Hinatid niya ako sa ospital at sinundo ulit nang gumabi para ihatid sa bahay. Ganoon ang naging set up namin sa buong linggo na 'yon.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang tinanggihan pero parang wala itong naririnig.
"Kalix, hindi mo na 'ko kailangang sunduin, pwede naman akong magtricycle. Masyado ka nang naaabala." Pang apat na beses ko na atang pagtanggi.
Hindi manlang ako nito nilingon. Parang walang narinig.
"Kalix" Muling tawag ko rito.
"I'm doing it for myself." Kaswal na sabi nito.
"Huh?"
"I want to see you." Seryoso itong nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Kalauna'y bumaling ito sa akin. "Gusto ko 'tong gawin Ysa. Titigil lang ako kung sasabihin mong ayaw mo 'kong nakikita."
Agad akong natahimik. Hindi ko na siya tiningnan. Mabuti na lang at hindi na rin ito umimik dahil malamang na hindi talaga ito titigil sa isasagot ko.
Simula rin noon ay hindi 'ko na pinansin ang paghatid sundo niya sa'kin. Patuloy rin ang pagtetext nito, na hindi ko naman masuway dahil hindi ko maitatangging nalilibang rin akong kausap siya.
[Wala ka bang trabaho?] Minsa'y kuryoso kong tanong dahil mas mabilis pa siya sa'king magreply gayong wala naman akong ginagawa rito sa ospital.
[I'm working right now.]
[Ganon ba? Mamaya ka na lang magtext ulit. Tapusin mo na muna 'yan.]
[Tinigil ko na. It's not that important.]
Kumunot ang noo ko pero hindi rin naiwasang mangiti.
Masyadong maigsi ang isang linggo ngunit sa pagitan naming dalawa, parang maraming nagbago sa loob ng panahong iyon.
Nang magsimula akong pumasok ulit sa mansyon ay lalo kaming naging mas malapit. Hindi ko nga lang maialis sa akin na mailang sa tuwing may nakakakita sa'ming magkasama.
"Wala ka bang gagawin?" Tanong ko sa kaniya habang nagwawalis. Siya naman ang naglilinis ng pool, kinukuha ang mga nalaglag na dahon roon.
"You're doing it again."
"Ha?" Napatingin ako.
"Tinataboy mo nanaman ako."
"Hindi a. Iniisip ko lang na imbes na nagtatrabaho ka ngayon, naglilinis ka ng pool?"
"I'm not supposed to work now, I'm on vacation. Kaya na ni Kalila 'yon-"
"Call her Ate." Natatawang sabi ko bago tumingin sa kaniya.
Nakakunot naman ang noo nitong tumingin sa'kin. Pinapakita ang pagtutol. Nang tumayo ako ng tuwid ay nagpakawala ito ng hininga bago ituloy ang sinasabi.
"Kaya na ni Ate 'yon. Happy?"
Natawa ako bago tumango.
"Pero kailan ka pala uuwi ng Manila?Parang isang buwan ka nang nandi-"
"Stop it." Seryosong sabi nito sa'kin.
Tumaas naman ang kilay ko sa kaniya. Lalong dumilim ang itsura nito at dahan dahang lumapit.
"Bakit?" Sabi ko habang umaatras.
"Do you want me to leave?"
"Tinatanong ko lang, Kalix."
Huminto ito at tumitig sa'kin.
"I'll stay here hmm... forever maybe."
"Sinungaling. Aalis ka rin dito. Nasa Maynila ang buhay mo."
"Bakit? Pupunta ka ba ng Manila?" Sabi nito kasabay nang pagkain ng diatansya naming dalawa.
Hindi ako nakaatras dahil tila nabato ang mga paa ko. Naghahanap ako ng senyales ng pagbibiro sa mata niya ngunit wala akong makitang ganoon kahit konti.
Lumunok siya bago mahinang nagsalita. "Dito lang ako... hanggang nandito ka."
Hindi ko alam kung ilang sandali kaming ganoon pero komportable ako. Naging komportable na ako sa kaniya. Sa tingin niya. Sa presensiya niya. Minsan nga'y hinahanap-hanap ko pa.
Wala kaming sinasabi sa isa't isa. Walang kumpirmasyon. Alam ko lang. Alam lang naming dalawa. Nakakatakot sumugal pero masaya ako. Parang nasa alapaap 'pag kasama ko siya. Hindi ko na rin halos maalala kung gaano kalayo ang estado namin sa isa't isa dahil kahit minsan, hindi naman niya pinaramdam na hadlang 'yon, at sa tuwing nakikita kong masaya rin siya, nabubura lahat ng inaalala ko.
"Ysa" Tawag ni Nana Pise.
Agad akong lumayo kay Kalix. Nakita kong kumunot ang noo niya sa naging reaksyon ko.
"Tapusin mo na ang ginagawa mo at pinapatawag ka ng Senyora."
Agad naman akong tumango. Tumingin kay Kalix nang makaalis si Nana Pise.
Dumilim ang mata nito. Palipat-lipat sa dalawang mata 'ko. Tila nananantya.
"Uh... sige." Sabi ko bago siya iwan roon.
Nakaupo ang Senyora sa veranda. Nang makita ako'y agad na ngumiti ito.
"May ginagawa ka ba, Ysa?"
Ito ang laging tanong ng Senyora sa'kin sa tuwing pinapatawag ako nito.
Agad akong umiling at ngumiti. Napapadalas ang paghahanap sa'kin nito. Naaaliw raw kasi siya kapag nakakakwentuhan niya ako. Hindi ako masyadong masayang kausap kaya hindi ko rin alam kung bakit natutuwa sa'kin ang Senyora.
"Kamusta na nga pala ang Mama mo Ysa?" Tanong nito sa'kin bago humigop ng tsaa.
"Maayos naman na po. Nairaos na rin po ang operasyon at inoobserbahan na lang po siya sa ospital."
"Thank God. If you need any help don't hesitate to tell me."
"Salamat po Senyora, yung pagtanggap niyo lang po sa'kin rito napakalaking bagay na po."
Ngumiti ito sa akin. "I should also thank you. You don't know how bored I am living alone for years. Laging si Pise lang at ang mga kasambahay ang nakakausap ko. Someone young like you is a breath of fresh air, and having Kalix here is a bonus of course." Sabi nito na lalo niyang ikinangiti.
"Po?"
"He never liked it here. He's always bored. Nung una, I am wondering, bakit kaya siya nagtatagal gayong umalis na si Gael at si Kalila. Pero seeing how he stares at you." Tumango ito. "He must really like you."
Yumuko ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.
"Ysa" Tawag nito sa'kin.
Hindi magawang magtagal ngayon ng mga mata ko sa Senyora.
"Don't worry Iha, I'm not against the both of you."
Nang tumingin ako rito'y puno ng assurance itong ngumiti sa'kin.
"I'm actually happy na ikaw ang nagustuhan niya... You're pure and... extremely pretty. I'm proud of him!" Sabi nito sa sinundan ng tawa.
Hindi ko na rin napigilan ang pag ngiti sa Senyora. Hindi ko maipagkakailang gumaan kahit papano ang loob ko sa mga sinabi nito.
Nang makita ko si Kalix ay wala sa sariling napayakap ako rito. Nasa pool pa rin, kung saan ko siya iniwan kanina.
Nang mahiya sa ginawa ay dahan-dahan akong kumalas sa yakap ngunit hindi tuluyang nakalayo dahil hindi niya inalis ang kamay sa likod ko.
Nang tingnan ko ito'y malamlam ang mga mata at unti unting nabubuo ang pinipigilang ngiti. Nag init ang pisngi ko.
"I missed you too." Sabi nito na nakapagpatingin sa'kin.
"Ha?"
Bumaba ang tingin nito sa labi ko. Ilang beses itong lumunok bago isinara ang labi ko gamit ang likod ng hintuturo niya.
"I told you to always shut it, stubborn."
BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...