"Ha?" Tanong ko nang matauhan.
He smiled boyishly. "You're friend is here." sabi niya, sandaling tumingin sa likod ko ngunit agad ring ibinalik ang tingin sa'kin.
Nang lumingon ako'y nakita ko ang nakangising si Clodet kasama si Aling Tina. Ganoon pa rin ang ayos niya nang ibalik ko ang tingin, watching me intently like I am something interesting.
"Ehem! Uh, Sir Kalix, sorry pero kailangan ko nang kuhanin si Ysa, mag gagabi na kasi." May lamang sabi ni Clodet nang makalapit sa akin.
Pinanlakihan ko agad siya ng mata nang makitang kumunot ang noo ni Aling Tina.
"U-uh mauna na po kami." Magalang kong sabi upang maalis ang kung ano mang nabubuo sa utak ng nanay ni Clodet.
"Let me take you home." Si Kalix habang diretsong nakatingin sa akin. Tila ba wala kaming kasama sa oras na iyon.
Nakita kong tumaas ang kilay ni Clodet.
"Nako Sir, salamat pero ipahahatid daw ho kami ni Senyora sa driver niya dahil dito sa mga pinauuwi niyang gamit. Ayan na pala, mauna na kami Sir." Si Aling Tina na agad nang lumakad nang makita ang papalabas na kotse.
Agad rin kaming sumunod ni Clodet. Hindi ko na tinangka pang tingnan siya ulit.
Inihatid nila ako sa ospital, at dahil maggagabi na ay nadatnan ko na si Papa roon.
Nakaupo ito sa tabi ni Mama, pagod na tinitingnan ang asawa. Nang makita ako'y agad na kumunot ang noo nito at tumayo.
"Saan ka nanggaling, bakit mo iniwan ang mama mo?"
"Uh... may inasikaso lang po ako Pa, pero siniguro ko po munang maayos si Mama bago ako umalis, ibinilin ko rin po siya doon sa mabait na nurse na laging tumitingin sa kaniya. Pasensya na po hindi ako nakapagpaalam."
"Sa susunod ay magsasabi ka." Sabi nito bago muling umupo.
Dahan-dahan akong lumapit at tumabi rito.
"Uh Pa, may gusto po sana akong ipagpaalam."
"O kasasabi ko lang, meron na agad?" pabirong sabi nito bago lumingon sa akin.
Pumayat si Papa, halata iyon dahil nawalan ng laman ang mukha nito. Malalalim ang mga mata at mukang hindi manlang nakakapag ahit sa ilang araw na nagdaan. Lalo akong naging desididong tulungan siya.
"Uh gusto ko po sanang magtrabaho para makatulong ako sa mga gastusin natin. Kaya po ako umalis ngayon ay dahil may nakausap na po ako at... tinanggap naman nila ako agad."
"Saan at anong trabaho? Paano ang mama mo sa umaga?"
Sa itsura pa lang ni Papa alam kong mahihirapan akong kumbinsihin siya. Tiyak na hindi siya papayag kung sasabihin kong papasok akong kasambahay sa mga Cojuanco.
"Uh... helper po, sa isang, ano maliit na restaurant sa bayan. Bagong bukas kaya naghahanap ng isa pang tauhan." Sabi ko habang inaayos ang hindi naman magulong kumot ni Mama, umiiwas sa mapanuring tingin ng ama. "Ano Pa, ayos lang naman daw na tanghaliin, kaya maaga akong pupunta kay Mama, sisiguruhin ko munang ayos siya bago ako umalis." Dugtong ko bago muling tumingin dito.
Malungkot na mga mata ni Papa ang sumalubong sa akin. Pagod itong ngumiti bago tumango.
"Pasensya ka na anak, at salamat." Yumuko ito at sandaling tumahimik. Nang tumingin sa akin ay muli itong nagsalita. "Pero ipangako mo kay Papa na 'pag nahirapan ka sa trabaho na 'yan, hihinto ka kaagad."
Masigla akong ngumiti. "Oo Pa, promise po."
Maaga akong gumising kinabukasan, siniguro ko muna na magiging maayos si mama bago ako umalis. Nakausap ko na rin si Clodet at sinabi nitong pupuntahan niya si Mama sa tanghali.
Nang dumating ako sa mansyon ay agad akong binilinan ni Aling Tina at sinabing tutulungan ko lang siya sa mga gagawin niya dahil iyon ang bilin ng Senyora, kaya naman iyon ang ginawa ko ng kalahating araw.
Pagkatapos ng tanghalian ay nagpahinga kami. Pumunta ako sa likod ng mansyon kung nasaan ang pool. Abala man sa mga ginagawa, hindi pa rin maalis sa isip ko ang isang tao. Wala ang Senyora at ang magpipinsan. Maaga raw umalis ang mga ito dahil may susunduin sa airport.
Nang mainip ay napagpasyahan kong magwalis ng mga tuyong dahon. Sinubukan ko ring linisin ang pool dahil may mga dahong hinangin papunta rito. Malaki ang pool at dahil sa taglay kong katamaran ay pinilit kong abutin ang dahong nasa kabilang dulo.
Konti na lang. Konting usog pa.
Muntik na akong mahulog dahil napatalon ako nang may biglang humawak sa kaliwang braso ko. Hinila ako nito paatras kaya hindi ako tuluyang nahulog.
"Ano ba?!-" Naputol ang dapat na sasabihin ko nang malingunan kung sino ang humila. "S-sir."
"It's slippery, you probably fell kung hindi kita nahawakan, and don't call me Sir, you're not my employee." Tuloy tuloy na sabi ni Kalix habang mariing nakatingin sa akin.
Napakurap kurap ako. "T-thank you, S-sir."
"Kakasabi ko lang."
"P-pero apo ka ni Senyora, amo pa rin kita." Sabi ko, hindi makatingin ng diretso.
He shrugged. "I'm not paying you." Magaang sabi nito.
"Pero 'yon ang tawag sa'yo ng lahat."
"They are all stubborn. Ikaw kaya? Gaano katigas 'yang ulo mo..." Pabirong sabi nito na sinundan ng maigsing tawa. Tila pinapagaan ang hangin sa pagitan namin.
Napatingin ako sa kaniya. Maaliwalas ang mukha nito na tila ba may magandang nangyari ngayong araw. Nakapagtataka.
"Why are you being friendly?" Wala sa loob kong tanong.
Umangat ang gilid ng labi nito na agad ring itinago sa pagnguso. "Bakit, ayaw mo ba?"
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko rin alam kung mas gusto ko bang masungit siya na tila ayaw akong nakikita, o ganitong parang gusto niyang mapalapit. Parehong nakakatakot.
"Gusto ko lang, bakit ayaw mo ba? Ihihinto ko agad, sabihin mo lang na ayaw mo. Isang salita mo lang Ysabella..." Seryosong sabi nito. Lalong nawala ang mga salita sa isip ko.
"Kal! Come inside, Mom's on the line." Isang magandang babae ang tumawag sa kaniya. Ngayon ko lang ito nakita pero pamilyar ang itsura nito.
"Kalixto!" Muling sigaw ng babae nang hindi lumingon ang tinatawag.
Ilang sandali pa bago itinaas ni Kalix ang tingin. Muli ring ibinaba sa akin bago tuluyang umalis.
Agad akong naghabol ng hininga na parang ilang minutong ipinagkait sa'kin ang hangin.
BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...