Senyora Leticia Cojuanco
Hindi ko pa rin maiwasang manginig sa galit habang tinatanaw ang taong pumatay sa asawa ko. Tila ba hindi sapat sa akin ang makulong ito habang buhay. Kung wala lang akong takot sa Diyos ay baka ang kamay ko mismo ang magparusa rito.
Huling hearing ng kaso ngayon at hindi na rin kami nagulat nang hatulan ito ng guilty dahil sa napakatibay na ebidensyang ibinigay ni Antonio. Galit ako rito pero kahit papano'y naiintindihan ko dahil alam ko ang nagagawa ng pag-ibig.
Bago lumabas ay nakasabay ko ito, kasama ang dalawang anak na pinauna na nito nang makitang tumigil ako.
"I'm sorry, Leticia." Seryosong sabi nito. "Patawad at umabot ng ganito katagal."
Tumango ako at tumingin sa ibaba. "I just want to clarify something." Sabi ko kasabay nang muling pag-angat ng tingin. "Ipinadala mo ba talaga si Ysabella sa'min?" Tanong ko na ilang buwan na ring gumugulo sa isip ko.
Agad namang kumunot ang noo ni Antonio sa tanong. Tila naguguluhan. "Ang apo ko, Leticia?" Nang makuha ang punto ay agad itong sumagot ng sagot na tila ba dapat ay alam ko na. "Sa tingin mo'y patatapakin ko ang apo ko sa pamamahay mo, gayong ganito kalaki ang atraso namin sayo."
Hindi ako nakapagsalita dahil matagal ko nang napagtanto ang bagay na 'yon. Nilamon lang ako ng galit kaya't ayaw tanggapin na nahumaling sa apo ng kaaway.
"Salamat." Mahinang sabi ko bago siya iwan roon.
Kalix suddenly crossed my mind. My poor Apo. Halos hindi ito makausap nang ikwento ko sa kaniya ang lahat. Sa kaniya ko rin naibuhos ang sama ng loob sa pag-aakalang niloko kami ni Ysa.
How stupid of me. Hindi ko manlang naisip ang mararamdaman ng apo ko.
Una pa lang ay alam ko na na iba ang pagtingin ni Kalix kay Ysa. Simula nang hindi nito pagsama sa mga pinsan at pagtatagal sa mansyon ay agad ko nang nakita na hindi lang ako ang nahumaling.
Kalix never drives for me. Kaya naman nang sumama ito sa amin ay talagang nakumpirma ko ang nararamdaman ng apo. Natuwa ako, hindi lang dahil sa nakakasama ko si Kalix but also because of my fondness for Ysabella.
That's why my heart really broke when I've confirmed that she's Antonio's granddaughter. Her looks screams the Mondragon blood. But because of the kindness and innocence in girl's eyes, I've hidden my doubts in the back of my mind.
The Mondragons were our biggest competitor. Pero lahat sila'y nangibang bansa nang mangyari ang trahedya sa lupa namin. Ang alam ko'y walang ni isang natira. Hindi rin nagparamdam ang ilang umuwi kaya naman ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang litrato na ipinakita ni Niana sa akin.
Doo'y nakita ko si Ysabella sa hapag ng mga taong kinamumuhian ko. Hindi na ako nakapag-isip nang muli itong bumalik sa mansyon. Kaya naman habang binabalikan ko ang mga nasabi'y talagang naiinis ako sa sarili.
I'm so guilty. Hindi lang kay Ysa kun'di maging kay Kalix. He's devastated when he left and even today. He came back more mature, but also... sadder.
The moment I saw his eyes. I know I must do something.

BINABASA MO ANG
Sky
RomantizmKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...