Parang panaginip na natapos ang gabing 'yon. Maituturing na alapaap. Maliwanag ang langit, maging sa mga sumunod na araw. Tila ba, kahit gabi na ay mas makinang pa rin ang buwan at mga bituin, na nakaya nitong talunin ang laki ng dilim.
Pero, sabi nga nila, ang buhay, parang gulong 'yan. At dahil umiikot, hindi ka palaging nasa taas.
Gabi na nang makauwi ako nang araw na 'yon. Huli na kasi nang mabasa ko ang text ni Mama na umuwi ako ng maaga dahil may darating na mga bisita.
Nang makapasok sa loob ay narinig ko agad na hindi lang ang pamilya ang nasa hapag.
Nanlaki ang dalawang mata ko nang makita ang mga bisita. Gulat rin ang itsura ni Niana nang matanaw ako. Katabi nito ang ina na tila ba inaalala kung saan ako nakita.
"This is my granddaughter, Maria Ysabella." Pakilala sa'kin ni Lolo. "Ysa, this is Mr. Leoncio Vazquez, a current investor and now, a family friend." Malaki ang ngiting dugtong nito.
Kaya ba ito umalis sa mga Cojuanco ay dahil lumipat ito sa amin?
Ang ngiti naman ni Mr. Vazquez ay unti-unting naglaho.
Para naman akong nabato sa kinatatayuan. Tinawag lang ako ni Mama kaya ako nakagalaw.
Umupo ako sa tabi ni Mama. Hinawakan ang kubyertos ngunit hindi magalaw ang nakahandang pagkain.
"You look familiar, Iha." Si Mr. Vazquez na diretsong nakatingin sa'kin.
"She's the maid Dad."
Halos mamutla ako nang marinig ang sinabi ni Niana.
"Maid?" Agad na tanong ni Lolo.
"Oh right! The of a kind maid of the Cojuancos." Ang babaeng Vazquez na matalim nang nakatingin sa'kin.
"What are you talking about?!" Si Lolo na bahagyang tumaas na ang boses.
Nang tingnan ko ito'y gulong gulo ang itsura. Ganoon rin ang mga magulang, maging si Tito Anton. Samantalang si Lola Ursula ay nagmamasid lang, itinago ang multo ng ngiti nang dumako ang mata ko sa kaniya.
"She's there. Sa birthday ng Apo ni Leticia." Baling ni Mr. Vazquez sa Lolo ko. "She's... one of their maid. Hindi mo alam?"
Hindi sumagot ang Lolo. Nanatiling kunot noong nakatingin sa'kin.
"What? Are you a spy? Kaya ba naagaw ng pamilya mo si Daddy?" Si Niana na diretsong nakatingin sa'kin.
Mabilis akong umiling. Nais ipaliwanag ang sarili pero walang lumalabas na salita sa bibig.
"Excuse us." Mahina ngunit may diing paalam ni Papa.
Tiningnan ako nito bago umalis sa dining area. Alam ko na dapat ko itong sundan pero halos manginig ang tuhod ko sa kaba. Mali ang ginawa kong pagsisinungaling kaya naman maiintindihan ko kung magagalit si Papa, pero sa dalang nitong magalit ay hindi ako handa.
Hinawakan ako ni Mama sa braso bago ito tumayo kaya naman wala na akong nagawa kun'di sumunod.
"Nagsinungaling ka?" Bungad sa'kin ni Papa nang makapasok kami sa kwarto.
"S-sorry, Pa. Alam kong hindi ka papayag-"
"Alam mo naman pala!"
Halos mapapikit ako sa tonong ginamit ng ama. Tumalikod ito at hinawakan ang noo. Tila problemadong problemado.
"Sa mga Cojuangco pa talaga! Sa Cojuanco pa Ysabella." Puno nang pagtitimping sabi nito.
"P-pa gusto ko lang pong tumulong-"
BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...