Kabanata 35

38 3 0
                                    

Wala halos akong naintindihan sa mga ipinaliwanag ni Kalix kanina kaya naman inubos ko ang kalahating araw sa pagbabasa ng mga ito.

Nang dumating ang oras ng lunch ay hindi ko alam kung dapat ko ba siyang aluking kumain sa cafeteria sa baba. Pero trabaho pa ba 'yon ng sekretarya? Parang ang pangit naman kung hindi ko manlang siya aayain, e siya lang mag-isa roon.

Katatayo ko lang ng lumabas sa elevator ang isang matangkad at balingkinitang babae. Tinanggal nito ang shades nang makalapit sa'kin.

"I have an appointment with your boss." Sabi nito habang umaakyat baba ang mata sa kabuuan ko. "Kalix, is he inside?" Sabi nito akmang didiretso na sa loob.

"Uh, let me inform him first Ma'am. Wala po kasi siyang nabanggit." Pigil ko naman rito.

Agad akong nairita sa tinging ipinukol nito pero sinubukan ko pa ring ngumiti. Unang araw ko pa lang ay baka mapagalitan na ako kung paiiralin ang inis.

Pipindutin ko palang ang intercom ay bumukas na ang pinto at iniluwa noon si Kalix.

"Jessica? I thought sa restaurant na tayo magkikita." Agad na bati nito sa bisita na agad namang bumeso at lumingkis sa braso nito.

Lalo akong nairita. Sana pala kanina pa 'ko bumaba. May ka-lunch date naman pala.

"I'll be back. Eat here, nagpadeliver ako." Sabi nito nang balingan ako.

Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay. Agad akong nag-iwas ng mata nang magtagal ang tingin nito sa'kin.

"Let's go, Kal." Malambing na sabi ng babae nang hindi pa rin gumagalaw ang katabi.

Nang balingan ko ito'y malamlam ang mga mata at may itinatagong ngiti sa labi.

Nang hindi na makatiis ay iminuwestra ko na rito ang daan. "Hindi pa ba... kayo aalis?" Nagtatakang tanong ko, pilit itinatago ang inis sa boses.

"I said you'll eat here." Mabagal na sabi nito, pinipilit maging seryoso ang itsura.

"Kailangan mo pa ng sagot?" Hindi ko na napigil ang mataray na tono. Nakita ko ang irita sa mukha ng babae. Siguro'y nagtataka kung bakit mas mukang matapang pa ang sekretarya sa boss nito.

Nang hindi na nakayanan ay ako na ang sumuko. Tumango ako at nag-iwas ng tingin. "Okay." Sagot ko rito.

Wala pang sampung minuto ay dumating na ang lunch na inorder ni Kalix. Healthy meal iyon na kasya siguro sa dalawang tao. Pinilit ko naman itong ubusin dahil sayang naman kung hindi. Sa dami'y inabutan pa ako ni Kalix na kumakain.

Tapos na agad ang lunch date? Bilis naman.

"Good job." Sabi nito nang makalapit.

Nakadungaw ito sa akin. Inangat ko rito ang tingin pagkatapos ng huling subo. Lumaki ang ngiti nito.

"Wala manlang thank you, Ysabella?" Tanong nito sa tonong nagbibiro.

"Thanks." Sabi ko naman rito habang inaayos ang pinagkainan. "Sir." Dugtong ko kasabay nang pag-angat ng tingin dito.

Agad nawala ang ngiti niya.

"Don't test me, Ysabella. You know how much I hate that." Seryosong sabi nito pero hindi ako nagpatinag.

"Bakit? Boss kita, sabi nga nung ka-lunch date mo... Sir."

Saglit na lumambot ang ekspresyon nito pero ibinalik ulit sa pagiging seryoso.

"No, your Lolo wants me to mentor you." Nahimigan ko ang suyo sa boses nito.

"Mentor, then." Hamon ko pa rito.

SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon