Kabanata 36

42 3 0
                                    

Hanggang matapos ang hapunan ay walang bukambibig si Lolo kun'di ang pagrereto nito kay Kalix na hindi naman umiimik at puro ngiti lang ang isinasagot.

"May girlfriend si Kalix Lo. Nag lunch date nga sila kanina." Minsa'y sabi ko nang hindi na makapagpigil. Pinipilit itago ang pait sa boses.

"Jessica? She's the daughter of a long term client. May inaasikaso kaming transaksyon kaya kami nag meeting kanina." Maaliwalas ang mukhang sagot ni Kalix. Tila naaaliw sa nakikita. "And I don't have a girlfriend." Dagdag pa nito, hindi na naitago ang ngiti.

"Ayon naman pala Apo, wala ka dapat ipagselos."

Agad kong pinanlakihan ng mata si Lolo dahil sa biro nito.

Kinabukasan ay maaga akong inihatid ni Tito dahil may meeting sila ni Papa sa Manila. Ang sabi ko nga'y magcocommute na lang ako dahil ayaw nila akong payagang magmaneho sa ganito kalayo, pero hindi pa rin sang ayon ang mga ito. Lalo na't naka dress ako ngayon.

Ano pa nga bang aasahan sa tatlong matatandang lalaking 'to kun'di maging strikto sa nag-iisang babae. Bukod kay Papa ay masasabi kong mahigpit si Tito Anton. Samantalang ang Lolo ko naman ay bili ng bili ng mga dresses na hindi ko naman naisusuot. Ang sabi pa nito'y dapat raw makita ng lahat ang ganda ng apo niya. Agad akong nangiti nang maalala ito.

Isang red sheath dress ang suot ko ngayon na pinatungan ng white blazer para mas pormal tingnan. Muli kong itinaas ang buhok sa isang high ponytail at nagsuot ng three inches ankle strap stiletto para madagdagan ang taas.

Dire diretso akong naupo sa pwesto dahil siguradong wala pa si Kalix sa opisina nito, pero napatayo ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto.

Agad ako nitong ininspeksyon, pagkaraan ay tumaas ang isang kilay at nagpigil ng ngiti. "You're early." Sabi nito nang itaas na ang tingin sa'kin, mukha ko naman ang ininspeksyon.

"I-ikaw rin." Utal ko dahil sa pagka-ilang.

Hindi na nito naitago ang ngiti nang lumapit. "Are you ready?"

Kahit nag-aalinlangan ay tumango ako.

"We'll meet your biggest partners, as well as, your long term clients. Ipapakilala kita bilang Apo ni Don Antonio. You're too young and alam nilang wala ka pang experience, pero mas magandang prepared ka sa mga posibleng itanong."

Agad akong kinabahan sa sinabi nito pero hindi ako nagpahalata. Alam ko na binabasa nito ang nararamdaman, base sa pagkakatingin nito sa mga mata ko.

"Why are... your eyes like that?" Puno nang kuryosong tanong nito matapos akong saglit na pagmasdan.

"Huh?"

"You might look fragile but... your eyes... they're always firm. How can it be so powerful... and angelic at the same time." Nanghihinang sabi nito, tila nalulunod sa tinitingnan.

Hindi na maalis sa utak ko ang sinabi niyang iyon kahit na papunta na kami sa conference room. Hindi ko tuloy maalala ang mga inaral ko. Nagdadalawang isip na ako kung makakatulong ba talaga sa'kin si Kalix bilang mentor. Parang lagi akong makakalimot 'pag kasama ko siya.

Dire-diretso ang pasok namin. Agad namang nagsitayuan ang mga naroon. Nagulat pa ako dahil kami na lang ang inaantay, akala ko pa nama'y maaga pa. Halos lahat sila'y bumati at tumango sa gawi namin. Pumwesto si Kalix sa sentro habang ako'y tumabi sa kanan niya. Sa gilid ko'y isang ginang ang ngumiti nang matamis sa akin. Saglit naman akong yumuko bilang pag galang rito.

"Before we start, I want to introduce to you. Ms. Maria Ysabella Mondragon, grand daughter of Don Antonio Mondragon."

Nagpalakpakan ang mga naroon pagkatapos magsalita ni Kalix.

SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon