Kabanata 26

37 3 0
                                    

Nang makauwi ay para akong tangang nakatingin sa salamin. Suot ang kwintas na bigay ni Kalix. Bigla kong naalala ang dahilan niya kung bakit iyon ang inilagay sa pendant.

"Masyado ka kasing mataas." Nakangiti at malamlam pa rin ang mga matang sabi nito.

"Huh?"

Nag iwas ito nang tingin bago muling nagsalita. "Lagi kitang nakikita pero... parang masyado kang... malayo." Putol-putol na sabi nito, tila ba nalulunod sa dahilan.

"Luh? Ikaw nga ang malayo e. Ang yaman yaman niyo kaya 'tas eto lang ako." Hindi nag iisip na biro ko, pinipilit pagaanin ang hangin sa pagitan naming dalawa. Nakagat ko ang dila nang marealize na parang mas napabigat ko ito lalo.

"See." Seryosong tugon nito. Nang tingnan ko'y ganoon rin ng itsura. Kalauna'y may dumaang lungkot sa mga mata at saglit na umiling bago magsalita. "Wala akong pakialam sa estado nating dalawa. Sana ganoon ka rin, Ysabella." May diing sabi nito. Nahimigan ko ang hinanakit sa boses.

Napailing ako nang maalala kung gaano katagal ko siyang kinumbinsi na biro lamang iyon. Mas nasaktan pa ata siya sa sinabi ko kaysa sa'kin.

Katok sa pinto ang nagpabalik sakin sa katinuan. Ang nakangiting si Mama ang nakita ko sa labas.

"Ma, may kailangan po kayo?"

Bumaba ang tingin nito sa leeg ko at saglit na nagtagal roon. Wala sa loob na napahawak naman ako sa pendant ng kwintas.

Nang itaas ni Mama ang mata, ay naningkit ang mga nito dahil sa paglapad ng ngiti. Hindi naman nakatiis at sinuklian ko rin ito.

"Bumaba ka na, kakain na." Malambing na sabi nito, hindi na nagtanong pa.

Nahihiyang tango lang ang naisagot ko sa ina bago dali-daling tanggalin ang kwintas at ibalik sa lalagyan nito.

"That's great! Paano mo nakilala si Mr. Vazquez gayong kababalik lang natin dito?" Ang nagsasalitang si Lolo ang naabutan ko sa hapag.

"I have my sources." Simpleng sagot ni Lola Ursula.

"And for him to invest that big in our company, he must be very rich." Pagpapatuloy ni Lolo.

"He pulled out his shares sa isang kompanya." Nangingiting sagot naman ni Lola.

"Really? What company? He's our biggest investor now. Tiyak na malaking pilay ang pag pull out niya sa kompanyang iyon."

"I... don't know. Maybe because my offer is better kaya pinili niya tayo."

"Anyway, that's a great news for us. Let's invite his family. I want to meet him personally."

Kahit na hindi gaanong naiintindihan ang pinag-uusapan ay nakangiti pa rin ako dahil mukang maganda rin ang mood ni Lolo at Lola. Gayon rin si Tito Anton. Si Papa at Mama ay tahimik lang na kumakain.

"How's work Alex?" Baling ni Lolo kay Papa.

"I'm good. You don't have to monitor me." Malamig namang tugon nito.

"Wala pa ring kupas si kuya Pa. Madaling makapag adjust. He actually suggested something that I think will be a big shot for us."

"Really? That's great! Pag-usapan natin sa study mamaya."

Maaga pa lang ay lumabas na ako kinaumagahan. Nagtext kasi si Kalix na susunduin niya 'ko. Kagabi ay sobra akong kinabahan nang pinigilan kami ng guard sa bukana pa lang ng pulo. Hindi ko alam na may nagbabantay na pala rito. Kaya naman para hindi na kami matanong ay sasalubungin ko na siya.

Kalagitnaan pa lang ako ng pulo ay nasalubong ko na ang hummer.

"Why are you walking?" Nakakunot ang noong tanong nito.

SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon