Kahit may pag aalinlangan ay bumalik pa rin ako sa mansyon kinaumagahan. Nananalanging huwag na siyang makasalamuhang muli dahil tiyak na wala akong gagawing matino kung nasa paligid lang ito.
Sa gilid ako dumaan. Bago makaikot papuntang pool ay may pinto diretsong dirty kitchen kung saan kadalasang dumaraan ang mga tauhan.
Naglulutong si Nana Pise ang bumungad sa akin.
"Ang bango niyan Nana ah." nakangiting bati ko.
"Maupo ka Ysa at tikman mo, mahilig ka ba sa kaldereta?"
Umupo ako paharap sa lutuan. "Ay opo, kahit anong putahe po sa totoo lang, mahilig talaga ako sa pagkain." sabi ko na sinundan ng mahinang tawa.
"Hindi halata sa katawan mo, sige lagi kang pupunta rito at patatabain kita." ang matanda pagkatapos ilapag ang isang mangkok ng kaldereta.
"Ay hindi niyo na po kailangang sabihin, dahil lagi na po talaga akong pupunta rito." nakangising sabi ko bago sumubo.
Nang matapos ay saktong pagdating ni Aling Tina. "Ysa andiyan ka na palang bata ka, pagkatapos mo diyan ay tulungan mo 'kong maglinis ng sala." sabi nito bago uminom ng tubig at muling lumabas.
Pagkatapos hugasan ang pinagkainan ay agad na akong pumunta sa sala.
Dining area ang una kong nakita nang lumabas ako. Mahaba ito na para bang laging may nagaganap na pagtitipon.
Mahaba pa ang lakarin bago ka makarating sa malaking sala. Natatanaw ko ang malalaking painting na nakasabit sa dingding. Paano kaya namin lilinisin 'yon? Kakailanganin pa ata namin ng hagdan bago namin yon maabot.
Bumagal ang lakad ko nang makita ang papalapit na bata. Mabagal ang lakad nito, dahil bukod sa maiigsi pa ang binti ay halatang nag aaral pa lang maglakad, siguro'y nasa dalawang taon ito. Hanggang balikat ang kulot na kulot nitong buhok, kaya naman sa malayo'y mahirap malaman ang kasarian nito. Ngunit pag tiningnan mo sa mata, malalaman mo agad na lalaki. Matapang at mapaglarong mga mata.
Bumaba ako nang malapit na ito sa akin upang maglebel ang aming tingin. Ngumiti ito kaya naman hindi ko na rin napigilan ang pagngiti. Sobrang cute niya, lalo na dahil sa kulot na buhok. Sana 'pag nagkaanak ako, manahin rin niya ang kulot kong buhok.
"Rain! Rain!...Nako asan ka bang bata ka, naidlip lang ako saglit nawala ka na, lagot tayo kay Mommy, Rain!" Sigaw nang papalapit na babae.
Bumungisngis ang bata. Hahawakan ko sana ito ngunit lumagpas ito sa akin. Akmang tatayo ako nang maramdaman kong kumapit ito sa likod ko at tila ba nagtatago roon.
Hindi ko na napigilan ang pagtawa. Tingnan mo 'tong batang to, ang pilyo na.
"Pinagtataguan mo ba si Ate?" Pabulong kong tanong ko pagkatapos lingunin ang nakangising bata.
Bumungisngis ito na hindi na ko napigilang hindi sabayan.
"What are you doing?" si Kalix na nakakunot ang noo ngunit may multo ng ngiti sa labi.
Dahan dahan akong tumayo, hawak ang bata sa kamay bilang suporta. "U-uh, ano... Uhm..."
Lumapit siya at binuhat ang bata.
"What are you two doing Rain? Hindi makasagot ang kasama mo e." Nakangising tanong nito sa bata bago bumaling sa akin.
"Play! Hi n seek!"
"Rain! Andyan ka lang pala, nako Sir Kalix pasensya na po, nakaidlip lang po ako Sir, kasi naman ang ganda po nung k-drama na pinapanuod ko kagabi Sir, napuyat po ako Sir-"
"It's fine." Putol nito sa babae. "Go back. I'll take care of him."
"Uh okay po Sir hehe." sagot nito bago umalis.
BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...