Kabanata 28

45 2 0
                                    

Ang ganda nang pagkakaayos ni Sunny sa buhok ko. Ang kapal nito'y halos mangalahati dahil sa maayos na pagkakatirintas. Nag-iwan siya nang ilang hibla sa gilid ng mukha ko ngunit hindi magulong tingnan ang mga ito.

Naglagay rin siya nang light pink na cream sa pisngi ko, kaya naman kahit papaano ay nagkakulay roon.

"Your eyes is too pretty, let's leave it like that." Si Sunny habang iniinspeksyon ang mukha ko. "Maybe just a little gloss in the lips. And we're done. God, dapat yata gawin kong side line ang pagiging make up artist." Nakangiting sabi nito. "Wait we need some jewelry."

Bago pa ito makahanap ay agad ko nang kinuha sa bulsa ng pantalon ang kwintas na bigay ni Kalix. Gusto ko sana itong isuot kaso natatakot naman ako na baka masira kaya inilagay ko nalang sa maliit na plastic seal at ipinamulsa.

"Uh... meron ako, eto nalang." Sabi ko habang sinusubukang suotin ang kwintas.

"Mi Cielo." Basa nito sa pendant. Lumamlam ang mga mata nito at marahang ngumiti nang ibalik ang mga mata sa akin. "It's beautiful."

Nginitian ko lang ito bilang sagot.

Nang hinila na ako nito palabas ay wala na akong nagawa. Huminto lang ako nang makarating na sa malaking pintuan palabas nang mansyon. Nakikita kong mas lalong dumami ang tao roon.

"Let's go, Ysa."

Umiling ako. "Uh, sa likod nalang po siguro ako dadaan." Nag aatubiling sabi ko. Lalong kinabahan dahil mayroon nang mga napapatingin na sa gawi namin.

"Don't tell me sasayangin mo ang effort ko. Sayang naman ang master piece ko kung hindi natin ipangangalandakan, Ysa."

Hindi na ako nakipagtalo dahil nakakahiya na rin kay Sunny. Tatlong hakbang pa lang ang nagagawa ko ay parang gusto nang lumakad pabalik ng mga paa ko.

Lahat halos ng tao ay nakatingin sa gawi namin. Sabi ko na, hindi talaga magandang ideya na sumabay kay Sunny.

Ang kaba ko ay naging triple nang mapagtanto kung saan kami papunta.

Diretso ang tingin nito sa amin ngunit hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Ang katabi naman nitong si Gael ay nakangisi habang tinatapik ang balikat ng pinsan.

"I know, you're welcome." Si Sunny nang makalapit kami sa dalawa.

Saglit itong sinulyapan ng kapatid at muling ibinalik sa'kin ang tingin.

Iniwan kami ni Gael at Sunny roon.

"Gustong gusto kitang pagbawalang isuot 'yan." Nakakunot ang noong sabi nito. Madilim na nakatingin sa damit ko. "But it fucking suits you perfectly." May diing dugtong nito.

Nang dumako ang mga mata sa leeg ko'y may nakita akong multo ng ngiti sa labi nito.

"Akala ko ba, lalo akong nangayayat dito." Biro ko, sinusubukang maging komportable sa kabila ng mga matang nakatingin.

"Yes, so don't wear it again." Mahinang sabi nito kasabay nang pag-iwas ng tingin.

"Kal, dad want's to talk to you." Si Niana na agad ikinawit ang braso kay Kalix. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.

"I'm with someone, Niana." Sagot ni Kalix na nasa akin nanaman ang tingin. "I'll talk to him later."

Bago pa makalas ni Kalix ang pagkakahawak nito ay magkakasunod na flash ng camera ang nakita ko.

"Totoo pala ang bali-balitang engage na kayo?" Tanong ng lalaking may nakasabit na camera sa leeg. May hawak itong cellphone na itinipat nito sa dalawa matapos magsalita.

SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon