Sa tuwing titingin ako sa'yo,
kailangan kong tumingala.
Napakataas mo... Napakaganda.
Kaya naman kahit mahirap at nakakapagod,
hindi ko pa rin maiwasang titigan ka.
Dito ko napagpasyahang humiga sa lupa,
para makaharap ka nang matagal.
Ganito ba talaga ang magmahal?
Hindi mo alam kung gaano kaganda ang liwanag mo,
na nagbibigay buhay sa lahat ng tao.
Gayon rin ang iyong pagdidilim,
simbolo ng pahinga at pagtaimtim.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako malungkot,
sa layo mo, at sa katotohanang hindi kita maabot.
Ngunit ang tibok ng puso ko'y hindi mapahihinto ng distansya.
'Di man kita mahawakan, ang makita ka'y sapat na.
BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...