Kabanata 21

40 3 0
                                    

Alexander Mondragon

Maayos at masaya akong lumaki sa mansyong ito, isa sa pinakamalaki sa bayan. Nakatago sa dulo ng pulo na pagmamay-ari ng Papa.

Nang mawala ang Mama, doon rin naglaho ang saya ng mansyon, naging madilim ito, naging matamlay. Ganoon rin ang Papa na halos gawing tubig ang alak upang makalimot. Kaya naman kahit hindi sigurado dahil sa murang edad, ay hindi ako tumutol nang magpaalam siya sa'king mag-aasawang muli.

Unang kita ko pa lang kay Ursula ay mabigat na ang loob ko rito. Kahit na mabait naman ang pakikitungo nito sa'kin, ay hindi pa rin ako mapalagay  tuwing nakikita ko siya, lalo na 'pag wala ang Papa.

Minsa'y nakita ko itong naglatag nang pera sa kama bago humiga roon, tumawa at hinalik-halikan ang mga ito na parang baliw, walang dudang pera ang sinasamba.

Sinabi ko 'yon sa Papa, ngunit ako ang lumabas na masama dahil binaligtad ako ni Ursula. Simula noon ay nabuo na ang pasya ko na kahit kaila'y hindi ko siya ituturing na ina. Lagi kaming nagtatalo ni Papa dahil doon.

Nang magkaanak sila'y lalong sumama ang loob ko dahil halos hindi na ako pinapansin ng ama, ngunit pinilit kong umunawa at maging mabait sa kapatid. Lalo na dahil nakita kong lalong sumaya ang Papa nang dumating si Anton.

Namuhay ako sa dilim na wala halos kasama. Nasanay ako roon hanggang sa makilala ko si Maria. Anak siya ng isa sa mga tauhan naming magsasaka, ngunit sa balat at sa itsura nito'y hindi mo aakalaing kapos. Siya ang nagsilbi kong liwanag. Ngunit gaya ng pangkaraniwang mayayaman, tutol ang Papa sa kaniya dahil sa estado.

Doon ako lalong nagrebelde. Lumayas ako sa amin at nakipagtanan kay Maria. Tumigil ako sa pagtatrabaho sa kompanya na lalong ikinagalit ng ama. Hindi rin ako makapasok sa ibang kompanya dahil sa kapangyarihan niya. Halos itakwil ko siya. Pero sa bandang huli... hindi ko pa rin natiis. Kaya naman nang dumating sa'min si Ysabella. Umuwi ako kasama ang mag-ina. Umaasang maaayos ang gusot naming mag-ama. Si Ysabella ang masasabi kong bumago sa takbo ng utak ko, pati na rin sa isip ng ama.

Nararamdaman ko pa rin ang disgusto nito kay Maria ngunit hindi na ito nagpapakita ng pagtutol. Akala ko'y iyon na ang simula ng pag-ayos muli ng buhay ko. Ngunit sa narinig ay halos bumaliktad ang sikmura ko sa pagkamuhi sa ama, lalo na kay Ursula.

Naputol ang pag-iisip ko nang makita ang amang naka wheel chair. Malaki ang ipinayat nito. Ang matikas na katawan ay bumagsak ngunit mararamdaman mo pa rin ang kapangyarihan sa mga mata nito.

Nagulat ako. Hindi ko akalaing ganito ang muli naming pagkikita. Mahal ko si Papa. Ama ko pa rin siya, ngunit hanggang ngayo'y hindi ko pa rin matanggap ang nagawa nito.

Ang awa ay napalitan agad ng galit nang makita ang babaeng nagtutulak rito. Ganoon pa rin si Ursula. Tumanda ma'y maganda pa rin ito ngunit natural na suplada ang wangis. Ngunit hindi gaya ng dati, wala ang pekeng ngiti nito sa tuwing makikita ako.

"Welcome home, son." Seryosong sabi ni Papa bago kiming ngumiti gamit ang maputlang labi.

"I'm not coming back." Matigas kong sabi.

"The company needs you, Alex." May kung ano sa mata nito na parang nagsasabi saking hindi lang ang kompanya ang pinag-uusapan namin rito.

"I told you, he wont come back. What are you afraid of, honey. We have Anton." Malumanay na sabi ni Ursula habang nakataas ang isang kilay sa akin.

Halos magngalit ang ngipin ko sa inis.

"Pa, Ate Ria needs help." Singit naman ni Anton.

"I'll help if he'll come back."

"Wala akong maitutulong sa inyo dahil matagal na akong wala sa kompanya-"

"You can learn." Putol sa'kin ng ama.

"But-"

"End of conversation." Matigas na sabi nito. Hindi pa rin nagbabago. Hindi pa rin marunong makinig.

"Do everything you need to do, Anton." Pinal na sabi nito bago sumenyas na ibalik na siya sa pinaggalingan kanina.

Agad rin akong lumabas para huminga. Hindi ko akalaing tatapak akong muli sa bahay na 'to na parang walang hangin sa loob.

"Let's go back to the hospital, Kuya."

Tahimik akong sumunod kay Anton. Tahimik rin ako nang umandar na ang sasakyan.

"I understand how you feel, Kuya. But it's your family who's at stake now. You have to endure it. Hindi ko alam kung anong nasa isip ng Papa, but that's still Papa so I just follow, we'll just follow. You know him. Kung kaya ko lang maaccess ang pera mo-"

"Just let me borrow yours then."

"Hindi maliit na pera ang kailangan mo Kuya, sa tingin mo walang magsasabi kay Papa kung sakaling maglabas ako ng ganoon kalaki."

Umiling ako. "How can you live like that?"

Nagkibit balikat ito. "They need me."

Hindi na ako nagsalita at nalunod na sa sariling pag-iisip.

Maaga akong umuwi galing kila Maria. Naiwan roon ang mag-ina ko upang samahan ang nanay niya. Kamamatay lang kasi ng kaniyang ama kaya kailangan ng kasama nito.

Isa ang kaniyang ama sa mga biktima ng pagsabog ng lupa ng mga Cojuanco kung saan ito nagtrabaho nang tanggalin ito ng Papa noong hindi niya matanggap si Maria. May nagplanta ng bomba sa lima nilang malalaking sakahan.  Isa rin si Senyor Miguel Cojuanco sa mga naging biktima kaya naman malaki rin itong eskandalo para sa amin dahil kami ang pinaka kakompetensya ng mga ito pagdating sa negosyo.

Madalas na naaagaw ng Papa ang mga kliyente ng mga Cojuanco ngunit kahit minsan ay hindi nagsalita ang mga ito.

Kahit na may ugali ang Papa, sigurado pa rin akong hindi niya magagawang pumatay ng tao.

Bukas ang pinto ng study nang dumating ako.

Nag-uusap roon ang Papa at si Ursula. Hindi ko na sana papansinin, ngunit nagpanting ang tenga ko nang parang kulog na sumigaw ang Papa.

"What did you do?!"

"I just wanted to ruin some of their lands. Malay ko bang-"

"Are you hearing yourself?!"

"Calm down, honey. Baka may makarinig."

"Are you even thinking?" Hininaan ng Papa ang pagsasalita ngunit maririnig mo pa rin ang galit rito.

Saglit na tumahimik.

"What should I do?" Si Ursula sa pagitan ng paghikbi.

Matagal bago sumagot ang Papa.

"Hush, just keep quiet, stop crying now."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang Papa. Anong ibig sabihin noon? Hahayaan niya?

"Love, I'm scared-"

"Oh you should be!" Sabi ko. Hindi nakatiis at pumasok na sa kwarto.

Nakaupo si Ursula sa lapag habang ang Papa'y inaalo ito. Nang makita ako'y nanlaki ang mga mata nito habang ang Papa'y seryoso lamang akong tiningnan. Wala ni katiting na takot sa mga mata.

"Alex, shut the door." Matigas na sabi nito sa'kin.

"Papa, you'll let this slide?"

Mariin akong tiningnan nito bago sumagot. "It's still our gain-"

"Papa?!" Nauubusan ng pasensyang sigaw ko.

Umiling lang ito sa'kin. "I won't let my wife be in jail."

"I can't believe you." Puno ng disgustong sabi ko. "If you can tolerate that Pa, well I can't." Sabi ko bago lumabas.

Matigas akong hinawakan ni Papa sa braso na agad kong binawi at nagpatuloy sa paglalakad ngunit nawalan ng lakas ang binti ko nang marinig ang sinabi nito.

"If you hurt my wife, I can hurt yours too."

Hindi makapaniwalang lumingon ako sa ama. Puno ng diterminasyon ang mga mata nito.

Dahan dahan akong umiling bago tumingin sa baba. "I barely know you now." Muli akong tumingin sa kaniya at tumango. "You're not my father. My father died with my Mom." Huling salita ko bago lumabas at nangako sa sarili na hindi na muling papasok roon.

SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon