Kalixto Saavedra Cojuanco

87 4 4
                                    

Nakita ko siya sa hindi magandang pagkakataon. I am fucking making out in a fucking pile of hay when I saw her. Sabi ko na nga ba at hindi magandang magpadala sa tukso. Well, I am damn bored sa probinsyang 'to. Might as well find something fun to do.

Hindi ko alam kung dahil ba sa nakakatawang sitwasyon, or because her face is really unforgettable, pero hindi na nawala sa isip ko ang itsura nito. She's white and thin. Malayo sa pangkaraniwang kulay ng mga tao rito. Her hair is gorgeous. Kung hindi lang simple ang suot nito'y maiisip kong ipinaayos iyon. And, I must say that the girl is exceptionally pretty. Halos hindi ko maialis ang tingin dito.

Hindi ako magmamalinis. I like girls, pretty ones to be specific. Pero madali akong makalimot.

Kaya lang, ayaw talaga 'kong tantanan ng babaeng 'to. Hindi ako naniniwala sa love at first sight. That's bullshit. Kaya hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko nang makita ko ulit ito sa beach.

Napakailap. Halos ayaw dumikit sa'kin ng mga mata nito. I'm not used to that. Sanay akong nakukuha ang atensyon ng babae. Madalas ay sila pa nga ang nauuna. Kaya naman ang pag-iwas ng isang 'to ay talagang ikinaiinis ko. Lalo na nang malaman kong pinopormahan siya ng isa sa mga tauhan namin at ineentertain niya, halos magngalit ang ngipin ko sa inis.

Lagi ko siyang nakikita. Minsan ay kusa, dahil nagtatrabaho siya sa'min. Pero may pagkakataong sinasadya ko ito.

Masyadong malayo. Ganoon ko nakikita si Ysabella. Kahit na kaharap ko na ay parang ang hirap hirap pa ring lumapit rito dahil sa matayog na pader na harang nito sa sarili.

Kaya naman hindi ko maiwasang mamangha sa tuwing kusang lumalapit ito. It's like the sky is reaching for me. 

Iba siya. 'Yun ang laging kong dahilan sa sarili. Ayaw aminin ang pagkahulog.

Pero nang malaman kong apo siya ni Antonio Mondragon ay agad akong namroblema. Even when she's not saying it, I know that our status makes a gap between us. Paano pa kung malaman niyang kaaway ako. Agad akong nanginig sa takot.

"Apo siya ng kaaway Senyora." Taas noong sabi ni Niana kay Lola.

Isang umagang nadatnan ko ito sa sala.

"What are you talking about?"

"Look."

My Lola's face turned dark. I walked up to them and snatched the phone.

"Traitor." You can hear the anger in Lola's voice.

I saw a picture of Ysa and Antonio Mondragon in one table. Nagka ideya na ako rito nang malaman kung saan sila nakatira pero hindi ako nagtangkang magtanong kahit isang beses. I know she'll tell me.

I got scared. Natakot ako hindi dahil alam kong tututol sa'min ang pamilya. Damn, I can leave everything for her. Pero natakot ako sa pwedeng mangyari sa kaniya. She's coming here today. I know I can protect her, but I can't shield her from words. I won't risk it.

"You'll find her? Kaaway niyo siya Kalix." Pigil sa'kin ni Niana nang iniwan ko sila matapos makita ang picture. "Lola niya mismo ang nagsabi sa'kin na she's their spy. I have a recording. Listen."

Nang marinig ay umalis pa rin ako. Parang wala sa sarili. I know her, she'll never do that. Tangina. Pagtaksilan na ako ng lahat, Ysabella. 'Wag lang ikaw.

Pero sa hindi malamang dahilan, I can't find her.

Nang bumalik ako sa mansyon ay nawindang ako sa nadatnan. I am seeing my family crying over my unconcious Lola. And there is the woman I love, with the people that caused us misery.

Alam kong mali. Pero mahirap makipaglaban sa puso. Kaya naman nang malaman ko ang ginawa ni Niana kay Ysa, I lost it. Kung hindi lang ako napigil ni Sunny ay baka kung anong nagawa ko rito.

"Gago! You'll go in jail, dahil lang sa babaeng 'yon!" Ang galit na si Gael nang makitang muntik ko nang masaktan si Niana.

Lalong sumama ang timpla ko at sa pinsan naibunton ang galit. I'm so frustrated. I can't think straight.

Galit na galit si Papa nang malaman ang ginawa. And I know na hindi lang si Papa. I know my family. Kahit hindi nila sabihin. They despised me because I am loving a Mondragon.

And I understand. I also detest myself lalo na habang nakikita si Lola sa ganoong sitwasyon.

Pero wala e. I don't have the upper hand. Wala na 'kong kontrol sa sarili. Kaya naman nang malaman ko na namatay ang Mama niya, para akong gagong pumupunta roon gabi gabi. Nagkalakas lang ng loob na lumapit nang maiwan siyang mag-isa.

Nang makalapit ay halos saksakin ko ang sarili para lang pigilan ang pagkulong rito sa mga bisig. Samantalang malamig na mga mata ang isinalubong nito. Pero hindi pa rin makakatakas sa'kin ang lungkot at taranta rito.

I just wanted to see her. Gusto ko lang malaman na maayos siya. Ayoko siyang biglain dahil alam kong maraming nangyari.

That's why I am also shocked nang masabi rito ang nararamdaman. Pero tangina, agad ako nitong pinalayo. Gusto kong umiyak noong mga sandaling 'yon.

Pakiramdam ko'y kaya kong magmakaawa. I'll beg, Ysabella. Napakadali lang no'n. Pakiramdam ko nga kaya kong talikuran lahat para sayo. Kaya kong iwan lahat, Ysa. Isama mo lang ako d'yan sa taas.

Pero nang sabihin nito sa'kin kung gaano siya nasaktan, at kung gaano siya masasaktan kapag makikita ako, ay para akong bumagsak sa lupa.

May pag-aalinlangan roon kaya nagdalawang isip ako sa rason niya pero sa pangalawang ulit na pagtaboy sa'kin nito ay namanhid ako. Saglit na nag-isip kung kaya ko ba ang gusto nitong mangyari kahit na alam ko na ang sagot doon.

Hindi. Umalis man ako ay para kong iniwan ang sarili sa kaniya. I left my heart where it belongs.

That's why the moment I saw her again, my heart starts beating... again.

"I love you, Kalix." She said when she felt my arms.

Nakatalikod siya sa'kin. Pareho kaming nakatingin sa sunset mula sa veranda ng kapapatayo lang naming bahay.

"I love you more Mi Cielo." I whispered in her ear. "You're my only form of joy, my world." I almost gasp when she turned to me. "You are my sky."

SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon