Hindi ko na sinubukan pang magtanong muli kung ano ba ang dapat kong itigil dahil hindi ko gusto ang nagiging epekto sa akin ng mga reaksyon niya.
Magsasalita lang ako sa tuwing ituturo ko ang direksyon.
"Uh, dito, dito na lang po sa tabi." sabi ko kasabay ng pagbubukas ng pinto kahit na hindi pa naman ito nakakahinto ng tuluyan.
He smirked when he noticed it. He seems very amused of something.
Isang mabilis na baba ang ginawa ko. Isasara ko na sana ang kotse ngunit naalala kong hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya.
Ngunit tila ba napakahirap banggitin ang salitang salamat, kaya naman nagtagal lang ang tingin ko rito.
Kunot noo siyang lumingon nang napansing hindi ko pa isinasara ang pinto.
"You're really confusing me young lady." mabagal nitong sabi habang diretsong nakatingin sa akin. Palipat lipat ito. Tila ba binabasa ang mga mata ko.
Napakurap kurap ako, nagmamadaling sinarado ang pinto ng kotse, at tumakbo sa loob ng aming bahay.
Hingal na hingal ako ng pumasok ako sa amin. Dumiretso ako sa kusina upang uminom ng tubig.
"Anong nangyari? 'Bat madaling madali ka at parang hindi mo manlang ako napansin sa sala?" si Papa na takang taka sa ikinilos ko.
"Pa! Ah e, mainit po kasi at mahaba ang byahe, k-kaya uhaw na uhaw po ako... U-uh kamusta po kayo ni... mama?" kabado kong sagot habang nagkukunwaring may inaayos sa dala kong bag.
"Ayos lang kami ng mama mo, ikaw nga ang inaalala ko." Sagot nito. Mababakas mo ang pag-aalala sa tono.
"Okay lang po ako Pa, namiss niyo po ako agad?" pabiro ko namang tanong bago palambing na yumakap.
"Nga pala, sino yung naghatid sayo? Ang gara ng kotse a."
Napatingin ako kay papa, ngunit agad ding nag iwas ng tingin.
"Si ano lang 'yon Pa, s-si ano po."
"Maria Ysabella" Nahimigan ko ang pagbabanta sa boses ni Papa na agad akong binitiwan at tiningnan sa mata.
"Si Sir Kalix Pa, e hinatid rin po kasi niya sila Aling Tina kaya... ayon." papahina kong sagot habang dahan dahang lumalakad palayo.
"Si mama po pala, nasa kwarto niyo po ba?" tanong ko na hindi ko na hinintay pa ang sagot at dumiretso na sa kwarto ko.
Pagod akong nahiga sa kama habang iniisip ang mga nangyari sa araw na iyon. Ang nakapagtataka'y puro mukha ni Kalix ang nabalikan ko na halos hindi ko na naalalang muntik nga pala akong malunod.
Napabalikwas ako ng maalalang hindi manlang ako nakapag pasalamat sa kan'ya. Iniligtas niya lang naman ang buhay ko. Teka siya nga ba ang sumagip sa akin? Pero kahit na dinala niya ako sa clinic at hinatid niya ako.
Pinilit kong alalahanin kung nakapagpasalamat ba ako pero hindi talaga. Ano ba namang iniisip ko sa buong oras na 'yon. Gaano ba kahirap sabihin ang salitang 'yon.
Lunes ng sumunod na araw ay binabagabag pa rin ako ng konsensiya ko dahil sa hindi pagpapasalamat.
Hapon nang mapagpansyahan kong lumabas upang bisitahin si Clodet at maibaling na rin ang aking isip.
Si Aling Tina ang nabungaran ko habang nagwawalis ito sa harap ng kanilang bahay.
"Magandang hapon Aling Tina, kamusta po si Clodet?"
"Maayos naman anak, andiyan sa loob. Ikaw? Bakit lumabas ka na? Dapat ay nagpahinga ka na lang sa inyo."
"Nako lalo lang po akong manghihina sa amin kakaisip. Puntahan ko lang po si Clodet."
BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...