Kabanata 5

50 4 9
                                    

Is he angry? Blangko at matigas ang kanyang ekspresyon habang dinadala ako sa clinic. Nakuha ko siyang pagmasdan habang buhat ako dahil hindi siya nakatingin sa akin.

Madilim ang kulay tsokolateng mga mata na napalilibutan nang mahahaba at malalantik na pilik mata. Makapal rin ang kanyang magkasalubong na kilay. Depinang-depina ang matangos na ilong gayun din ang manipis at mamula mulang labi. Ang may kahabaang buhok ay nahahawakan ko dahil sa pagkakakapit ko sa leeg niya. Nakahawi ito kaya nakita ko ang maliit na itim niyang hikaw, at hindi ko maikakailang bagay na bagay ito sa itsura niya.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko pero komportable ako sa hawak niya. Mainit ang pakiramdam ng kanyang balat, kaya naman parang gusto kong magsumiksik pa but that's a shame, knowing that we're strangers, kaya naman Ysabella pigilan mo nga 'yang sarili mo.

Agad kong iniwas ang tingin nang ibinaba niya ako sa isang single bed bago kausapin ang Doctor na tumitingin kay Clodet. Tulog ito at napakaputla. Gusto ko sanang lapitan ang kaibigan kung hindi lang masama ang tingin sa akin ng lalaki na tila ba kapag bumangon ako'y itatali niya ako sa kinahihigaan.

Madami siyang 'binilin sa Doctor bago lumabas. Isang huling sulyap sa akin ay isinara na niya ang pinto.

"Doc, kamusta na po ang kaibigan ko?" tanong ko nang lumapit ito sakin upang examinin ako.

"Okay na siya, mabuti na nga lang at nabigyan kaagad ng first aid. Actually nagising siya saglit pero nawalan ulit ng malay. Stable naman ang mga vital signs niya so wala naman na tayong dapat ipag-alala, hayaan nalang muna natin siyang makapagpahinga." sagot nito habang kinukuha ang blood pressure ko. "By the way, matagal na ba kayo ni Kalix?"

"Kalix?" ulit ko kahit na alam ko naman na kung sino ang tinutukoy niya.

"Oh, okay so hindi mo kilala yung nagdala sayo rito?"

"H-hindi po."

"Weird, akala ko girlfriend ka niya sa dami nang ibinilin sakin." sabi nito na sinundan pa ng tawa. "Sabi ko pa naman finally, huh."

Hindi na ako nakasagot nang bumukas ang pinto at pumasok ang nanay ni Clodet. Umiiyak ito, mababakas mo ang takot sa mga mata. Agad nitong niyakap ang anak. Nilapitan ito ng Doktor at pinakalma. Tumingin ito sa akin at kinamusta ako.

"Ayos lang po ako, 'wag niyo po akong alalahanin." sagot ko bago lumingon sa pinto.

Pumasok ang matandang babae na sa tingin ko'y lola ni Kalix. Kasunod nito si Nana Pise at ilan pang mga tao. May hinahanap ang mata ko at natagpuan ko siya na nakahilig sa hamba ng pintuan. Nakahalukipkip ito at madilim pa ring nakatingin sa akin.

Tumingin ako sa gawi nila Clodet para iiwas ang atensyon.

"Pasensya na ho Senyora, nakaabala pa ho kami sa outing ninyo." ang nanay ni Clodet nang nilapitan ito ng matanda.

"Aksidente ang nangyari Tina, wala namang may gusto nito." sagot naman ng matanda bago ako lingunin.

Agad akong kinabahan kahit na muka naman siyang mabait. Sinubukan kong ngumiti upang batiin siya at sinuklian naman niya ito.

"Si Ysabella ho Senyora, matalik na kaibigan ni Clodet, parang anak ko na rin ho ang batang iyan, kaya isinama ko na rin bilang dadalawa na lang kami nitong anak ko."

Ngumiti lang ito at ibinalik sa akin ang tingin. "Maayos ka na ba iha? Parang namumutla ka pa."

"Ah ma-ayos naman na po, pasensya na po sa abala." nahihiyang sagot ko dahil halos lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Kay gandang bata, naaalala ko sa kanya ang kabataan ko." pabirong sabi nito na sinundan ng tawanan.

Maging ako ay nakitawa na rin at medyo gumaan na ang pakiramdam.

"Asan si Ysa? Makikiraan, makikiraan." si Karl habang pumapasok. "Ayos ka na ba? May masakit ba sayo ha? Ano?"

"Maayos ako Karl, buhay pa 'ko o kumalma ka nga."

"Nag-alala 'ko sayo." sabi nito bago ako yakapin.

Nakita ko ang ngiti ng mga tao maging ng Senyora kaya naman agad akong kumalas sa yakap niya. 

"Batang pag-ibig, masaya iyan mga anak pero matuto pa rin kayo na lagyan ng limitasyon ang bawat kilos." si Senyora.

"Hindi po, magkaibigan lang po kami ni Karl." sagot ko bago nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa gawi ng pinto.

Wala na siya roon na agad kong ikinainis. At agad ko rin namang ipinagtaka. Bakit nga ba ako naiinis?

Naputol ang pag-iisip ko nang magkamalay si Clodet. Yumakap ito sa mama niya at agad akong hinanap.

"Si Ysa? Asan si Ysa?"

Agad akong tumayo upang lapitan ang kaibigan. "Andito ako Clodet, maayos ako. Ikaw ano bang nararamdaman mo?"

"Nako, patay ako kay Tito Alex pag may nangyaring masama sayo. Mabuti na lang at ligtas ka. Sorry Ysa." iyak nito habang yakap ako. "Baka hindi na 'ko non pakainin sa inyo." pagbibiro pa nito.

Lumabas na ang ilang tao habang pinatatahan ko si Clodet. Maghahapon na pero maaga pa para umuwi kaya marahil ay bumalik sila sa dagat o nagligpit na. Nakapagpalit na kami ni Clodet ng maayos na damit. Andito pa rin ang Senyora at si Nana Pise, kausap ang nanay ni Clodet.

"Ano nga palang buong pangalan mo Ysa?" si Senyora nang malingunan ako.

"Maria Ysabella Mondragon po." sagot ko.

"Mondragon." ulit niya sa ekspresyong hindi ko makuha. "I hope you're not one of them."

SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon