Hanggang ngayon ay iniisip ko kung ano ang ibig sabihin ni Senyora sa sinabi niya. She hoped I'm not one of them? Sinong sila?
Naputol ang pag-iisip ko nang tawagin kami ni Nana Pise.
"Tina! halina kayo at isasabay kayo ni Sir Kalix para mas komportable ang mga bata sa byahe."
"Nako, hindi na Nana nakakahiya naman ho." tanggi ng nanay ni Clodet.
"Halina at naghihintay na iyon." sabi nito sabay hila kay Tita Tina.
Wala na rin kaming nagawa kun'di ang sumunod kahit na kinabahan ako sa pangalang narinig.
Nang papalapit na kami ay nakita ko siyang nakahilig sa isang kulay itim na Hummer. Nakapamulsa ito at nakayuko, tila ba malalim ang iniisip. Nang makita kami'y tumayo ito nang diretso at itinaas sa ulo ang suot na shades. Parang gusto kong tumakbo.
Pinagbuksan niya si Aling Tina at Clodet, si Nana Pise ay nauna nang sumakay sa harap. Halos tumigil ang paghinga ko ng ako na ang papasok. Alam kong nakatingin siya kaya naman hindi ko siya matingnan habang pumapasok ako.
Magara ang loob ng sasakyan at amoy pabangong panlalaki. Nang pumasok siya ay agad na nagtama ang mata namin sa rearview mirror na agad kong iniwasan.
Why am I so fucking nervous?!
Mahaba at tahimik ang naging byahe pero hindi manlang ako dinalaw ng antok kahit minsan. Kung hindi sa bintana ay sa baba lamang ang tingin ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang malaking estatwa ng kalabaw at ang puting sulat sa ibaba na nagsasabing nakarating na kami sa bayan namin.
Maliit lang ang bayang ito. Simple at masaya. Hindi man ganoon kaunlad pero mayaman pa rin ito sa sariwang hangin na karaniwan nang nawawala sa mga lungsod.
Isa lang ang hindi ko gusto sa lugar na 'to. Traffic. As always. Sa bayan lang naman kapag lumagpas naman dito ay mabilis na lang ang byahe.
Napakabagal nang usad ng sasakyan at hindi ko na alam kung paano lilibangin ang sarili dahil kaliwa't kanan ay parehong sasakyan ang makikita mo. Parehong nakatulog si Clodet pati na ang nanay niya. Nakapikit rin si Nana Pise.
Napagpasyahan kong pumikit na lamang at sumandal. Nang dumilat ako'y saktong salamin agad ang nakita ko. Umiwas siya at nagsalita.
"Where do you live?"
Ha? Ako ba tinatanong nito? Pero sino pa ba alangan namang si Nana Pise.
"S-sa Pulo." Bakit ba ko nauutal, nakakahiya. Compose yourself Ysa.
Tamad ako nitong tiningnan. "Where exactly?"
"Ah i-baba mo nalang siguro ako sa ano sa kanto ng Lumbac tas sasakay nalang ako ng tricycle." papahina kong sabi dahil tumingin ulit siya sa rearview mirror.
Hindi ko alam kung ano ang nakakatakot sa tingin niya pero hanggat maiiwasan ko, mas gusto ko itong iwasan.
"I'll send Aling Tina and Clodet there also, huwag ka nang mag aksaya ng lakas just tell the location exactly."
"I-tuturo ko nalang, malapit lang naman kila Clodet yung sa amin pwede ring doon nalang ako bumaba para hindi ka na maabala."
"Fucking annoying." sagot nito bago pinaharurot ang sasakyan nang makalabas sa traffic.
Pabulong iyon pero narinig ko nang malinaw. Ano namang ibig niyang sabihin don? Annoying ako? Mas annoying siya para sakin.
Unang nadaanan ang mansyon ng mga Cojuanco at ibinaba na si Nana Pise dahil naiihi na raw ito. Tulog pa rin si Aling Tina at Clodet.
"Iha, dito ka na sa harap maupo at magmumukang driver si Sir Kalix." pabirong sabi ni Nana Pise na hindi nakakatawa para sa akin.
"H-ho?!" gulat at kabado kong sagot.
Nakangiti nitong sinarado ang pinto ng kotse at binuksan ang pinto sa tabi ko na para bang sinasabing wala akong pagpipilian kun'di ang umupo sa tabi ng lalaking 'yon.
Dahan dahan akong lumabas, ganoon rin sa pagbukas ng kotse.
Nang tingnan ko siya'y kunot noong nakatingin ito sa harap, tila ba galit sa kung ano mang nakikita roon.
Nang makasakay ako'y agad nitong pinaandar ang sasakyan. Isang sulyap sa kanya'y ganoong ekspresyon pa rin ang nakita ko.
Inis na inis? Kung ayaw niya akong katabi, sana'y sinabi na niya kanina.
Isang sulyap muli ay nagtama ang aming mga mata na agad kong iniwasan. At niya rin. At tama ba ang nakita ko? Inirapan ba niya 'ko?
Nang balingan ko siyang muli ay ganoon rin ang ginawa niya. Ngunit ang nagtataka kong mga mata'y pinantayan niya ng galit at inis na tingin.
Magsasalita na sana ako kung hindi lang nagsalita ang nanay ni Clodet.
"Pakihinto na lang diyan sa may poste Sir Kalix."
Agad na bumaba ang hindi na nakapagsalitang si Clodet dahil sa antok. Gayon din si Aling Tina.
"Salamat Sir, pasensya na po sa abala, pakihatid na rin po si Ysa marami po kasing tambay dito sa gawi namin at hindi ko po kayang pauwiing mag isa ang batang iyan, lapitin ng gulo e." biro ng nanay ni Clodet. Tinanguan lang nito si Aling Tina.
Nginitian naman ako nito bilang paalam.
Nang naisara ang pinto ng kotse ay tila ba nagsara na rin ang lagusan ng hangin para sa akin. Parang naparalisa ang buo kong katawan maliban sa puso kong gusto atang umalis sa akin dahil sa sobrang lakas ng kabog.
"Where exactly?" maigsing tanong nito na naitindihan ko ngunit mabagal na nagproseso sa akin.
"A-h diretso lang tapos, kanan s-sa ano, sa unang kanto." gusto kong batukan ang sarili kong nagkakanda utal dahil sa kaba.
Umayos ka nga Ysa, hindi ka naman kakagatin niyan.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago siya sulyapan.
Itatanong ko sana kung may galit ba siya sa akin dahil sa nangyari kahapon ngunit ibang ekpresyon na ang nakita ko sa mukha niya.
Nakangisi ito at tila ba may pinapanood na nakakatawa sa harap niya.
Wala sa loob ko siyang natitigan. Kunot noo at takang taka sa inaasal ng katabi.
Bipolar ba 'to?
"Stop that." nakangisi pa ring sabi niya na gumising sa akin.
"Alin?" sagot ko kasabay ng pagtingin ko sa harap.
He chuckled sexily.
Napalingon ako.
Then he bit his lip.
Hindi ko na nabawi ang tingin ko. Nakakamangha ang itsura niya pag galit at seryoso. But this expression is hypnotizing.
"I said stop." sambit niya kasabay ng sandaling mariing pikit.
BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...