwag ninyong hahalikan si Papa. Hindi po maganda ang nararamdaman ni Mama ngayon."
"Magkaibigan kami ni Leo, walang masama roon," katwiran ni Rondeletia. Unti-unting nawawala ang kanyang malinaw na pag-iisip.
"Si Mama po ang asawa ni Papa. Ang kaibigan po ay hindi hinahalikan."
Nanlisik ang mga mata ni Rondeletia at napatayo.
"Umalis na po kayo . . . tita."
***
Laarni
"L-Lotus."
Lumapit siya sa amin at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Bakit ka umiiyak?"
Pinunasan ko ang aking mga luha. Bakit nga ba ako umiiyak?
"She was crying because of Dad. Nag-aalala siya dahil 'di pa rin nagigising si Dad," mabilis na sagot ni Kiefer.
Mukhang hindi niya gustong sabihin ito kay Lotus.
Tumango-tango lamang si Lotus. "Gagaling din siya at makakayanan niya ang lahat ng 'to." Hinawakan ni Lotus ang aking mga kamay.
"Paano mo pala nalaman na nandito kami?" tanong ni Kiefer kay Lotus.
"I went to your dad's room. I asked Larry if Laarni was here since you weren't there and she wasn't returning my calls, and they said she was with you." Inilibot niya ang mga mata niya sa paligid 'tsaka napatingin muli kay Kiefer. "Bakit dito kayo nag-uusap?"
BINABASA MO ANG
BLOOM
RandomLaarni Cueva, a charming lady in her late twenties, has been receiving flowers and a card from an unknown individual twice a week. The flowers gave her a different sentiment. These feelings were totally foreign and unwelcome. The flowers gave her an...