Kabanata 25

39 2 0
                                    

"Pasensya ka na, Apo. Natutuwa lang talaga akong nakita kita. Kamukang kamuka mo ang Papa mo. Maging ang awra niya'y nakuha mo." Nakangiting wika ni Lolo nang mapansin ang pagkailang ko sa titig niya.

"Kamuka niyo rin ho si Papa." Sagot ko naman sinusubukang gumaan ang hangin sa pagitan namin. Lalo itong nangiti sa narinig.

Kasalukuyan kaming nanananghalian sa malawak nilang hapag. May mga serbidora rin kagaya sa mga Cojuanco. Medyo nakakailang dahil hindi naman ako sanay na may nagsisilbi sa akin ngunit hindi pumayag ang lolo na tumulong ako.

"Give me your plate Ysa." Ang asawa ni Lolo hawak ang serving spoon ng adobo. "Tikman mo, ako mismo ang nagluto nito." Dagdag pa nito habang nilalagyan ang inilapit kong plato.

"Thank you Ma'am" Magalang na sagot ko.

"Ma'am?! Call me Lola, Ysa." Sabi nito na sinundan ng tawa.

Nahihiya naman akong ngumiti rito. Hindi na sumagot dahil imbis na gumaan ang loob ay parang natakot pa 'ko.

Tahimik lang sila Papa hanggang matapos ang tanghalian. Kalauna'y pumasok sila sa study. Kami naman ni Mama ay ihinatid ni Lola Ursula sa kwarto.

Hiwalay ang magiging kwarto ko ngunit hindi ko pa iyon napapasok dahil ayokong iwanan mag-isa si Mama.

"Go check your room, Ysa. Patutulungan ko nalang sa kasambay ang Mama mo." Si Lola Ursula nang makitang tumutulong ako sa pag aayos ng gamit nila Mama.

Agad akong umiling. "Ayos lang po. Mamaya ko nalang titingnan."

Hindi na ito sumagot at agad ring lumabas.

Nang dumating si Papa ay saka lang ako pumunta sa sariling kwarto.

Kagaya ng reaksyon nang makita ang kabila, ay namangha rin ako nang makita ang sariling kwarto. Malaki ito para sa isang tao, ganoon rin ang kama na tila ba sa isang prinsesa. Kahoy rin ito at napaka elegante nang pagkakagawa. Nakatali ang malaking kurtina kaya naman salaming pinto ang agad mong makikita, daan patungo sa veranda. Likod ng masyon ang kwarto kaya naman tanaw mula rito ang pool na walang tubig sa ibaba. At dahil nasa pangalawang palapag ay tanaw rin ang malawak na lupain. Matatayog at ibat ibang puno ang naroon. Nang bumalik sa loob ay doon ko lamang napansin ang mga kagamitan. Siguradong mahal ang mga iyon.

Dalawang pinto pa ang nakita ko sa loob at halos mapanganga ako nang makitang puno ng mga magagarang damit ang walk in closet. May mga bags at sapatos rin doon. Halos mapuno na ang loob, kaya naman hindi ko alam kung saan pa ilalagay ang dalang mga gamit.

Maluwang na cr naman ang nasa kabila. May malaking salamin sa harap nang malawak na sink. May bathtub rin na kasya ang dalawang tao.

Nang mapagod sa kasusuri ay napaupo ako sa malambot na kama. Komportable itong tingnan pero parang hindi ako agad makakatulog rito dahil sa napakaraming dahilan.

Naputol ang pag iisip ko nang maramdaman ang pag vibrate ng cellphone.

"Kalix"

"Hi" Malalim na boses ang sumalubong sa akin. "I miss you."

Parang naumid nanaman ang dila ko sa narinig.

Natawa naman ang nasa kabilang linya.

"So... what happened?" Tanong nito.

"Nandito na kami... kila Lolo." Sagot ko habang naglalakad papunta sa veranda.

"Alam mo naman na siguro kung saan." Pabirong sabi nito.

"Oo naman, sa dulo lang pala nang pulo."

"Dulo?" Natahimik ito saglit. "Sa lumang mansyon, Ysa?" Pagpapatuloy nito.

"Oo, alam mo 'to?"

"Kalix?" Tawag ko nang hindi agad ito nakasagot.

"Yeah" Mahinang sagot nito. "Are you still coming tomorrow?"

"Oo naman."

Hindi ko alam kung ilang oras rin kaming nag-usap. Naputol lamang iyon nang tawagin ako para sa hapunan.

Naging maayos naman ito pero parang hindi talaga ako masasanay na pinagsisilbihan.

"Ysa, si Mama 'to." Tawag ni Mama pagkatapos kumatok sa kwarto.

Nang buksan ko ang pinto ay hindi pala ito nag iisa. "O Ma Pa, namiss niyo 'ko agad? Anlaki po kasi ng bahay 'no?" Biro ko habang iginigiya ang mga magulang papasok.

"Okay ka lang ba? Gusto mo bang samahan ka namin matulog ngayon?"

Mabilis naman akong tumango. "Anlaki ng kama, kasyang kasya tayong tatlo. Saka parang mamamahay ako dito, halos kasing laki na nitong kwarto ko yung buong bahay natin." Nakangiti kong sabi.

"Pinagkait ko 'to sayo anak, hindi ka ba nagtatampo kay Papa?" Malungkot na mga mata ni Papa ang nakita ko.

Agad akong umiling. "Hindi, Pa. Hindi ko ipagpapalit dito ang simpleng buhay ko, kasama kayo."

Yakap ang naging sagot sa'kin ng mga magulang.

Kinaumagahan ay hindi ko alam kung paano ko nagawang makaalis, dahil nang malaman ni Lolo na nagtatrabaho ako ay agad ang naging pagtutol nito. Ang sabi pa'y dodoblehin niya raw ang sahod ko buwan buwan, tumigil lang ako. Pa'no pa kaya kung malalamang kasambahay ang pinasukan ko.

Hapon na nang makita ko si Kalix. Nakatalikod ito, nakaharap sa pool.

"Huy!" Pag-gulat ko, ngunit hindi manlang ito natinag.

Lumingon lang siya sa akin. Matagal ako nitong tinitigan bago sumilay ang maliit na ngiti sa labi. Nag iwas ito ng tingin bago nagsalita.

"I thought I'll never see you again."

"Huh? Isang araw lang akong absent ah."

"Kaninang umaga pa kita inaantay." Hindi pa rin nakatinging sabi nito.

"Ah, tumawag kasi si Aling Tina na magkita kami sa palengke wala raw kasi siyang nakasama kaya doon na 'ko dumiretso."

"I texted you." Seryosong sabi nito. Hindi pa rin makatingin. Kung hindi lang si Kalixto Cojuanco ang kaharap ko, aakalain kong nahihiya ito.

"Nako, hindi ko kasi natingnan kanina yung phone ko. Andami kasing pinamili ni Aling Tina." Sagot ko naman habang hinuhugot ang cellphone sa bulsa.

Kimi itong natawa bago umiling.

"I'm so smitten." Mahinang sabi nito bago tumingin sakin.

Ako naman ang nag-iwas ngayon.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatiling tahimik. Ang payapa. Kahit malakas na pumipintig ang puso ko, ang payapa. Nakapagtataka.

Nagulat ako nang iabot nito sakin ang isang kulay silver na kahon. Manipis ito at pahaba.

"Ano 'yan?" Tanong ko, hindi pa rin kinukuha ang kahon.

"A gift."

"Huh? Hindi ko naman birthday."

He chuckled. "Gusto lang kitang bigyan. Bawal ba?"

Inabot na nito ang kamay ko at ipinatong roon ang kahon. "Hold it. Hindi naman 'yan nangangagat." Sabi nito na sinundan ng maikling tawa.

Nang buksan ko ang kahon ay isang silver na kwintas ang nasa loob nito. Napakaganda. May nakasulat sa pendant nito na hindi ko agad nakuha.

"Mi... Cielo?" Tanong ko bago tumingin kay Kalix.

Ngumiti ito at lumamlam ang mga mata. "Mi Cielo." Ulit nito.

SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon