"Ysaaa!" tawag nang kaibigan ko na si Clodet.
"Ang taas nanaman ng energy mo, may chismis ka nanaman ano." sagot ko habang tinitingnan ang sirang sasakyan.
Ang talyer ni Papa sa garahe ng aming bahay ang naging playground at tambayan ko sa loob ng dalawampung taon. Kaya naman hindi na rin nakapagtatakang nakahiligan ko ang pagbutingting ng iba't ibang makina.
Kumuha ako ng kursong Aeronautics at nakatapos sa loob lamang ng dalawang taon, ngunit pinili kong tulungan na lamang si Papa sa pagpapalago ng talyer.
"Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko sayo, ipangako mong tatatagan mo ang loob mo." seryosong sabi ng kaibigang kong nanlalaki ang chinitang mga mata.
Sinulyapan ko si Clodet bago sumagot. "Oo na. Ano ba kasi 'yan at ganyan na lang ang reaksyon mo. Ano umuwi nanaman ba si Kalix?" wala sa loob at pabirong tanong ko habang nagpupunas ng maruming kamay. Ganito kasi ang lagi niyang sinasabi 'pag pinagtitripan niya 'ko.
"Paano mo nalaman?!"
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago sumagot. Hindi pa rin maialis ang pagkabog ng dibdib nang marinig ang kumpirmasyon sa kaibigan. "Utang na loob Clodetina, tantanan mo nga 'yang pagbibiro mo nang ganyan, hindi ba ang sabi ni Nana Pise sa Amerika na nga raw maninirahan, hindi na-"
"Hep, teka, una sa lahat, pwede bang tantanan mo rin 'yang katatawag sa'kin ng Clodetina, ang baho bes. At hindi ako nagbibiro this time. Promise. Cross my heart, gusto mo puntahan pa natin sa kanila."
Hindi ako nakasagot dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kun'di kaba. Halos dalawang taon na ang nakalipas buhat noong huli ko siyang makita. Hindi rin ako handa. Hindi ko alam kung paano ito haharapin. Nasaktan ko siya. Pero nasaktan rin ako. Patas ba 'yon?
"Ysa? Hoy... anyare? Andyan ka pa ba o pumunta na yang kaluluwa mo sa mansyon ng mga Cojuanco?"
"Clodet-"
"Mahal mo pa 'no?" Seryosong putol sa'kin ng kaibigan.
Natahimik ako.
"Ano namang magagawa ng pagmamahal." sagot ko bago tumalikod at pumunta sa likod-bahay.
Gaya ng dati, dito pa rin ako nag-iisip. Ang kapayapaang nakikita sa paligid ay ramdam ko pa rin. Tama ang naging pasya ko. Wala akong pinagsisisihan. Lagi ko 'yong iniisip sa tuwing magagawi rito. Sa sobrang dalas ay nagtutunog pag-alo at pagkumbinsi na sa sarili. Dahil kahit na tahimik ang buhay ko'y hindi ko pa rin maipagkakaila ang lungkot na mataggal kong ibinabaon sa puso.
Tumingin ako sa langit. Sa tuwing nakikita ako ni Papa na nakatingin rito, lagi ko lang sinasabi na namimiss ko si mama. Totoo naman 'yon kahit papano, pero lolokohin ko ang sarili ko kung sasabihin kong si mama lang ang naaalala ko rito. Palagi siyang naroon, ngunit mataas at imposibleng maabot. Ganoon ko siya lagi nakikita, kaya naman hindi ko maiwasang ikumpara siya sa alapaap.
Naglakad lakad ako. Tinatanaw ang bughaw na kulay na nakikita ko kahit saan ako lumingon. Nang bumaling ako'y nakakita ako ng tumpok ng dayami. Hindi ko maiwasang mangiti at umiling. Naalala ko ang una naming pagkikita. Isa 'yon sa pinaka hindi ko makakalimutan.
Hindi ko na napigilang tumawa. Ngunit agad nawala iyon nang marinig ang kaluskos galing sa kabilang bahagi ng dayami. Dejavu ba 'to?
Gusto kong umikot para makita ngunit tila ba nabato ang paa ko. Lalo na nang lumabas ang sanhi ng kaluskos.
Pamilyar na pares ng mga mata ang sumalubong sa'kin. Gaya ng dati'y natural na madilim ito. Tumanda siya, ngunit sa napakagandang paraan. Lalong tumangkad at tumikas. Tumingin ako sa likod niya, nag aantay ng kasunod na lalabas ngunit wala. Hindi to dejavu dahil siya lang ang nasa harap ko ngayon. Hindi ko alam kung natutuwa ba ako o ano, dahil parang mas gugustuhin kong may sumira ng katahimikang namamagitan sa'ming dalawa.
"It's you... again." Seryosong sabi nito. Wala ang palabiro at nang iinis na tono.
Napakurap-kurap ako. Iniisip ang dapat sabihin. Lagi kong pinaghahandaan ang araw na ito, ngunit nablangko ata ang utak ko nang makita ko siya.
"N-nakabalik k-ka na pala." Nauutal kong sabi, gaya ng mga una naming pag-uusap.
Sarkastikong ngiti lang ang isinagot nito sa'kin.
Lalo akong hindi nakapagsalita. Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin.
"You look damn good." Napapaos na sabi nito.
Lumunok ako bago sumagot.
"I-ikaw rin."
He smirked. "I probably looked so fucking miserable."
"H-ha?"
Nag iwas siya ng tingin. "I should go, ngayon lang kita ulit nakita pero parang gusto ko nang sirain ang pangako ko sayo."
Natahimik ako. Natulala. Hanggang sa makaalis na siya, at ang nag-aagaw na bughaw at kahel na langit na lang ang natatanaw mula sa lugar na pinanggalingan nito.
Unti-unting tumulo ang mga luhang dalawang taon kong itinago. Masakit. Masyadong masakit na hindi ko mapigilan ang paghikbi.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili roon. Papadilim na nang mahimasmasan ako. Napakaganda pa rin ng langit kahit madilim.
"Anak." Naabutan ko si Papa sa aming bakuran nang makabalik ako.
"Naglakad lakad lang ako Pa."
Nang tingnan ko siya'y naninimbang ang ekspresyon nito.
Sinalubong ko siya ng yakap.
"Magbihis ka, pupuntahan natin ang Lolo mo." Sabi nito sa'kin bago kumalas ng yakap.
"S-si Clodet po pala?" Tanong ko nang maalala ang kaibigang iniwan kanina.
"Kanina pa umuwi... Ang sabi nga'y-"
"Pa... 'Wag na lang po nating pag-usapan."
Matagal akong tiningnan ni Papa bago tumango at nauna nang maglakad.
Masaya ang naging hapunan. Kada linggo ay isa o dalawang beses naming pinupuntahan si Lolo. Umaayos na rin kahit papano ang lagay niya dahil sa therapy.
Minsa'y naiisip rin naming umuwi rito ni Papa ngunit parang kulang pa ang dalawang taon para maka move on kami sa pagkawala ni Mama.
"Apo, darating rito ang kaibigan ko bukas kasama ang apo niyang binata pa-"
"Lo, alam ko na 'yan. Ayoko po, naalala mo yung dumating nung isang araw, bading ho 'yon Lo maniwala ka sa'kin." Sagot ko na bahagyang natatawa sa naalala.
"Iba to apo saka kaibigan lang naman, lagi'y si Cloding lang ang kasama mo. Saka isa pa, ilang taon ka na-"
"Twenty pa lang Lo, kalma tayo pwede." Sabi ko na hindi na napigilan at sinundan na ng tawa dahil sa pangalang ginamit nito.
"Apo, gusto ko pang makita ang mga apo ko sa tuhod, e sa lagay kong ito-"
"Hep, okay Lo. Pupuntahan kita bukas." Sabi ko bago halikan ito sa pisngi.
Nagiging makulit at maramdamin ang Lolo dahil siguro sa katandaan nito o marahil ay ito lang rin ang pinaka effective na paraan para mapasunod niya ako sa mga gusto niya. Alam niya kasing hindi niya ko makukuha sa pagiging strikto kagaya ng pagpapasunod niya kila Papa.
Naiiling na lang rin si Papa habang nakikinig saming dalawa.
Pagkauwi nami'y dumiretso na ako sa kwarto at ginawa ang mga dapat gawin. Bago tuluyang humiga ay sinuot ko ang kwintas na bigay niya. Nakasanayan ko na itong suotin bago matulog. Dinama ko ang nakalagay rito. Mi Cielo.
BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...