Kabanata 12

40 5 2
                                    

Nakasilong ako sa may guard house na katabi ng gate ng mansyon. Padilim na at malakas ang buhos ng ulan kaya walang dumaraang tricycle. 

"Ysa hindi ka ba nababasa riyan? Pumasok ka muna at ako na ang mag aantay ng tricycle."

"Ay hindi na po Kuya guard, may dadaan din dito maya maya. Salamat."

Ngunit imbis na tricycle ay pamilyar na itim na hummer ang huminto sa harap ko. Galing ito sa labas at papasok na sana pero hindi tumuloy. Inaasahan ko na kung sino ang nasa loob ngunit para pa ring kinabog ang dibdib ko nang bumaba ang bintana ng sasakyan.

"Get in. I'll take you home."

"U-uh hindi na po, mag-iintay na lang po ako dito... S-sir."

Dumilim lalo ang itsura niya. Para bang hindi sanay na natatanggihan.

"I said, get in."

Umiling ako. "S-salamat na lang po. Ayan! m-may tricycle na... S-sir." Sabi ko nang makita ang dumaang tricycle. Mabilis ang takbo nito kaya naman lumagpas ito sa akin bago ko natawag.  Huminto ito sa di kalayuan at balak sanang bumalik ngunit sinalubong ko na sa kagustuhang umalis, kaya naman medyo nabasa ako ng ulan.

Nakahinga ako ng maluwag ng makasakay sa tricycle. Nang sabihin ko ang lugar ay nginitian ako ng driver na ikinataas ng balahibo ko. Mabilis ang takbo namin ngunit madalas ang sulyap nito sa akin na tila wala sa kalsada ang isip. Alam ko ang ganoong tingin kaya naman nang makita kong malapit na kami sa kanto ay pumara na ako.

"K-kuya dito na lang po s-sa tabi." Malakas na sabi ko ngunit hindi niya ako pinansin at lalong binilisan ang takbo.

"Akala ko ba sa pulo ka pa ha miss. Ang ganda mo miss a. May boyfriend ka na ba?" Sabi nito bago tumawa.

Lumiko ito sa kanto namin ngunit imbis na lumiko sa mga kabahayan ay dumiretso ito papuntang bukid.

"Kuya doon ho sa kabila!" Malakas na sabi ko ngunit natatalo ng lakas ng ulan ang boses ko. "Kuya!" Sigaw ko.

Tiningnan lamang niya ako saka ngumiti. "Kalma ka lang miss, mamaya pakakalmahin kita." Sabi nito na sinundan muli ng tawa.

Hindi ako agad nakapagsalita dahil tila na blangko ang isip ko.

"Tulong! Tulong!" Desperadong sigaw ko. Umaasang may makakarinig sa gitna ng bukid, kasabay ang ingay ng ulan.

Natigil ako nang malakas na tumawa ang lalaki. "Gusto ko 'yan miss, yung malakas sumigaw." Sabi nito na sinundan muli ng tawa.

Sa taranta ko ay pinaplano ko na ang pagtalon ngunit patubig ang nasa gawi ko at mataas ang tubig roon. Desperado na ako. Madilim na, malakas ang ulan at nasa gitna na kami ng bukid kaya kung tatalon ako ay mas malaki ang tiyansang malunod ako kaysa makaligtas. Ngunit mas gugustuhin ko pa na malunod kaysa sa iniisip kong mangyayari kung hindi ko pipiliin iyon.

Nang pumikit ako para magdasal ay agad na tumulo ang mga luha ko. Kumapit ako sa gilid ng tricycle, kumukuha ng buwelo para makatalon. Ngunit bago ko pa magawa ang plano ay mariing preno ang narinig ko.

Nang idilat ko ang mga mata'y liwanag ang nakita ko. Ano to? Patay na ba 'ko? Pero hindi pa ako tumatalon.

"Gago!" Sigaw ng driver na kumumbinsi sa'kin na buhay pa ako.

Isang mainit na kamay ang humila sa braso ko palabas ng tricycle. Pumiglas ako sa gulat ngunit agad ring kumalma nang makita kung sino ang nakahawak.

Nang ang humihingal at galit na si Kalix ang nakita ko ay agad akong nakahinga nang maluwag, salungat sa lagi kong nararamdaman sa tuwing nakikita siya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakahandusay ang driver sa kalsada.

"He's alive. Pasalamat siya, nandito ka." Nang tumingin ako sa kanya ay matalim ang tinging iginawad nito sa akin.

Agad niyang pinatakbo ang sasakyan bago may tinawagan ngunit hindi ko na nakuha ang pinag usapan nila dahil ngayon lang nag sisink in sa akin ang lahat ng nangyari.

Paano kung tumalon nga ako? Paano kung hindi dumating si Kalix? Paano ang pamilya ko? Si Mama? Si Papa?

Nang huminto ang sasakyan ay saka lang ako natauhan. Nasa tapat na kami ng bahay.

"Are you alright?" Tanong ni Kalix na nagpatingin sa akin. Seryoso ang mukha niya. May galit pa rin ngunit malamlam na ang mga mata. Tila nahihirapan sa nakikita.

Pinilit kong magpakatatag ngunit tumulong muli ang luha ko nang mapagmasdan ko siya. Paano na lang kung hindi siya dumating? Ano na kayang nangyari sa akin?

"S-salamat... S-sir. U-uh pa-pasensya na po s-sa abala... pasenya na." Nagawa kong sabihin sa pagitan ng mga hikbi. Nang medyo kumalma ay tinangka ko nang bumaba. Hinayaan niya ako ngunit hindi siya umalis. Nang makapasok ako sa gate ay nakita ko siyang bumaba.

"Can I... come in." Naninimbang ang mga mata niya.

Binuksan ko ang gate bilang sagot. Nang umikot ako papasok sa bahay ay huminto ako nang makita kung gaano kadilim sa loob.

"Ysa?" Tanong ng taong nasa likod ko.

Huminga ako ng malalim at dumiretso na sa loob. Binuksan ko ang ilaw at pinatuloy siya.

"Uh m-maupo ka muna, ikukuha lang kita ng tuwalya." Mabilis kong sabi bago umalis.

Nang bumalik ako ay nakatayo pa rin siya, nakatingin sa mga litrato na nakadisplay sa sala.

Inilahad ko sa kanya ang hawak. "Tuwalya, may damit din si Papa dyan magpalit ka muna. May banyo sa may kusina, diretso ka lang tapos kanan." Sabi ko sa kanya habang tinuturo ang daan.

Nang lumakad siya ay sumunod ako. Lumingon siya at nagtatakang tumingin sa akin.

"Uh magtitimpla ako ng kape... sa... kusina."

Bumaba ang mata niya sa damit ko. "Change your clothes first."

Nang makita ko kung gaano humapit sa katawan ko ang mga iyon dahil sa tubig ay tumakbo na ako papuntang kwarto.

Habang nagbibihis ay saka ko lang narealize na si Kalix ang kasama ko. Si Kalix. Siya nanaman ang nagligtas sa akin.

Nakapagtataka pero magaan ang pakiramdam ko. Na para bang kung ibang tao siya ay hindi ko siya papapasukin.

Nang lumabas ako ay nakita ko siya na nakaupo sa sofa at umiinom ng kape.

"Sorry, nakialam na ako sa kusina niyo. Drink this." Sabi niya bago iabot sa akin ang hot chocolate.

"Thank you." Sabi ko bago umupo.

Binalot kami ng katahimikan. Matagal. Tila walang nais sumira nito sa aming dalawa. Tinitingnan ko siya minsan, ngunit mas madalas ang tingin ko sa iniinom. Diretso siyang nakatingin sa akin. Seryoso at tila nag oobserba. Parang nagbabantay ng batang hindi nakapagsasalita.

Nang maubos ang inumin ay saka lang siya nagsalita.

"You should rest. Go to your room. Dito lang ako. I'll sleep here." Hindi tanong iyon. Hindi paalam. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako makapagprotesta.

"I-ikukuha lang kita ng unan at kumot. Sandali lang." Sabi ko bago mabilis na kumilos.

Nang makabalik ako'y naka upo pa rin siya. Maliit lang ang sofa namin at tiyak na mamamaluktot siya kung doon siya matutulog.

"Uhm... Eto o." Sabi ko sabay abot ng unan at kumot. "N-nasa ospital ang mga magulang ko kaya walang tao sa kwarto nila, pwedeng doon ka matulog."

"Hindi na Ysa, walang permiso nila ang pagtulog ko rito sa loob ng bahay niyo. Masyado nang makapal ang mukha ko kung sa kwarto pa nila ako matutulog."

"P-pero-"

"Rest now." Pagputol nito sa akin bago humiga at tumalikod sa akin.

Muka hindi siya komportable roon kaya naman magsasalita pa sana ako kung hindi lang niya ako naunahan.

"Don't be stubborn." Sabi nito habang nakatalikod pa rin.

Agad naman akong sumunod. Parang batang natatakot mapagalitan ng tagapagbantay.

SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon