Lumayo siya pagkatapos sabihin 'yon. Nanatili naman akong nakatingin sa baba. Ayaw makita ang ekspresyon ng kaharap.
"Well enjoy your alone time." Nang-uuyam na sabi nito bago ako iwan roon.
Hanggang sa makaalis ay hindi ko na siya muling nakita, ngunit okupado nito ang isip ko hanggang sa pagtulog. Mabuti na lang at may pagkakaabalahan ako ngayong araw.
Ngayon ang start ng training ko sa kompanya. Ang gusto ni Lolo ay bigyan na ako agad ng posisyon pero sabi ni Tito ay mas magandang gawin raw muna akong sekretarya ng mataas na tao, na agad ko namang sinang ayuan dahil wala akong kahit anong experience sa pamumuno.
"Tito, 'wag mo kong ilagay sa inyo ni Papa. Lagi nalang kayo ang nakikita ko, nakakasawa na." Biro ko kay Tito habang nasa byahe.
"Ah ganon." Nakangiti namang sabi nito. "'Wag kang mag-alala at hindi kami ang makakasama mo. May inihandang tao ang Papa para sayo."
Agad namang tumaas ang kilay ko rito at hindi na nagtanong pa. Papunta kami sa kabilang bayan ngayon kung saan mayroong branch office sina Lolo. Nasa Manila ang pinakamalaking branch nila dito sa Pilipinas, pero dahil kailangan ko munang gamayin ang bawat proseso, magsisimula ako sa maliit.
I'm wearing a black tight slacks and a white square neck top na medyo hapit rin sa katawan. I tucked it in and layered it with a black blazer. Inipon ko ang buhok sa isang high ponytail at nagsuot na rin ng heels para magmukang pormal.
Halos puro salamin ang labas ng building na pinasukan namin. Maluwang ito at marami-rami ring tao ang naroon. Lahat sila'y bumati at nagbigay galang kay Tito.
"Tito, big time ka rito ah." Biro ko dito nang makapasok kami sa elevator.
"E, ikaw lang naman ang hindi gumagalang sa'kin." Nanlalaki ang mga matang sabi nito kalauna'y ngumiti nang tumawa ako.
Nang makarating sa tamang floor ay agad kong nakita ang mukang receiving desk na walang tao.
"This will be your place." Turo rito ni Tito. "And this is your boss' office." Pagpapatuloy nito kasabay ng pagbaling sa nag-iisang pinto sa floor na 'yon. Big time rin tiyak 'tong boss ko.
"I'll brief you first habang wala pa siya, para naman hindi mapahiya ang tagapagmana ni Antonio Mondragon." Nangingiting sabi nito.
"Tito... pinakakaba mo 'kong lalo." Nakasimagot na reklamo ko rito.
Ang totoo'y nagbasa basa na ako kahapon tungkol sa kompanya pero siguradong kulang ang mga iyon. Ang alam ko lang ay nag eexport sila ng mga tanim sa ibang bansa at nag iimport rin, na mas pinagtutuunan nila ng pansin dahil mas malaki ang lupa nila roon kaysa sa Pilipinas.
Nang makitang tumigil ang elevator ay wala sa loob kong dinama ang kwintas na suot. Ganito ako 'pag kinakabahan. Nakatago ito sa blouse ko dahil inilipat ko 'to sa mas mahabang chain. Marami kasi ang nagtatanong sa ibig nitong sabihin at hindi ako komportableng sagutin ang mga ito.
Napigil ko ang hininga nang makita kung sino ang lumabas sa elevator.
Ang naka coat and tie na si Kalix ay diretso ang lakad papunta sa'min. Kumunot ang noo nito at dumilim ang tingin nang matuon ang mata sa'kin.
"Good morning, Mr. Cojuanco." Salubong ni Tito rito habang inaabot ang kamay.
"Good Morning Sir, just Kalix please." Kaswal na sagot naman nito habang tinatanggap ang kamay ni Tito.
"Ysa, this is Mr. Kalixto Cojuanco. He will be your mentor and your boss as well. Kilala niyo naman na siguro ang isa't isa, diba?" Baling ni Tito sa'kin. Natunugan kong may ibang kahulugan ang huling sinabi nito.
Napatango lang ako at muling bumaling sa mukang hindi natutuwang si Kalix.
"I'm really glad you've agreed with this, balita ko'y ibinibigay na sayo ang posisyon ni Gael dahil magreretiro na ang Senyora." Kaswal na sabi ni Tito rito na tila ba malapit na sila sa isa't isa. Maging ang pagtawag nito kay Gael sa pangalan ay nakapagtataka.
Teka bakit nga pala andito si Kalix Cojuanco sa kompanya... ng mga Mondragon?
"No Sir. Greta might take over, kung hindi naman po ay ang Ate kong si Sunny. I'm handling our foreign branch Sir. I'm actually on vacation, this is Senyora Leticia's favor."
"Then, it's our pleasure Kalix. Malaking tulong ang pagtanggap mo sa posisyon. Lalo ngayong nagretire na ang kaisa-isang executive na iniwan namin dito sa Pilipinas. You know how difficult it is to find someone credible na kabisado na ang kalakaran sa industriyang 'to. And knowing that you'll be handling this habang naghahanap kami'y talaga namang malaking relief.
"It's a win win Sir. Malaking posisyon 'tong ibinigay niyo sa'kin. I'm excited to do this job." Sabi nito bago tumingin sa'kin.
"All of your cousins are calling me Tito Kalix, magtatampo ako kung ikaw ay hindi." Sabi nito bago hawakan sa balikat ang kaharap. "Then... I'll excuse myself now. I'll entrust my niece to you, young man." Kinindatan muna ako nito bago umalis. May eksenang pumasok sa isip ko dahil sa huling sinabi ng tiyo, pero agad ring nawala nang magsalita ang kaharap.
"I'll brief you inside the office." Seryosong sabi nito bago ako iwan roon.
Ilang hingang malalim ang ginawa 'ko bago sumunod rito.
Pagpasok ko'y nakatayo ito sa gilid ng office table at may binabasang papeles. Nang bumaling ito sa'kin ay agad akong lumapit kahit na ramdam ko ang panginginig ng tuhod.
Akala ko ba matatag ka na Ysabella.
"I guess... this will be your tasks." Sabi nito habang nakatingin sa hawak na papel.
Patuloy ang pagsasalita nito ngunit pagkaraa'y tumigil. Nang tingnan ko ito'y nakataas ang isang kilay sa'kin, may itinatagong multo ng ngiti sa labi.
"I thought... you don't want me near you." Sarkastikong sabi nito.
Napakurap-kurap ako. "Paano ko makikita?" Dahilan ko dahil totoo namang kailangan kong lumapit para makita ang hawak niya.
Tinapik nito ang mesang kaharap ko. May papel roon na kamuka ng hawak niya. Pinigilan ako ang pagpikit nang marealize ang katangahan.
Nang tingnan ko ito'y hindi na naitago ang ngiti.
"Your copy." Sabi nito bago maupo sa swivel chair.
Sa taranta ko'y nabitiwan ko pa ang kinuhang kopya. Nang mapulot ay agad na naupo sa silyang kaharap ng lamesa nito.
Agad namang bumaba ang mata nito sa dibdib ko.
Nang tingnan kung ano bang meron doon ay parang nawalan ako ng kulay nang makitang nakalabas pala ang kwintas.
Hindi na ako nakapag-isip pa at agad na itinago itong muli sa damit.
Tanga, nakita na diba.
Nang muli kong tingnan si Kalix ay malamlam ang mga mata nito, hindi inalis ang tingin sa dibdib ko.
Tumikhim ako kaya naman nag-angat ito nang tingin.
Tinaasan ko ito nang kilay at agad nang ibinaling ang atensyon sa hawak na papel.
BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...