Kasama pa rin ni Papa ang lalaki nang bumalik ito. Parehong seryoso ang mukha ng dalawa at hindi maipagkakailang may pagkakamuka talaga sila.
Kausap ni Papa ang Doctor sa labas habang nakatingin naman sa akin ang lalaking kasama nito. Nang mapansing nakatingin rin ako, ay marahang ngumiti ito sa akin.
Nang bumaling naman sa kaniya si Papa ay tinapik niya ito sa likod at sabay silang pumasok sa kwarto ni Mama.
"Pa" Tumayo ako at sinalubong silang dalawa.
Niyakap naman ako ni Papa bago hawakan ang kamay ni Mama. Tinitigan niya ito nang matagal bago muling bumaling sa amin ng lalaki.
Huminga ito ng malalim bago magsalita. "Anak, this is your Tito Anton." Gulat man ay hindi ko maipagkakailang may saya sa puso ko na makilala ang isa pang kamag-anak. Si Mama at si Papa lang kasi ang kinilala kong pamilya habang lumalaki.
"Tito" Sabi ko habang nakatingin dito.
Mainit itong ngumiti sa'kin at hinaplos ang buhok ko.
"At last... Baby ka pa nung huli kitang nakita at hindi mo alam kung gaano ko kagustong matawag mo na Tito. Wala ka kasing ibang ginawa noon kun'di umiyak kapag binubuhat kita." Nakangiting sabi nito sa'kin.
Bahagya silang natawa ni Papa. Habang gulat pa rin akong nakatingin rito.
"Nakita niyo na po ako dati?"
Tumango ito. "Sa mansyon kayo nakatira nung sanggol ka-"
"Anton" Putol ni Papa rito.
"Mansyon?"
"Kuya, malalaman niya rin sooner or later. Pinapabalik kayo ng Papa."
"Give us time." Matigas na sabi ng ama bago bumaling sa pinto.
Iniluwa nito ang Doctor at sinabing kailangan na nilang icheck si Mama para maihanda ito sa operasyon.
Agad naman akong kinabahan at parang bulang nawala muli ang mga iniisip. Natatakot ako para kay Mama, mahina na siya at may tyansang hindi niya kayanin ang operasyon ngunit kailangan naming sumugal.
Nang ipasok na sa operating room si Mama ay naupo ako sa isa sa mga nakahilerang upuan sa labas nito.
Tumabi sa'kin si Papa at hinawakan ang kamay ko.
Marami akong gustong itanong sa ama ngunit hindi ko alam kung anong uunahin ko.
Binitiwan nito ang kamay ko at sumandal sa upuan.
"Maraming mangyayari sa mga susunod na araw anak." Napatingin ako rito. "Hindi lang ang Tito mo ang nandito. Ang Lolo Antonio mo at... "
"Ang Lola ko po?"
Umiling ito at dumilim ang itsura.
"Patay na ang Lola mo anak. Ang makikilala mo'y ang asawa niya, si Ursula."
Napakurap kurap ako, medyo naguguluhan. "Pero... Lola ko pa rin po siya sa makatuwid?"
Nahihirapang tumingin sa akin ang ama. Matagal bago ito tumango.
Kumunot naman ang noo ko sa naging reaksyon nito. "Alam ko marami kang tanong pero hindi ito ang tamang lugar para sabihin ko sayo ang lahat. Sa ngayon magtiwala ka muna kay Papa."
Tumango ako at yumakap rito.
Nilunod ko ang sarili sa dasal kaya naman hindi ko rin halos naiproseso sa utak ang mga nangyari at nalaman sa araw na iyon.
Halos hatinggabi na nang lumabas ang doctor na nagsagawa ng operasyon ni Mama. Agad naman kaming lumapit rito. Ang saya sa balitang maganda ang naging resulta ng operasyon ay agad na nawala nang sabihin nitong hindi pa rin kami dapat makampante. Kailangan pa rin daw nila itong obserbahan sa mga susunod na araw at kung maganda naman ang magiging response ng katawan nito ay maaari na nila kaming pauwiin.
Nang makabalik na kami sa kwarto ni Mama ay nagvibrate ang cellphone ko dahil sa isang text message.
[Ysa]
[Bakit Kalix?]
[Why are you still awake?]
[Nasa ospital ako, bakit ka nagtext?]
[Go get some rest.]
[Wala ka bang sasabihin? Bakit ka nagtext?]
[I miss you.]
Muntik ko nang mabitiwan ang cellphone nang mabasa ang mensahe.
"Anak" Tawag sa'kin ni Papa. "Ayos ka lang?"
Agad ko namang inayos ang itsura, halata siguro sa mukha ko ang gulat. Tumango ako rito at pumasok sa banyo.
I miss you.
Halos marinig ko ang boses niya kahit text lang naman iyon. Pilit kong kinalma ang sarili. Masyadong maraming nangyari ngayong araw at kung bakit ganito si Kalix ay hindi ko na ata kayang isipin pa.
Pinatay ko ang cellphone. Nag ayos bago lumabas.
Sa pagod siguro'y agad akong nakatulog sa sofa. Nang magising ay nakadukdok ang ama sa kama, nakahawak sa kamay ng ina.
Hindi ko na siya ginising nang mapagpasyahang umuwi muna. Itetext ko na lang siya mamaya.
Nang makauwi ay agad akong nag ayos at kumain. Binuhay ang cellphone nang maalalang magtext sa ama. Nang maisend na ang mensahe ay agad ring may pumasok galing kay Kalix.
[Are you home?]
Matagal bago ko mapagpasyahang sagutin siya. Nauna ko pang itext si Nana Pise at Aling Tina upang magpaalam na hindi muna papasok sa mansyon. Nang matapos ko na ang pag aayos ng mga gamit na dadalhin sa ospital ay saka lang ako sumagot.
[Oo]
Wala pang limang segundo ay nagreply na siya agad.
[I'm outside]
Halos tumakbo ako sa labas pagkatapos basahin ang mensahe. Naroon nga ang hummer sa labas. Kanina pa kaya siya rito?
Hindi ko pa halos nabubuksan ang gate ay bumaba na siya sa sasakyan. Hindi inaalis ang tingin sa'kin hanggang sa makalapit na ng tuluyan.
"Uh, hindi muna ako papasok ngayon. Babantayan ko muna si Mama, kakatapos lang kasi ng operasyon niya."
"Kagabi?"
Tumango ako.
"You must be tired." Mahinang sabi nito.
Napatitig ako sa kaniya. Hinaharangan niya ako mula sa sikat nang araw at kailangan kong sabihin na napakaganda niya mula roon. Pinilit kong alisin sa kaniya ang tingin para makapag isip.
"Uh... sige na, pasensya na kung pumunta ka pa rito para sunduin ako. Dapat pala tinext kita."
"Yeah. You should." Halos pabulong na sabi nito.
Napatingin akong muli sa kaniya at agad ring inalis, ngunit parang magnet na bumalik ulit nang magsalita siyang muli.
"You didn't even replied last night." He smirked when he saw my eyes widened. "I just told you I missed you."
Napakurap kurap ako at ibinaling ang mata sa ibang bagay. "Uh..." Halos kagatin ko ang dila ko nang hindi makapag isip nang isasagot.
"Hey." Pag agaw niya ng atensyon ko. Nakangiti ito at malamlam ang mga mata. "Don't force yourself to answer."
BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...