Hindi ko na muling nakita si Kalix ng hapong iyon. Napagpasyahan ko ring umuwi agad upang hindi abutin ng dilim.
Bago ako makalabas ng gate ay may isang magarang kotse ang pumasok. Huminto ito sa tapat ko.
"Ysabella Mondragon, tama ba?" Ang nakangiting si Senyora pagkatapos ibaba ang bintana ng sasakyan.
"Magandang hapon Senyora, Ysa nalang po. Uh, may ibinigay lang po ako kay S-sir Kalix, bilang pasasalamat sa pagligtas niya sa akin." Agad kong paliwanag kahit na hindi naman ito nagtatanong.
"Nakita ko nga si Clodet bago ako umalis. By the way, uuwi ka na ba? Get in, ihahatid ka na namin."
"Nako, hindi na ho, nakakahiya naman."
"I insist, gusto ko rin kasing mamasyal at medyo maaga akong nakauwi ngayon. Tiyak na wala pa riyan ang mga apo ko, kaya pagbigyan mo na ako." sabi nito bago buksan ang pinto ng kotse.
Wala na akong nagawa kun'di ang pumasok. Lumapad ang ngiti nito sa akin.
"How old are you Ysa?" tanong nito habang pinagmamasdan ako.
"I'm eighteen po." nahihiya kong sagot. Yumuko ako, naiilang sa ibinibigay na tingin sa akin.
She chuckled. "I'm sorry Iha, ganito lang talaga ako kapag nakakakita ng magagandang mukha, and yours is... what's the right term... angelic, I must say."
I laughed awkwardly and politely said thank you.
Ilang tanong pa ang dumaan hanggang sa hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa amin. Magalang akong nagpasalamat sa Senyora.
"You're welcome Ysa, and thank you for being a great company." Nakangiting sabi nito bago sumara ang bintana.
Mabait ang Senyora at nakakatuwang isipin na hindi sila tumitingin sa estado ng mga tao. Tama nga ang bali balita tungkol sa kanila.
Agad akong pumasok ngunit hindi tumuloy nang marinig na hindi lang ang mga magulang ko ang nasa loob.
"Kuya, Ate Ria needs help, tanggapin mo na ang inaalok ng Papa sa'yo."
"I'll never touch his dirty money Anton. Tell him to leave us alone." si Papa na diretsong gumamit ng pangalawang lenggwahe. Bihira ko siyang marinig na magsalita ng Ingles kaya ngayon ko lang napansin kung gaano siya katatas roon na tila ba kinagisnan niya ang ganoong pagsasalita.
"Hindi ko rin alam kuya kung bakit ko ginagawa 'to. I sacrificed my whole life for these damn businesses tapos malalaman ko na kalahati nito, sayo."
"Kaya nga! Leave us alone. We don't need a single penny from you." Matigas na pagsasalita ni Papa.
"Pero ang Papa-"
"I said leave!" Parang kulog na sigaw ni Papa sa kausap.
Halos isang minuto ang nagdaan bago lumabas ang kausap ni Papa. Nakatayo pa rin ako malapit sa pinto kaya naman ako agad ang nakita niya paglabas.
Mas bata kay Papa ang lalaki. Siguro'y nasa mga late twenties na niya. Matagal ako nitong pinagmasdan at habang tumatagal ang tingin ko rito'y nakikita ko ang pagkakahawig niya kay Papa na mahirap makita sa unang tingin dahil masyadong mapusyaw ang balat nito.
"You must be my niece." he said.
Hindi pa ako nakasasagot ay agad na lumabas si Papa. Hinila ako nito at itinago sa likod niya.
"Don't test my patience Anton."
Sinubukan kong sumilip. Itinaas ng lalaki ang dalawa nitong kamay hudyat ng pagsuko, ngunit ang mga mata nito ay may ibang sinasabi. Dahan dahan itong naglakad palabas at sumakay sa isang magarang itim na sasakyan sa tapat ng bahay namin ngunit nasa kabilang linya kaya hindi ko napansin kanina.
Mabigat pa rin ang paghinga ni Papa nang makaalis na ang lalaki. Nang tingnan ako nito'y tila pagod na pagod ang kanyang itsura.
"Let's get inside." mahinang sabi nito bago pa ako makapagtanong.
Desidido akong malaman kung ano man ang problemang kinahaharap namin ngayon, ngunit bago pa ako makapagtanong ay narinig namin ang pagkabasag ng kung ano sa kwarto ni mama.
Agad kaming tumakbo ni Papa papunta roon. Nang buksan namin ang pinto ay nakahandusay si Mama sa lapag malapit sa lamesa. Pikit ang mga mata at nakahawak sa kaniyang dibdib. Katabi nito ang basag na baso na may lamang tubig.
Napakabilis ng pangyayari halos hindi ako nakapag isip sa kaba. Ilang bilin din ang iniwan sa akin ni Papa bago niya isinugod sa ospital si Mama. Nang magawa ang mga bilin ay agad rin akong sumunod sa kanila.
Nang lumabas ang Doktor sa Emergency Room ay saka lang ako bumalik sa katinuan. Hindi na maganda ang lagay ni Mama at kailangan niyang matutukan sa ospital.
Ilang araw rin kaming papalit palit ni Papa sa pagbabantay kay Mama. Ako palagi sa umaga dahil kailangan ni Papa na magtrabaho. Umuuwi ako kapag gabi upang makapagpahinga at makakuha ng mga pangangailangan ni Mama.
"Kamusta na si Tita?" Si Clodet ng bumisita ito sa ospital.
Umiling ako bago magsalita"Hindi pa rin bumubuti."
"Wala na raw talagang ibang alternative? Heart transplant na lang?"
"'Yon ang sabi ng Doktor, kaso hindi ko rin alam kung kakayanin ba namin ang gastos. Alam ko na nahihirapan na si Papa ngayon pa lang." Mahina kong sabi, ayaw marinig ng natutulog na ina.
"May isa-suggest ako sayo, kaso lang, 'di ko rin sure kung papayag ka pero-"
"Kahit ano Clodet. Ituloy mo."
"Lumapit tayo kay Senyora?"
Iling agad ang isinagot ko. "Nakakahiya naman."
"Hmm, e kung magtrabaho ka sa kanila? Wala akong ginagawa, pwede kong dalaw-dalawin si Tita kapag kailangan mong umalis"
Hindi ako agad nakasagot hindi dahil sa ayaw kong magtrabaho, kun'di dahil sa mukhang sumagi agad sa isip ko.
Ngunit hindi ito ang panahon para mag isip ng ibang bagay kaya naman kinaumagahan, matapos kong masiguro na pwede kong iwan si Mama ay agad kaming nagtungo ni Clodet sa mansyon ng mga Cojuanco.
Sinamahan kami ni Tita Tina sa Senyora. Walang pag aalinlangang sumang ayon ito nang sabihin ko ang sitwasyon namin.
"Maraming salamat po Senyora. Malaking tulong po ito sa amin."
"Kung ako ang papipiliin mo ay ibibigay ko sayo ang pera ng walang kapalit, ngunit sa nakikita ko sayo'y hindi ka papayag."
"Maraming salamat po talaga."
Nakangiting umiling ito sa akin habang hawak ang mga kamay ko.
Hapon na nang lumabas ako sa mansyon. Nauna ako dahil may inasikaso pa sina Clodet sa loob.
Nag aagaw ang dilim at ang liwanag. Maganda ngunit malungkot rin, dahil sandaling panahon na lang ay mananalo na ang dilim. Dilim na walang sinuman ang makaiiwas. Dilim na lalakaran ng lahat.
Isang kinang ang umagaw ng aking pansin. Kinang mula sa mga mata. Nakahilig siya sa fountain na tila ba kanina pa siya roon, nakatingin sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit, at sa bawat apak ng mga paa niya sa lupa ay kasabay ng unti-unting paglakas ng tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung dahil ba napagod na ang utak ko sa dami ng iniisip pero walang ibang laman ang mga ito ngayon kun'di ang bawat galaw niya.
Tumigil siya, isang metro ang layo sa akin. Nag angat ako ng tingin. Hindi ko siya masyadong makita dahil nakatalikod siya sa liwanag ngunit sigurado akong iba ang ekspresyon niya ngayon.
"You're here again." Nagkamali ba 'ko o may halo talagang pag aalinlangan ang boses niya?
"Baka nandito rin ako bukas, at sa susunod." Wala sa sariling sagot ko, nalulunod sa ganda ng tanawin.
He smirked.
"Good." he said, never leaving my eyes.
Parang huminto ang oras. Tila ba lumiwanag ang unti-unti nang nagdidilim na paligid. Para akong nakatingin sa buwan, ang gabay ng mga taong naglalakad sa dilim.

BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...