Kabanata 4

50 5 7
                                    

Makulimlim pa rin ang panahon nang lumabas kami kaya naman hindi na nagpaawat si Clodet na lumangoy sa dagat at naengganyo na rin akong samahan siya.

Naglalaro ang magpipinsang Cojuanco sa bandang gitna nang dalampasigan at marami rin ang nakikisaya sa kanila, karaniwan ang mga dalaga at binata. Lumusong kami sa bandang gilid ng dagat kung saan walang gaanong tao.

"Ang sasarap nila bes." si Clodet habang nakatanaw sa mga binatang Cojuanco.

Umiling na lamang ako bago sumisid. Mababaw lang ang pwesto namin pero matatanaw mo na ang mga coral reefs at ibat ibang uri ng maliliit na isda. Lumutang ako agad dahil hindi ako sanay na magtagal sa ilalim ng tubig.

"Huy wala ka bang crush sa kanila?" si Clodet pa rin, habang nagfofloating. "Ang gagwapo kaya, saka maganda ka malay mo mapansin ka ng isa sa mga yan. Aba instant haciendera ka girl." dagdag pa nito bago tumingin sakin.

"Clodet, tigil tigilan mo nga ako. Wala pa sa isip ko yang crush crush na yan-"

"Mag e-eighteen ka na kaya Manang, kahit crush wala kang nababanggit sakin samantalang yung iba nating kaklase buntis na sa ganyang edad. Dali na, pili na kasi." pangungulit pa nito sakin.

Pabiro kong inirapan ang kaibigan bago tumalikod. Natanaw ko ang langit na tila ba karugtong ng dagat, pinagigitnaan lamang ng isang manipis na linya. Tumingala ako. Ang lungkot. Hindi lamang dahil sa abong kulay nito kundi dahil sa napakataas rin nito sa malapitan. Noong bata ako pangarap kong lumipad sa himpapawid, kasama ng mga ibon sa ulap. Napaka imposible pala talaga ng gusto kong mangyari.

"Ang sarap ni Sir Kalix o, ay jusko day, parang gusto ko ng kape, andaming pandesal!"

Nang tiningnan ko ang tinutungangaan ni Clodet ay parang gusto kong pumikit. Tila ba kasalanan 'pag dumapo ang mga mata ko sa kanya.

Matangkad siya at maganda ang pangangatawan. Halatang maputi ang orihinal na kulay ng balat, naarawan lamang kaya may kapulahan. Nakangiti itong nag aantay sa bolang pinaglalaruan nila. Napasinghap ako nang hampasin niya ito nang pumunta ito sa gawi niya.

Nagsigawan ang mga babae sa likod nito na tila ba nanalo na ang sinusuportahan.

"Uyy, crush mo si Sir Kalix ano? Yiee hindi maalis ang tingin o."

"H-hoy, hindi a. Hindi ko nga, ano, hindi ko nga kilala 'yon."

"Nakuu. E bat kaya nauutal? Namumula ka, OMG! Nagbablush ka! Crush mo nga, confirmed." tukso nito na sinundan pa ng tawa.

"Ako nga Clodetina e tigilan mo. Wala akong panahon d'yan okay. Hindi ko pa dapat iniisip yung mga ganyang bagay. Magcocollege pa lang ako."

"Okay, sabi mo e." labas sa ilong na sagot nito.

Nang ibinalik ko ang tingin ko sa estranghero ay nakatingin na ito sakin. Madilim at parang galit. Napapaso kong iniwas ang tingin ko dahil nagsisimula na naman akong kabahan.

Sumisid ako upang ibaling ang atensyon. Halos hindi ako nakatulog kagabi, hindi dahil sa excited ako sa outing, kung hindi dahil sa nakita ko kahapon.

His expression while doing the act is still vivid in my memory. Sa tuwing naaalala ko ang tingin niya sakin ay agad akong kinakabahan na para bang may ginawa akong kasalanan.

Gaya nga nang sinabi ko, hindi ko pa dapat iniisip ang mga ganitong bagay. May malubhang sakit si Mama at ako lang ang katulong ni Papa sa talyer, magkokolehiyo na rin ako sa Agosto. Masyado na akong maraming iniisip para isingit pa ang pag-iisip ng kung ano ano.

Nang umahon ako'y wala na si Clodet sa tabi ko. Luminga ako upang hanapin siya at nakita ko siya hindi kalayuan sakin, pero alam kong may kalaliman na ang tubig doon. Lulutang at muling lulubog.

"Tu-long!"

Agad akong kinabahan. Malayo kami sa mga tao kaya ako lamang ang nakakarinig sa paghingi ng saklolo ni Clodet. Tumingin ako sa kanila sa pag asang may nakakasaksi sa nagaganap at natagpuan ko agad ang mga mata niya. Nang ibalik ko ang tingin sa kaibiga'y hindi ko na siya nakita. Hindi na ako nagdalawang isip pa at muling sumisid, kahit iyon lamang ang alam kong paraan ng paglangoy. Medyo lumakas ang alon kaya nahihirapan akong puntahan ang puwesto niya.

Inangat ko ang ulo ko upang kumuha ng hangin ngunit malaking alon ang humampas sa akin na agad kong ikinalubog. Sinikap kong umahon ulit ngunit dalawang magkasunod na alon ang sumalubong sa akin.

Nawawalan na ako ng lakas dahil na rin sa pagkakapos sa hininga. Tanging lamig na lamang ang nararamdaman ko.

"Our Father-"

Hindi ko pa natatapos ang dasal ko'y isang matigas na bagay ang agad na nag angat sakin. Nang nailabas ang ulo mula sa pagkakasakal ng tubig ay wala akong ibang ginawa kundi ang maghabol ng hininga. Hindi ko na naisip kung sino ang may hawak sa akin, kung paano ako nakarating sa dalampasigan at kung paano ako nagkaroon ng tuwalya.

Nang matauhan ay mukha niya agad ang nakita ko. Nagsasalita siya, mahina pero unti-unti ring lumalakas.

"Hey, are you alright?" mababakas mo ang pag aalala sa boses niya.

Nakaupo ako ngayon, naghahabol pa rin ng hininga, habang nasa harap ko siya. Hawak nang mahigpit ang palapulsuhan ko at tinatapik ang pisngi ko.

"Nasaan si Clodet?" sabi ko nang maalala ang kaibigan. Luminga ako sa dagat ng mga tao upang hanapin ito at nang hindi nakita ay ibinalik ko ang mga mata sa kanya.

Madilim itong nakatingin sa akin. Hindi ko na makita ang pag-aalala, itinatago na ng dilim ang damdamin.

"She's fine. Nasa clinic na siya. I'll bring you there." sagot nito bago ako binuhat.

SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon