Bumalik lang ako sa loob nang marinig na paalis na ang mga bisita. Agad naman akong nakonsensya nang makita kung gaano karaming hugasin ang nasa banggerahan, kaya roon ako dumiretso.
Pumasok naman si Nana at ang isa pang kasambahay bitbit ang mga hugasing galing sa hapag.
Pabuka pa lang ang bibig ko para humingi ng paumahin sa dalawa ay naunahan na ako ni Nana.
"Ysa, kami na riyan at gabi na, umuwi ka na." Sabi nito habang lumalapit sa akin. "Binasa mo pa 'yang sugat mo, hala sige, uwi na at iuwi mo rin ang gasa, palitan mo 'yan bago ka matulog. Sandali at ipagbabalot kita ng pagkain at tatawagan ko ang isang driver, ipahahatid kita, mahirap na."
Hindi ko pa sana susundin si Nana kung hindi lang pumasok si Kalix sa kusina.
"I'll drive her home." Sabi nito kay Nana na hindi manlang lumingon at abala sa pagbabalot ng pagkain.
Dali dali naman akong naghugas ng kamay at nagtungo sa maid's room para kuhanin ang bag. Sumunod naman sa'kin si Nana at agad isiniksik sa loob ang balot na balot na pagkain.
Nang makapag pasalamat ay dire-diretso na ako sa labas. Tahimik naman siyang sumunod.
Nang makalabas sa gate ay naroon na ang hummer ngunit hindi ako sumakay at patuloy na naglakad.
"I'll take you home." Seryosong sabi nito pagkatapos humarang sa daan.
Nilagpasan ko siya, ngunit bago pa ako makalayo ay agad na ako nitong pinigilan sa braso.
"Don't be stubborn, it's dark already."
Binawi ko ang braso at bumalik sa guard house para sana tanungin kung libre ba ang isa pang driver gaya ng sabi ni Nana. Ngunit ang tingin ni Kuyang guard ay lumagpas sa akin.
"Get in."
Gusto ko sana siyang tingnan nang masama ngunit natatakot akong iba ang makita niya roon. Nilagpasan ko siya at kusang sumakay sa sasakyan.
Ramdam ko ang pagmamasid niya nang sumakay at habang nagdadrive. Diretso lang ang tingin ko sa daan.
Nang hindi siguro nakatiis ay nagsalita ito.
"Are you... okay?"
Imbis na sumagot ay sa bintana ko naman itunuon ang pansin.
"Are you mad?"
Iyon ng huli niyang sinabi hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Bababa na sana ako ngunit ayaw bumukas ng pinto ng sasakyan.
Nang tingnan ko siya ay mariin itong nakatingin sa akin. Bumaling sa harap bago muling ibalik sa akin ang tingin.
"What's wrong?"
"Buksan mo." Matigas kong sabi. Nagulat rin ako sa lamig sa boses ko.
Napakurap kurap ito. "Talk to me first."
Hindi ko pa rin siya tinitingnan. "Wala akong sasabihin."
"Really? You're treating me like air tapos wala kang sasabihin?"
"Pa'no pala dapat kita tratuhin?"
Sa gilid ng mata ko'y kita kong kalahati na ng katawan niya ang humarap sa akin. "Hey, look at me." Hindi ko siya sinunod. "Okay, you look really happy yesterday playing with that boy and now-"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil siguro sa biglaan kong pagbaling sa kaniya. "Ano?"
"Oh, now you're interested." Sabi niya sa tonong nang iinis, o... naiinis?
"Una sa lahat, hindi ako nakikipaglaro kay Karl, nagtatrabaho ako. Ikaw nga ang kung ano anong nilalaro mo. Pati damdamin ng ibang tao pinaglalaruan mo." Tuloy tuloy kong sabi.
Ang nang aakusang tingin kanina ay napalitan ng gulat at... takot?
Nang humikbi ako ay saka ko lang naintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya. Eto nanaman ang mga luhang hindi ko alam kung saan nanggaling.
He leaned closer. Ang isang kamay ay nasa back rest ng upuan ko habang ang isa'y nasa dashboard ng sasakyan. "Baby... just... tell me what's wrong."
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi dahil ayaw tumigil ng mga luha.
Nakayuko ako, kinahihiya ang panibagong kahinaang nakikita niya. Itinaas niya ang ulo ko. Hindi ko tinangkang tingnan siya.
Marahan niyang pinunasan ang mga luha ngunit lalo lang itong dumami.
Umiling ako. "Tama na... Hindi ko na kaya."
"Alin?" Napakarahan ng boses niya kahit na mahihimigan mo pa rin ang frustration rito, tila takot na makarinig ako ng kahit konting rahas.
Pumikit ako. Nang dumilat ay diretsong tumingin sa mga mata niya na lalo yatang naging problemado dahil sa pagtingin ko.
"Masyado kang mabait... sakin. Hindi ko maintindihan. Kung... pinaglalaruan mo lang ako, please lang-"
"Baby." Lalo pa siyang lumapit. Tila ba hindi ko maririnig ang sasabihin niya kahit na halos hindi ko na alam kung kaninong pintig ng puso ba ang naririnig ko sa lapit namin. "They are Lola's biggest shareholder. They often visit, and Lola told us to be friend with Niana."
"Be friend? Nagpapatawa ka ba."
"Hindi nila 'ko pwedeng diktahan kung sinong mamahalin ko."
Nag iwas ako ng tingin dahil kahit ganoon, buo sa isip ko kung anong klaseng babae ang bagay kay Kalix.
"Ysabella."
Napapikit ako. Hindi ko man aminin pero gustong gusto ko kapag tinatawag niya akong Ysabella.
Gumalaw ako para lumayo kahit na wala namang naitulong iyon dahil naka sandal na ako sa pinto ng kotse.
"Damn baby... I'd kill to see you this jealous." Napatingin ako. Ngumiti siya.
"Hindi-"
Hindi ko natuloy ang pagprotesta dahil alam ko sa sarili ko na tama siya. Kaya ako ganito dahil nilalamon ako ng selos. Selos sa maraming bagay.
Hindi na ako nakapagsalita at tiningnan na lamang siya. Palipat lipat ang mga mata niya sa dalawang mata ko. Kalauna'y bumaba sa ilong, hanggang sa makarating sa labi.
Nagtagal ang tingin niya roon at habang tumatagal ay dumidilim rin ang itsura niya.
Lumunok ito bago nag iwas ng tingin at lumayo. Kinagat ang sariling labi nang buksan ang lock ng sasakyan.
Nang tingnan ako nito'y muling bumaba ang tingin niya sa labi ko. Pumikit ito nang mariin bago ibalik sa mata ko ang tingin.
"Baby don't make this hard for me, close your mouth." Sinabi niya iyon sa tonong problemado.
Agad ko nang isinarado ang bibig at nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Nang makababa ay parang noon ko lang nakilala ang hangin.
Nagulat ako dahil bumaba rin siya. Magsasalita sana ako ngunit naunahan niya ako.
"I'll just treat your wound before I leave."
"Hindi na kailangan, kaya ko na." Sabi ko habang umiiling.
"Why are you this stubborn?"
Hindi na ako sumagot at dumiretso na sa gate.
BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...