Mariin ang titig niya sa sugat habang ginagamot. Tila ba malaki ang kasalanan sa kaniya nito. Ngunit ang tigas ng itsura niya ay kabaligtaran ng rahan ng pagkakahawak niya sa akin.
"Mag-ingat ka sa susunod." Sabi nito sa gitna nang paglalagay ng gasa sa sugat.
Hindi naman ako nagsalita. Nakatitig lang ako sa kaniya, sinusulit ang libreng pagkakataon.
Nang tumingin siya sakin ay binaba ko ang tingin sa sugat na tapos na palang palitan ng gasa.
"Ysa." Nang tinawag ako nito'y saka lang ako tuminging muli. "I told you to be careful."
"Kailangan mo pa ng sagot?" Imbis na sumagot ay tumitig lang siya sa'kin kaya naman wala na akong nagawa kundi tumango. "Okay, salamat."
Tumayo na ito, tila aalis na. Ganoon rin ang ginawa ko.
Muli itong tumingin sa akin. "Sit."
"Ihahatid lang kita sa labas."
Ngunit imbis na lumabas ay dumiretso ito sa kusina. Nagtataka naman akong sumunod rito.
Binuksan nito ang ref at naglabas ng yelo mula roon, tinipak ito sa lamesa, at naglabas ng panyo mula sa bulsa.
"I told you to sit." Sabi nito bago ako binuhat gamit ang kanang kamay. Sa gulat ko'y impit akong napatili.
Iniupo ako nito sa lamesa habang siya'y umupo naman sa silyang katapat ko. Dahan dahan nitong tinanggal ang sandals sa paa ko at inilapat ang yelo sa bandang nagpasa na kulay violet na ngayon.
"What happened to your foot?" Tanong nito sa'kin ngunit ang atensyon ay nasa paa ko pa rin.
Nahihiya naman akong sabihin kung bakit ito nagpasa ng sobra kaya nagpalusot nalang ako na nabagsakan ito ng mangga habang nagwawalis sa bakuran, na hindi naman ata effective.
"Gaano ba kalaking mangga 'yon?" Pabirong sabi nito bago tumingin. Sa tunog at sa itsura nito'y kita mong hindi bumenta ang palusot ko.
Imbis na sumagot ay inagaw ko na sa kaniya ang paa ko. "O-okay na 'yan. Mawawala rin to."
Tinangka kong bumaba mag-isa ngunit hindi pa rin ito pumayag at agad akong inalalayaan sa bewang. Sa lapit nami'y halos tumama na ang ilong ko sa dibdib niya. Lalo namang nanuot ang bangong kanina ko pa naaamoy sa kaniya. Halong mamahaling pabangong panlalaki at sarili niyang amoy na parang mas nakakaadik pa ata sa pabango.
"I'll go now." Sabi nito pagkatapos lumayo.
Tumango ako. "Salamat."
Matagal nang nakaalis si Kalix ngunit tila ba nakulong na siya sa isip ko. May mga bagay talaga na hindi natin makokontrol sa buhay na ito at sa tingin ko'y pag iisip ang isa sa mga 'yon. Sana lang hanggang dito lang ang hindi ko makontrol.
"How's your wound?" Sabi niya nang makalapit. Nagwawalis ako ng mga tuyong dahon sa tabi ng pool.
"Okay na, maliit na sugat lang naman." Sabi ko bago huminto sa pagwawalis para tumingin sa kaniya.
"Don't overwork it."
Tumango ako bago tumuloy sa ginagawa. Natigil lang nang agawin niya ang walis.
"Let me do it."
"Huy, ako na, ano ka ba, baka may makakita sayo."
"You're injured."
"Anong injured, e ang liit liit lang nito." Natatarantang sabi ko, tumitingin sa paligid habang inaagaw sa kaniya ang walis. Ngunit parang wala itong naririnig. Nang matapos, ay saka lang ako nito pinansin.
Iniwan ko na siya roon para pumasok sa kusina. Naabutan ko si Nana at ang mga kasambahay na kumakain. Sumalo rin ako sa mga ito.
Nang matapos ay nagpresinta na akong maghugas dahil ako lang naman ang walang gagawin, ngunit bago pa ako makapagsimula ay may nauna na sa akin.
Muntik ko pang mabitawan ang huling platong kinuha ko mula sa lamesa nang makita si Kalix na naka apron at naghuhugas ng pinggan.
"Ano naman sa tingin mo 'yang ginagawa mo?"
"I'm washing the dishes." Kaswal na sabi nito na tila ba araw araw niya itong ginagawa.
Agad naman akong tumingin sa paligid. "Tabi diyan. Ako dapat diyan." Sabi ko habang marahan siyang tinutulak.
"Stay still."
"Ako na, sige na, Kalix."
"I'm enjoying it."
"Ang maghugas ng pinggan?" Sarkastikong tanong ko.
Tumango ito bago tumingin sa'kin. "But more like, you touching me. Kaya pala gustong gusto kang tinutulungan ni Karl."
"Ano naman sa tingin niyo ang ginagawa ninyo?"
Muntik na akong mapatalon nang magsalita si Nana Pise.
"N-nana... A-no po...kasi-"
"She's injured." Seryosong sabi ng katabi kong hindi manlang natinag at nagpatuloy lang sa ginagawa.
Natahimik si Nana. Kalauna'y lumapit at inagaw kay Kalix ang hawak nito.
"Ako na Kalix, baka may iba pang makakita." Seryosong sabi nito.
"N-nana... Ako na po-"
"Hindi. Tama siya. Pagalingin mo muna 'yang sugat mo." Sabi nito sa'kin nang hindi tumitingin.
"Pero-"
"Pise." Ang Senyora bago pumasok sa kusina. "O Kalix? Nandito ka pala." Sabi nito ng matanaw ang apo na kasalukuyang nagtatanggal ng apron. Ngumiti lang ang Senyora at nagpatuloy na sa mga habilin kay Nana Pise.
"Anyway, are you busy, Ysa?"
"Hindi po, Senyora."
"Okay, come with me." Sabi nito bago lumakad.
Agad naman akong sumunod rito.
"Let me drive you." Habol ni Kalix.
Gulat na napatingin ang Senyora. "Really?!"
"Don't make it a big deal Lola. I'm bored." Si Kalix na nauna na sa labas.
Naiwan namang nakatulala ang Senyora, kalauna'y tumingin sa akin at ngumiti.
"Ysa, sit beside me." Ang Senyora nang akmang sasakay ako sa harap.
"Uh, saan po ba tayo pupunta Senyora." Tanong ko nang umandar na ang sasakyan.
"We'll shop." Nakangiting sagot nito, nakatingin sa harap.
Tumango naman ako bilang pagsang ayon. Nasan kaya ang mga apo nitong babae, bakit ako ang isinama? Sabagay ang mga mayayamang kagaya ng Senyora kailangan nang tutulong magbitbit sa dami ng bibilhin.
Nang tumingin ako sa harap ay tumama agad ang mata ko sa rearview mirror. Hindi nagtagal ang tingin niya roon dahil kailangan niyang magconcentrate sa pagmamaneho. Ilang ulit pa iyong nangyari kaya naman tumingin ako sa Senyora upang siguruhing hindi niya nahahalata. Malamang na magtataka rin ito sa inaasal ng apo, at hindi ako handang sa magiging sagot nito kung tanungin.
Nakangiti itong nakatingin sa labas. Tila aliw na aliw sa nakikita roon. Nang maramdaman na nakatingin ako'y bumaling ito sa'kin at ngumiti.
"You're really pretty, Ysa. Right Kalix?"
Nagulat ako sa paghingi ng Senyora sa opinyon ng apo. Akala ko'y hindi ito kikibo ngunit agad nagwala ang sistema ko sa isang salitang sagot nito.
"Very."
BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...