"Napakaganda rito." sabi ko habang nakatingin sa karagatan.
"Mas maganda ka pa rin Ysa." si Karl na anak ng hardinero ng mga Cojuanco. Matangkad ito at sa taas kong 5'3 ay halos hanggang baba lang niya ako.
"Ysa! Karl! Tara na kakain na raw." sigaw ni Clodet galing sa isa sa mga cottage sa harap ng dagat.
Tanghali na kaming nakarating dahil mahaba ang byahe papunta sa beach. Sumakay kami sa isa sa mga van ng mga Cojuanco. Hindi namin sila kasabay at ipinagpasalamat ko na rin iyon dahil tiyak na magiging tahimik ang byahe.
Kasabay namin sa pagkain ang ilan sa anak ng mga kasambahay habang sa kabilang cottage naman ay ang kanilang mga magulang na masayang masayang kumakain.
"Andyan na ang mga Cojuanco!" sigaw ni Nana Pise. Ang pinakamatanda at pinakamatagal nang nagsisilbi sa kanila.
Agad na tumayo ang ilan sa mga kasambahay kasama na rin ang mama ni Clodet para ayusin ang kakainin ng mga amo sa cottage na katabi ng sa amin.
Unang dumating ang dalawang matatangkad na lalaki na sa tingin ko'y nasa mga late twenties na nila. Kasunod nito ang dalawang mapuputi at balingkinitang babae. Sopistikadang babae ang sumunod sa kanila na kahit mababakas na ang katandaa'y hindi pa rin maitatago ang ganda ng mukha kasabay nito ang isang mas batang babae at isa pang lalaki na base sa pagkakahawak sa siko ng babae ay masasabi kong asawa nito.
Grupo ng matatangkad na binata ang sumunod, kaya naman parang binudburan ng asin si Clodet na ngayo'y katabi ko.
"Ang gugwapo ng magpipinsang Cojuanco no." sabi nito sabay subo ng kanin.
Matatawa na sana ako kung hindi ko lang nakita ang pamilyar na pares ng mga mata. Nakatingin ito sa akin at kagaya ng ekspresyon nito kahapon, kapilyohan at panganib pa rin ang nakita ko.
Agad kong iniwas ang tingin ko dahil pakiramdam ko'y kinakapos ako ng hininga.
"Huy, okay ka lang?" tanong ni Clodet nang mapansin ang pagtahimik ko.
"A-ah oo, cr lang ako saglit." Sagot ko bago tumayo at tumakas sa tingin ng estranghero.
Malayo layo ang lalakarin bago makarating sa pampublikong palikuran pero hindi sapat iyon para kapusin ako nang hininga. Nakapagtataka na ganoon na lamang ang reaksyon ko sa tingin ng lalaki na iyon. Sanay ako sa titig ng mga tao, dahil bata pa lamang ako'y nakukuha ko na ang atensyon nila. Bukod kasi sa kulay papel kong balat na bihira sa bayang ito, kakaiba rin ang pagkulot ng aking buhok. Malalaki ito at tila ba pinasadya.
Naghilamos ako upang kumalma.
"Hoy, akin si Kalix a, baka agawan mo pa ako." pataray na sabi ng isang babaeng papasok.
"Iyong iyo, andami dami pang pwedeng pagpilian sa mga Cojuanco duh." sabi naman ng kasunod nito.
Napatingin ako sa kanila dahil sa apelyidong narinig. At gaya nang madalas kong natatanggap sa mga babaeng kaedaran, tiningnan rin nila ako mula ulo hanggang paa na tila ba kailangan akong inspeksyonin.
Napagpasyahan ko nang bumalik at tiyak na hinahanap na ako ni Clodet. Nadatnan ko siyang nakikipag usap kay Karl.
Tingnan mo 'tong babaeng 'to, ang sabi sa aki'y wala siyang kakilala rito.
"Ysa! San ka ba nanggaling kanina ka pa namin hinahanap ni Karl." salubong sakin ni Clodet.
"Hindi mo manlang inubos yung pagkain mo kanina, busog ka na ba no'n?" nag aalalang tanong ni Karl nang umupo ako sa tabi niya dahil wala ng espasyo sa banda ni Clodet.
"Nagbanyo lang ako pero okay na 'ko, salamat."
Agad na lumibot ang mata ko nang makarinig ng halakhakan galing sa kabilang cottage.
Napako agad ang mata ko sa lalaki. Nakangiti siya at tila ba tuwang tuwa sa sinabi ng katabi. Uminom siya bago bumaling sa gawi namin.
"Ysa, may boyfriend ka na ba?" tanong ni Karl na ipinagpasalamat ko dahil nagkaroon ako ng dahilan para lumingon.
"Nako Karl wag ka nang umasa at wala ka ring mapapala dyan sa kaibigan ko, tatandang dalaga yan." pabirong sagot ni Clodet.
"Nagtatanong lang naman ako Clodet." nahihiyang sagot naman ni Karl.
Mula pa kaninang umaga ay napapansin ko na ang mga pagpaparamdam ni Karl pero ayokong bigyan iyon ng ibang kahulugan. Wala pa akong interes sa ganoong bagay at wala rin akong oras. Bukod kasi sa nag aaral ako, tinutulungan ko rin si Papa sa pag aalaga kay mama at sa mga trabaho sa talyer.
"Wala Karl, at wala rin naman akong balak pumasok pa sa mga ganyang relasyon." sagot ko bago bumaling sa kabilang cottage.
Nakatingin siya sa akin sa ekspresyong hindi ko mabasa, kumunot ang noo bago umiwas ng tingin.
Tumayo ang mga kasama niya sa cottage at dumiretso na sa beach. Makulimlim kaya hindi masakit sa balat ang araw. Nang ibalik ko ang paningin sa kanya'y hindi na siya nag iisa. Kung hindi ako nagkakamali kasama na niya yung babaeng nakasabay ko kanina sa cr. Naka bikini na lamang ito, showing her flawless tanned skin.
Nanlamig ako bigla. Yun siguro yung mga tipo niya. Yung parang pang Miss Universe na balat. Nang nilipat ko ang tingin ko sa kanya ay nakataas ang isang kilay nito.
Nag aya si Clodet na maligo sa dagat at agad akong pumayag. Ayokong manuod sa paglalampungan ng dalawang 'to. Pumunta muna kami sa cr para makapagpalit ng damit pampaligo. Maluwag na t-shirt at maong na shorts ang suot ko samantalang naka puting one-piece swimsuit si Clodet na bumagay sa kanyang may kapulahang balat.
"Hoy manang, ano ba naman yan minsan lang tayo dito e." si Clodet bago maghalughog sa bag niya. "O ayan please lang palitan mo nga yang suot mo."
Isang maroon na one-pice swimsuit ang binigay nito sakin. Bukas ang likod nito na may isang kawit lang sa gitna.
"Ayoko, hindi ako nagsusuot ng ganyan Clodet."
"Ngayon lang, sige na naman, kahit mag short ka nalang ulit, basta palitan mo yang t-shirt mo dalii." sabi nito habang pinagtutulakan ako sa loob ng cubicle.
Hapit na hapit ito nang isuot ko. At ganoon rin ang itsura nang tiningnan ko sa salamin. Kitang kita ang collar bone ko dahil sa baba ng leeg nito pero sapat naman para takpan ang dapat takpan. Inilugay ko ang hanggang sikong buhok na ngayon ay medyo magulo dahil sa pagkakapusod kanina.
"Ang sexy sexy mo, bwisit ka. 'Wag kang tatabi sakin mamaya at tiyak na lahat ng boys ikaw ang titingnan. Hmp." pabirong irap nito bago kami lumabas.
"Huwag naman sana." mahinang sabi ko nang may naisip na pares ng mga mata.
BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...