Natutulala pa rin ako kapag naaalala ko ang nangyari kanina. Ano bang ibig niyang sabihin? Totoo nga kaya yung sinasabi ni Clodet? Hindi. Imposible.
"Huy, may pa iling-iling ka pa diyan."
"Karl! Nagulat naman ako sayo." Sabi ko bago ituloy ang pag wawalis ng mga tuyong dahon.
"Ano ba 'yang iniisip mo at hindi mo manlang napansin na papalapit ako sayo?" Sabi nito na lalo pang lumapit kahit halos pwede na kaming magbulungan sa lapit namin.
Agad akong lumayo at nagkunwaring aabutin ang mga tuyong dahon sa ibang lugar. Sumunod naman ito at inagaw ang walis.
"Tulungan na kita, ayokong napapagod ka."
"Nako, trabaho ko 'yan Karl, ako na." Sabi ko habang inaagaw ang walis na patuloy naman nitong inilalayo.
"Sige nga agawin mo sakin."
"Akin na Karl."
Nang mahawakan ko ang walis ay hindi niya ito binitawan. Sinubukan kong hilahin ito ngunit hinawakan ng kabilang kamay niya ang kamay kong nakahawak sa walis.
Kasabay nang pagbitaw ko ay ang pagbusina ng itim na hummer. Kapapasok lang nito at mabagal ang takbo. Agad akong kinabahan.
"'Bat kaya bumusina si Sir Kalix?" Nagtatakang tanong ni Karl.
Nagkibit balikat lang ako bilang sagot at ipinagpatuloy ang pagwawalis kahit na wala na roon ang isip ko. Hindi naman umalis si Karl sa tabi ko noong hapon na 'yon hanggang sa oras na ng pag uwi. Nag alok pa nga itong ihatid ako ngunit tinanggihan ko na dahil bukod sa gagastos pa ito ng pamasahe ay hindi rin ako komportable.
"Ysa, tara sabay na kita, magdidilim na." Si Aling Tina.
"Po? Uhm..." Pag aatubili ko dahil iniisip ko kung ihahatid ba ako ni Kalix gaya ng sabi niya. Pero dahil hindi ko na siya nakita ngayong araw na 'to at hindi rin naman siya nagtext ay tumango na lang ako kay Aling Tina.
Hinatid ako ni Aling Tina hanggang sa bahay kahit na mauunang madaanan ang sa kanila.
Nang makapagpasalamat ay agad akong pumasok sa loob. Wala na si Papa marahil ay pumunta na sa ospital.
Bago ko maibaba nang tuluyan ang bag ko ay napansin ko ang pagvibrate ng cellphone sa loob ngunit bago ko pa ito makuha ay tumigil na ito.
1 text message. 7 missed calls.
Galing lahat kay Kalix.
[Where are you?']
[Nakauwi na. Sinabay ako ni Aling Tina.]
Hindi na siya nagreply o tumawag ulit hanggang sa makatulog na ako.
Hindi gaya ng mga pangkaraniwang araw, maingay ang mansyon kinaumagahan.
Medyo tinanghali ako ng dating dahil dumaan ako sa ospital at medyo nag intay ako kay Kalix. Medyo lang, at hindi ko aaminin 'yon. Kaya kung may magtanong man ay dahil 'yon sa pag daan ko sa ospital.
May dalawang kotse pa ang dumating habang papasok ako sa kusina. Naabutan ko namang nagluluto si Nana Pise.
"Ysa mabuti at dumating ka na, kailangan namin ng tulong dito." Si Aling Tina na nagtitimpla ng juice.
Agad naman akong kumuha ng mga baso para roon.
"Ano po bang meron? Parang maraming tao sa pool."
"May bisita ang magpipinsan, mga galing Maynila. Hindi nga kami nakapaghanda dahil biglaan raw at hindi natuloy ang planong pagpunta sa dagat."
"Ah, e nasaan po ba ang iba? Bakit kayo lang po ni Nana ang naghahanda nito?"
"Naglilinis ang iba dahil may darating ring bisita si Senyora mamaya." Sagot ni Aling Tina na ang paghihiwa naman ng mga rekados ang inatupag. "Ayos na 'yan Ysa, dalhin mo na sa may pool." Sabi sakin nito habang nginunguso ang juice.
Agad akong kinabahan. Kung hindi lang masyadong abala ang iba ay tatanggi ako ngunit wala sa lugar ang pag iinarte ngayon. Nasa trabaho ako.
Kahit medyo nanginginig ang kamay ay binitbit ko ang tray na may lamang isang pitsel ng juice at ilang baso.
Kahit hindi pa ako nakakalayo sa kusina ay rinig ko na ang ingay at tawanan ng mga nasa likod.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tuluyang magpakita sa kanila.
Gaya ng inaasahan marami sila roon. May ilang naliligo na sa pool habang ang iba'y nagtipon sa lamesa kung saan ko dapat ibaba ang dala. Akala ko'y puro lalaki lang ang naroon dahil mga lalaking Cojuanco lang ang madalas kong nakikita sa mansyon, ngunit may mga babae rin.
Mabuti na lang at wala halos ang nakapansin sakin habang naglalakad ako, maliban sa isa. Muntik pa akong mapatid nang makita ko ang talim ng tingin ni Kalix. Nang iiwas ko ang tingin ay parang isang ugat ko naman ang muntik mapatid nang makitang isang naka bikining babae ang halos kumandong na sa kanya.
Lalo namang nanginig ang kamay ko habang papalapit sa kanila. Nang malapit na ay isang matangkad na lalaki ang humarang sa akin. Hinawakan nito ang tray malapit sa kung saan ako nakahawak.
"Let me help you." Nang tumingala ako ay nakangiting singkit na mga mata ang nakita ko. Sa itsura nito'y siguradong may dugo itong banyaga.
"Okay lang po, malapit naman na." Sabi ko ngunit hindi pa rin niya binitawan ang tray.
"Oy ano 'yan?" Sabi nang isa sa kanila.
"Chix ba 'yan?" Sabi naman ng isang papalapit.
Halos umatras ako sa kaba. Ayoko ng atensyon, kahit kailan ay hindi ako naging komportable rito. Pero parang lagi naman akong binibiro ng tadhana at madalas ko itong nakukuha sa pinaka ayaw kong sitwasyon.
"Guys, you're scaring her." Sabi ng lalaki sa harap ko.
"I knew it. Hi baby, I'm Mike." Isang lalaki naman ang tumabi sa akin at naglahad ng kamay na hindi ko alam kung paano ko tatanggapin dahil sa dala.
"Guys, stop that. I'm warning you." Sabi nang nakangising si Gael sa swimming pool.
"What? I'm just being friendly." Sabi nung Mike. "Hindi ko alam na may perlas rin pala rito sa inyo ade sana hindi na natin pinlanong pumunta sa beach." Sabi nito habang matiim na nakatitig sa akin.
"I warned you." Si Gael ulit bago lumusong sa pool.
Natahimik naman ang lahat nang tumumba ang isang upuan. Hindi ko makita ang nangyari dahil sa dalawang lalaki sa harap ko.
Muntik ko nang mabitawan ang hawak nang biglang may humila sa damit ni Mike palayo sa akin. Mabuti na lang at hawak ng lalaki sa harap ko ang tray.
"Bro, what's... up?" Hindi ko masisisi si Mike kung hindi niya agad natuloy ang pangungusap dahil kahit ako'y natakot sa itsura ni Kalix.
Napakadilim at tila ba hindi lang ulan ang kaya nitong ibagsak kundi bagyo, delubyo.
"Shut. Your. Fucking. Mouth." Mahinang sabi ni Kalix ngunit parang kulog ko itong narinig.
Naguguluhan namang itinaas ni Mike ang kamay niya, simbolo ng pagsuko.
Nang tingnan ako nito'y tuluyan ko nang naibaba ang kamay kong nakahawak na lang sa tray na ang lalaking nasa harap ko na ang may dala.
Akala ko'y may sasabihin rin ito sa'kin ngunit nag iwas lang ito ng tingin at agad umalis roon.
Ang tumatawang si Gael ang huli kong nakita bago ako tuluyang umalis sa kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...