Maaga akong pinapunta ni Aling Tina sa mansyon dahil marami raw aasikasuhin para sa party mamaya. Hindi ko naman naitanong kung ano ang okasyon kaya naman ganun na lang ang gulat ko nang malamang birthday pala ni Kalix ngayon.
Napatulala pa 'ko nang ilang segundo bago magsimulang tumulong sa kanila. Hapon pa raw ang simula ng party pero dahil enggrande ay marami ang dapat ayusin.
Wala ako sa sarili nang araw na 'yon dahil sa mga iniisip. Kaya pala umuwi ang mga Cojuanco ay dahil roon, hindi manlang ako nagtaka. Hindi manlang rin kasi sinabi ni Kalix sakin na birthday niya pala. Wala manlang tuloy akong naihandang regalo.
Maghapon ako sa kusina dahil ayoko ring may makasalamuhang iba, mabuti na lang rin at wala namang ibang pumasok roon bukod sa mga kasambahay.
Nang mag alasingko ay narinig ko na ang ingay mula sa mga sasakyan, maging sa masasayang batian. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.
"Ysa, may ginagawa ka ba?" Si Nana Pise nang madatnan akong tulala sa harap ng mga napunasan nang kubyertos.
"Wala na ho Nana." Sagot ko kasabay ng pag iling.
"Lumabas ka roon at tumulong ka sa pagseset up ng mga upuan. Kinulang ang nakaayos dahil sa dami ng mga pumunta." Dirediretsong sabi nito habang nakatingin sa binalikang niluluto.
Kahit kabado ay agad akong lumabas. Marami nang tao ang nasa venue kahit hindi pa nagsisimula ang event. Agad kong nakita ang mga nagseset up ng mga upuan at lumapit doon para tumulong.
Habang kumikilos ay hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Puro malalaking tao ang naroon, suot ang magagarang damit na kahit ata gamitin ko ang sweldo ko sa isang buwan ay hindi pa rin mabibili.
Napatingin tuloy ako sa suot kong maong na pantalon at kupas na light blue shirt. Di bale na bilisan nalang natin ang kilos para makabalik na sa loob.
"Tulungan na kita." Muntik ko nang maibagsak ang bitbit nang biglang hinawakan ni Karl ang kamay kong nakahawak sa bakal na upuan.
Mabilis akong umiling rito. "Ako na rito, andami pa roon." Baling ko sa mga nakahilera pang upuan.
"Gagawin ko 'yon mamaya, tutulungan muna kita." Pagpupumilit nito na sinundan pa ng kindat.
Dahil ayaw nang makipagtalo ay hinayaan ko siya sa gusto at kumuha ulit ng isa pa. Lihim akong napairap nang sumunod muli ito sa'kin at nagpumilit na tulungan ako.
Magagalit na sana ako sa pangatlong pagkakataon pero tila ba nakalimutan ko na ang inis nang makita si Kalix. Naka polong puti ito na bukas ang tatlong butones sa itaas habang ang manggas ay magulong nakatupi hanggang siko. Ang simpleng pantalong itim ay tila ba nagmukang limited edition sa pagkakasuot niya.
May kausap itong dalawang ginang ngunit ang madilim na mga mata'y seryosong nakatingin sa gawi namin.
Agad ang pagbitiw ko sa hawak ni Karl na para bang nahuli akong gumagawa ng masama. Hinayaan ko itong kunin ang bitbit ko at agad na bumalik sa mga nakahilera pang upuan.
Handa na ang litanya ko kay Karl, nang maramdamang may tao nanaman sa likod ko pero nalunok ko ata pati dila ko nang makita si Kalix.
Seryoso itong nakatingin sa'kin ngunit kalaunay tumaas ang isang kilay nito at dahan dahang lumiwanag ang ekspresyon.
Ibinaba ko muna ang hawak na upuan. Babatiin ko manlang siya, pwede naman sigurong malate ang regalo.
"U-uh... Happy Birthday." Sabi ko na hindi makatingin dito nang diretso. "Hindi mo manlang sinabi sa'kin kahapon, wala tuloy akong regalo sayo." Nahihiyang sabi ko, paminsan minsang sumusulyap sa kaharap. "Uh... Ano palang uh, gusto mo? Parang nasayo naman na ata lahat, hindi ko alam kung anong ibibigay ko." Pagpapatuloy ko dahil tahimik lang itong nakatingin sa'kin.
Unti-unting namuo ang ngiti sa labi nito. Kalauna'y kinagat ang pang ibabang labi bago umiwas ng tingin.
Nang ibalik sa'kin ang mga mata'y napakurap kurap ako. "Ikaw, Ysa." Malamlam ang matang sabi nito.
"Huh?"
Lalong lumapad ang ngiti nito bago yumuko. "I'll think about it."
Isang tikhim ang nagpabalik sa katinuan ko. "Kunin ko na 'to ah." Isang taga catering hawak ang upuang ibinaba ko sa gilid.
Tango lang ang naisagot ko dahil sa mapanghusgang tinging ipinukol nito sa'kin.
Nang makitang tapos na ang pag-aayos ay agad na rin akong nagpaalam na babalik na sa kusina.
Sinusubukan kong bilisan ang lakad upang hindi mapansin ng kahit sino pero parang pinaglalaruan nanaman ako ng mundo dahil nakabangga pa 'ko nang bisita. Hindi lang 'yon, tumapon ang agad na nagmantsang red wine sa damit ko.
"Oh my God! I'm so sorry!" Malakas na sabi ng babae na agad nakapukaw ng atensyon ng mga bisita.
Nang itaas ko ang tingin ko'y nakita ko ang babaeng nirereto kay Kalix. Kung hindi ako nagkakamali'y Niana ang pangalan nito.
Aalis na sana ako pero hinarangan ako nito at sinubukang punasan ng tissue ang damit ko.
"Niana, what happened?" Tanong ng isang bisita.
"I tried to avoid her. Masyado siyang mabilis." Agad na paliwanag nito.
"Let her go, you might get stained." Sabi naman nang isang babaeng kaedad niya.
"Who's she? How pretty."
"She's a maid." Sagot naman ni Niana na halos tapunan nalang ako nang tissue.
Nang makitang palapit si Kalix ay agad akong umalis roon.
"Pasensya na Ma'am" Sabi ko bago tumakbo papasok.
Dirediretso ang pasok ko sa kusina. Nagulat pa ako nang madatnan roon si Senyora.
Nakangiti ito sa'kin hawak ang dalawang pamilyar na paper bag.
"Lola?" Si Sunny na kapapasok lang sa kusina.
"Help me with this, sweetheart." Sabi ng Senyora pagkatapos iabot rito ang hawak. Bumaling ito sakin at muling tumingin sa apo.
Nang masuri naman ni Sunny ang laman ay agad itong ngumiti. "No problem."
Nag lumabas ang Senyora ay iginiya ako ni Sunny sa loob. Dumiretso kami sa guest room sa baba. "Change your clothes." Sabi nito, iniaabot sa'kin ang hawak na paperbags.
"N-ako Ma'am Sunny, hindi na ho. Matutuyo rin-"
"Oh God, don't call me Ma'am. Tunog Prof, call me Sunny, or if you like, you can call me Ate Sunny." Nakangiting sabi nito na sinundan pa ng kindat.
"Pero masyadong mahal 'yan Ma'am- I mean... Ate." Papahinang sabi ko, nahihiyang tawagin ito sa pangalan.
"Ay 'wag matigas ang ulo." Sabi nito na marahan akong tinutulak sa cr. Nang maisarado ang pinto'y muli itong nagsalita. "Hindi ka lalabas d'yan hanggang 'di mo 'yan sinusuot. Sige ka."
Wala na akong nagawa kun'di sundin ito. Inilugay ko ang buhok dahil nakakailang pa rin ang bukas nitong likod.
Nang lumabas ako ay nanlaki ang mata ko nang makita roon si Ma'am Annaliese.
"Wow, a goddess." Sabi nito diretsong nakatingin sa mukha ko.
"You look stunning, Ysa." Si Sunny.
Agad naman akong yumuko sa hiya at saglit na umiling. "Hindi ko po ata mapaniniwalaan 'yon, gayong kayong dalawa ang nasa harap ko."
Agad namang lumapad ang ngiti ni Ma'am Annaliese. "I like you already."
Hindi naman napigilang matawa ni Sunny sa sinabi ng ina. "Sit here. I'll just put some color on your cheeks and you're good to go."
"Braid her hair Sun. Napakaganda ng buhok niya pero hindi ko yata maatim na itago 'yang ganyang kurba ng likod." Si Ma'am Annaliese nang dumaan ako sa harap niya.
"Are you comfortable with that?" Bulong sa'kin ni Sunny nang makaupo ako sa harap ng tukador.
Tango lang ang naisagot ko rito dahil nahihiyang tumanggi.
BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...