Kabanata 20

44 3 0
                                    

"Oh, you didn't know?" Tanong nito. Kita marahil sa mukha ko ang pagtataka. "Kuya didn't told you." Tumatangong dagdag pa nito habang naglalakad palapit sa'kin.

Bumilis naman lalo ang pag-atras ko na tumigil lang nang bumangga ako sa isang matigas na bagay.

Nang lumingon ako'y para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang makita ko si Kalix.

"Your boyfriend?" Tanong ng lalaki habang tinuturo si Kalix na pumagitna na sa amin ng lalaki. "Sa wangis nitong boyfriend mo, parang hindi siya magugustuhan ng lolo mo, Ysa." Sabi pa nito sa tunog na nang iinis. Tumawa ito bago magsalitang muli. "He'll never like you, young man."

"Who are you?" Tanong naman ni Kalix na hindi nasagot ng lalaki dahil tumunog ang cellphone nito.

Matapos basahin ang mensahe ay muli itong tumingin sa amin. "Kung tama ako, your family might not want you to know me. By the way, I have to go." Sabi nito bago tumingin sa'kin. "See you again, sweetheart."

"Are you okay?" Tanong ni Kalix nang maharap ako.

Kahit gulong-gulo ang isip ay tumango ako.

Ngunit hindi ata ito mapalagay dahil nagtanong muli. "Do you know that man?" Nakakunot ang noong tanong nito.

Hindi ko alam kung tatango ba ako o hindi. Pero hindi ko naman talaga siya kilala kaya saglit akong umiling bago magsalita. "Tara na, 'wag mo nang isipin 'yon, b-baka hinahanap na tayo ni Senyora." Sabi ko bago maunang maglakad pabalik.

Lutang ako habang nasa byahe pabalik sa mansyon. Ang sabi niya'y tiyo ko siya at hindi sinabi sa'kin ng kuya niya? Si Papa ba ang tinutukoy nito? At si Kalix. Hindi siya magugustuhan ni Lolo? At ayaw rin ng mga Cojuanco na makilala siya ni Kalix? Pero bakit?

"Ysa?" Ang tawag ng Senyora na gumising sa akin sa malalim na pag iisip. "Ayos ka lang ba, Iha? Kanina ka pa tulala."

"U-uh, okay lang po. May naalala lang." Sagot ko bago tumingin sa rearview mirror. Nakita kong nakatingin siya sa'kin mula roon.

"It's getting late. Kalix, ihatid na natin si Ysa."

"Nako, hindi na ho-"

"Okay." Putol ni Kalix sa pagtanggi ko.

Ngumiti naman ang Senyora nang malingunan ko.

"Uh, sa may ospital na lang ako."

Tumingin muli ito sa akin gamit ang rearview mirror bago sumagot. "Okay."

Si Papa ang sadya ko roon. Maraming tanong ang bumabagabag sa akin na kailangan nang masagot. Ngunit nawala lahat ng iyon nang makarating ako sa kwarto ni mama.

May tatlong nurse sa loob na may hawak ng kung ano anong aparato at isang doctor na ginagamit ang lahat ng lakas niya para muling patibokin ang puso nitong tila tumigil na base sa diretsong linyang nakikita ko sa monitor.

Agad tumulo ang luha ko at nawalan ng lakas. Hindi ako pumasok. Unti unti akong umatras palabas at pagod na naupo sa upuang katabi ng kwarto.

Hindi ito ang unang beses na nangyari iyon at sa tuwing nakikita ko ang diretsong linya sa monitor ay parang inaagawan rin ako ng buhay.

"Clear!"

Napahawak ako sa sarili kong dibdib nang marinig iyon, na parang nararamdaman ko rin ang bawat kuryenteng hatid noon.

Tumunog muli ang monitor senyales na muling nagbalik ang pulso. Tumahimik sa loob, kasabay ng pagtahimik sa isip ko. May mga oras na tila ba sumusuko na lang siya nang kusa, na siya na mismo ang pumapatay ng switch para sa pahinga niya.

Isang panyo ang umagaw ng pansin ko. Inaabot ito nang lalaking nasa harap ko. Siya ulit, ang lalaki kanina sa restaurant. Nang tingnan ko ang mukha nito ay para kong nakita ang papa ko na nakatingin sa'kin. Seryoso siya at may concern kang makikita sa mga mata.

Tinanggap ko ang panyo.

Naupo siya sa tabi ko. Tahimik na nagmamasid.

Lumabas ang Doctor at gaya ng lagi nitong sinasabi sa'min ay kailangan na ni mamang maoperahan. Kung hindi ay hindi na niya kayang mangako kung maililigtas pa niya ito sa susunod.

Muli akong naupo nang umalis ang Doctor. Wala akong ibang maisip, halos nawala na rin sa isip ko ang lalaking katabi. Napansin lang muli nang magsalita ito.

"I can help, Ysa." Sabi nito na nagpabaling sa'kin. "I always wanted to help, we actually. I came here, almost everyday to pursue kuya."

"Kapatid mo... si Papa?"

Tumango ito. "I'm Antonio Mondragon II, your Papa's younger brother. I'm sorry for coming this late. Maraming nangyari sa pamilya natin Ysa. Natagalan, but we've managed to come back, for kuya and for his family."

Naguguluhan ako kaya hindi ako nakasagot.

"Your mom's life is at stake Ysa, let us help. We're family."

Kahit naguguluhan ay tumango ako at muling umiyak nang marinig ang salitang pamilya. Parang may humaplos sa puso ko. "Kailangan namin ng tulong." Pag amin ko. Hindi na inalintana na estranghero ang kausap. Si Mama lang ang naiisip ko sa sandaling ito. Ang paghihirap niya at ang posibilidad na mawala siya sa'min.

Hinagod naman nito ang likod ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Matigas na tanong ni Papa. Nakatayo ito sa gilid ko at diretsong nakatingin sa lalaking katabi ko.

Agad naman akong tumayo. "Papa, tutulong siya. Inatake nanaman si Mama ngayon, Pa." Sabi ko sa pagitan ng mga hikbi.

Tumingin si Papa kay Mama mula sa bukas na pinto ng kwarto at nang bumaling sa'kin ay namumula na ang mga mata. Lalong tumulo ang mga luha ko.

Pumikit ito at yumuko, kalaunan ay umiling at muling tumingin sa akin. "Hindi mo naiintindihan, anak."

"Pero Pa! Mawawala na po satin si Mama!" Hindi makapagtimping sigaw ko. Tumingin sa amin ang isang nurse na dumadaan pero wala na akong pakialam kung may makarinig. "Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit ayaw mong tumulong ang pamilya mo, pero Pa... Paano po si Mama?" Papahina kong sabi.

"Kuya, please."

Matagal bago sumagot si Papa. Nakatingin lang ito sa'kin. Nang bumaling sa lalaking nagsalita ay tumigas ang itsura nito. "Bring me to him." Matigas na sabi nito.

Bumuntong hininga ang lalaki bago tumango. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib.

Nang bumaling ito sa'kin ay agad itong nagbilin. "Stay here, babalik rin ako agad." Matagal ako nitong tiningnan bago tumango. "I'll do everything anak, para sayo at para sa mama mo. I'm sorry."

Matagal kong inisip ang mga huling sinabi ni Papa mula ng umalis siya. Nakatingin ako kay Mama, ang payapa niyang itsura ay hindi ko magaya.

"Tama po ba ang ginawa ko Mama?" Mahinang tanong ko sa inang natutulog.

SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon