Kabanata 14

46 4 0
                                    

Nang dumating si Papa ay agad ako nitong kinausap at sinabing wala nang dapat pang ipag-alala dahil totoong nakakulong na nga ang lalaki. Si Kalix raw ang umayos ng lahat.

"Ano ba kayo ni Kalix?" Biglang tanong ni Papa.

"P-po? K-kaibigan... po. U-uhm apo po siya ni... Senyora-" Patay hindi nga pala alam ni Papa na roon ako nagtatrabaho sa mansyon.

"Cojuanco, diba?"

"Opo."

Tumango lamang ito at bumuntong hininga.

"Nagpepresinta ang KAIBIGAN mong si Kalix na ihatid sundo ka araw araw." Sabi nito na may diin sa salitang kaibigan.

"P-po?!"

"Ikaw ang magdesisyon. Muka namang mapagkakatiwalaan ko siya."

Nang hindi na ako nagsalita ay tumayo na si Papa. "Babalik ako sa ospital, gusto mo bang sumama o magpapahinga ka na lang dito sa bahay?"

"Sasama po ako Pa." Sabi ko bago tumayo upang maghanda.

"Siya nga pala anak, ibinigay ko sa kaniya ang numero mo para makapag usap kayo kung payag ka o hindi."

"Pa!" Gulat kong reaksyon na hindi na pinansin ng kausap at dire diretsong lumabas upang doon mag-antay.

Hindi ako makapaniwala na ibinigay ni Papa ang number ko sa kaniya. Pero dahil siguro sa nangyari ay nakuha nga niya ang tiwala ni Papa.

Nagmamadali akong pumasok sa kwarto para tingnan ang cellphone.

May mensahe roon galing sa isang unregistered number.

[Ysa, si Kalix to.]

'Yun lang ang sinabi niya pero sobra ang kaba ko habang tinititigan ang mensahe. Magrereply ba 'ko? Pero wala naman siyang tinatanong e. Pero dapat malaman niya na natanggap ko yung message niya diba? Ha?

Napagpasyahan kong hindi na lang siya replyan.

Tumunog ang cellphone ko nang nasa ospital na kami. Si Kalix ang tumatawag. Lumabas ako ng kwarto bago sagutin.

"H-hello?"

Matagal bago sumagot ang nasa kabilang linya.

"Ysa"

Nang marinig ang boses ay isang hingang malalim ang ginawa ko bago sumagot.

"Uh... Kalix?" Tanong ko kahit na sigurado akong siya iyon dahil sa tunog ng boses.

Isang buntong hininga ang narinig ko bago siya magsalita.

"I'm outside your house."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at parang may bahagi sa'kin na medyo nagsisi na sumama sa ospital.

"Ha? N-nasa ospital kami e... Magbabantay kay Mama."

Natahimik siya.

"Hello?" Sabi ko bago tingnan kung naputol ba ang tawag.

"Pumunta ako rito para tanungin kung payag ka ba o hindi."

"S-sa?" Naguguluhang tanong ko.

"Na susunduin kita at... ihahatid." Diretsong sabi nito. Tila ba siya pa ang nanghihingi ng pabor.

Pumunta siya sa amin para itanong 'yon? "H-hindi ba, masyadong abala 'yon sayo?"

"I'll be here at 7 am."

"Ha?!"

"End the call now and go back inside."

"B-bakit mo alam na nasa labas ako?!" Tanong ko habang lumilinga linga sa paligid. Andito ba siya?

SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon