Kabanata 30

41 3 0
                                    

Nang makapasok sa bahay ay hindi ko na natiis ang pagtahimik.

"Ano 'yon Pa? Ba't kailangang magsama ka ng mga armado-"

"Utos ng Lolo mo."

"Ano, palibhasa guilty kayo. Palibhasa alam niyo na may isa sa atin ang pumatay sa isa sa kanila."

"Ysabella!" Parang kulog na sigaw ni Lolo.

Puno nang suklam ko itong tiningnan. Lalo namang sumama ang timpla ko nang makita si Ursula sa likod nito.

"Mga wala kayong kaluluwa."

Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Papa pero hindi ako natinag roon. Hindi ko kayang tanggapin ang pagtahimik nilang lahat.

"Pero kabilang ka sa mga walang kaluluwang tao na 'to, Ysa." Marahang sabi ni Ursula, tila walang tensyon sa katawan.

Mabagal akong umiling, hindi makapaniwala sa narinig.

"Hindi. Kailanman." Sabi ko bago lumabas.

Pero hindi pa ako nakakarating sa gate ay narinig ko na ang sigaw ni Papa.

"Ria!"

Para akong tinakasan ng bait nang makita ang ina na tila tumigil na ang paghinga.

Agad namin itong isinugod sa ospital.

Ngunit huli na.

Masyado kaming nakampante. Ang akala nami'y maayos na ang lahat. Hindi manlang namin naisip na posible pa ring mangyari ito.

Ang maliwanag na langit sa mga nagdaang araw ay sumobra ang dilim ngayon. Wala na akong nakikita. Puro itim.

Gumuho ang mundo ni Papa, kaya wala akong choice kun'di gumalaw. Para akong robot. Kumikilos ang katawan ko, pero walang nararamdaman. Namanhid na sa sunod-sunod na suntok ng mundo.

Kami nalang ni Papa at ni Tito Anton ang natira nang matapos ang libing ni Mama.

"Tito, mauna na po kayo ni Papa. Patulugin mo po muna." Seryosong sabi ko kay Tito habang nakatingin sa namumutlang ama.

Hindi pa nagsasalita si Papa mula nang iwan kami ni Mama. Gumagalaw lang ang katawan nito pero tila ba namatay na rin ang kaluluwa.

Tumango si Tito. "Babalikan kita." Sabi nito bago alalayan ang kapatid.

"Ma, ano na po ang gagawin ko?" Bulong ko habang hinahaplos ang lupa na itinabon sa ina. "Yakapin mo naman ako Ma."

"I'm... sorry..."

Agad tumulo ang luha ko nang marinig ang boses ni Kalix. Tuloy tuloy ang mga ito, tila naipon.

Pinunasan ko muna ang mukha bago tumayo at humarap sa kaniya. Halo halo ang naramdaman ko nang nakita ang mga mata nito.

"Kamusta si Senyora?" Agad kong tanong rito.

"She's fine now."

Tumango ako. Nabunutan ng isang tinik sa dibdib.

"Did you... already eat? You look so pale." Seryosong sabi nito.

Malungkot akong ngumiti bago mag-iwas ng tingin. 'Wag mo nang pahirapin 'to, please lang.

"Galit ka dapat sa'kin Kalix."

Saglit itong tumawa, na tila ba may nakakatawa sa sinabi ko. "Sa tingin mo ba kaya ko, Ysa." Napatingin ako rito. "Galit na galit ako sa pamilya mo, pero sayo..." Marahan itong umiling. "I just... can't."

Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa nagbabanta nanamang mga luha. "Magalit ka Kalix." Matigas kong sabi pero halos magmakaawa na ang loob ko. Parang awa mo na magalit ka nalang.

"Come on, let's eat." Sabi nito sinusubukang abutin ang kamay ko.

Agad akong umiwas. Dumaan ang sakit sa mga mata nito. Nadepina iyon lalo nang umiling ako. "We shouldn't be like this."

Dumilim ang itsura nito, sakit at takot ang nakita ko, na agad ring itinago.

"Aalis na 'ko."

Hinawakan nito ang braso ko nang akmang lalagpasan siya. "I'll take you home."

Agad ko ring binawi ang braso. Huminga ng malalim bago humarap ulit dito. "Hindi mo ba naiintindihan. Hindi pwede Kalix."

Nag igting ang panga nito. "Then what do you want me to do." Puno ng frustration na sabi nito.

"'Wag ka nang lalapit sa'kin... kahit kailan." Papahina kong sabi. Hindi makatingin sa kaniya.

Lumapit ito. Hinawakan ang braso ko nang makitang aatras. "I'm in love with you, Ysa."

Agad akong napatingin rito, nanlambot ang mga tuhod sa nakitang kahinaan sa mga mata.

Kinagat nito ang pang-ibabang labi bago magpatuloy. "Ibibigay ko sayo lahat... 'wag lang 'yan."

Umiling ako. Hindi makapaniwala sa narinig. Hindi pwede Kalix. Hindi pwedeng mahal mo na 'ko.

Pumikit ako nang mariin bago kumawala sa hawak niya.

"Sinaktan ako ng pamilya mo!" Sigaw ko pinipilit galitin ang sarili. "Sinaktan nila ako Kalix, at lalo lang akong masasaktan kung lagi kitang makikita. Lagi ko 'yong maaalala kung lagi kong makikita 'yang mukha mo!" Buong buo kong sinabi kahit na iba ang isinisigaw sa loob.

Magkakasakitan kayo ng pamilya mo kung hindi mo ako lalayuan.

"Kaya 'wag ka nang lalapit sa'kin ulit." Dugtong ko halos kurutin ang sarili para mabuo ang pangungusap.

Agad kumirot ang dibdib ko nang humakbang ito ng isang beses palayo. Parang napaso. Dahan dahang tumango habang nakatingin sa baba. "Kung iyon ang gusto mo... then... I promise." Seryosong sabi nito bago ako iwan roon.

Nag-unahan ang mga luha ko nang makalayo si Kalix. Ayaw nilang maubos.

Ganyan nga Kalix. Manatili kang malayo. Bumalik tayo sa lugar natin para hindi ka mahirapan.

Para akong nauupos na kandilang napaupo. Sa pag-alis niya'y parang iniwan na rin ako ng sariling puso.

Pagmamahal. Ano nga ba'ng magagawa no'n? Ano ba'ng magandang dulot no'n? Bakit ba andaming naghahanap no'n?

Mahal ng mga magulang ko ang isa't isa, at puro hirap ang dinanas nila dahil do'n. Mahal ni Lolo si Ursula at napakapangit nang naging bunga noon.

Kulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos.

Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil takot akong maubos ang sarili. Kun'di dahil takot akong maubos ka.

Manatili ka sa itaas, Kalix. 'Wag kang bumaba sa lebel ko. Madudungisan ka rito... sa lupa. 

SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon