Agad akong humalik sa pisngi ng Lolo. Naabutan ko ito sa pinagawang veranda sa taas. Mayroon ritong sofa set at isang center table.
"Si Tito po?" Tanong ko habang umuupo sa tabi nito.
"Lumabas. Pero siguradong babalik iyon dahil may parating tayong bisita."
"Hmm, 'yan yung nirereto mo sa'kin 'no." Biro ko rito nang maalala ang pangungulit nito kagabi.
"Oo, tiyak na magugustuhan mo." Taas noong deklara nito.
"Ay wow! 'Wag masyadong confident Lo." Sabi ko bago tumayo. "Ayusin ko lang yung kwarto Lo. Iniwan ko nga palang magulo 'yon nung isang araw pa."
"Ipaayos mo nalang kay Sita." Pahabol nito, tinutukoy ang Mayor doma.
"Ako na ho." Sigaw ko pabalik. "Magpapaganda rin ako para d'yan sa nirereto niyo." Dagdag na biro ko rito.
Habang pinapalitan ko ang bed sheet ay narinig ko na ang pagbukas ng gate hudyat na may dumating na sasakyan.
Nang matapos sa ginagawa ay tiningnan ko ang sarili sa salamin. Kung may nagbago man sa itsura ko'y medyo nagkalaman na ako ng konti. Lalo sa bandang dibdib at likuran. Ang mahabang buhok ay ganoon pa rin ngunit mas maigsi ang nasa harapan nito, papahaba sa likod. V-shape raw ang tawag sa gupit na 'to sabi ng parlorista.
Hindi na ako nagpalit ng damit. Maayos namang tingnan ang puting semi crop top shirt at highwaist mom jeans na medyo kupas na. Nagpabango lang ako bago lumabas.
"O ayan na pala yung Apo ko na nagpaganda pa." Sabi ng nakatayong si Lolo.
Pabiro ko namang isinimangot ang mukha sa sinabi nito. Si Lolo talaga, nakakahiya.
Ngunit unti-unting naglaho ang biro sa mukha ko nang tumayo at humarap sa akin ang may katandaang babae.
"Senyora." Mahinang tawag ko rito.
Nanginig ang kamay ko nang dumako ang mga mata ko sa lalaking nakaupo patalikod sa'kin. Malinis ang gupit nito, hindi gaya ng dati na may kahabaan palagi ang buhok. Pero sa tikas pa lang, hindi ako pwedeng magkamali.
Halos manlambot ang tuhod ko nang dahan-dahan itong tumayo at humarap.
Seryosong mukha ang ibinungad niya sa akin. Madilim ang awra at tila ba hindi nasisiyahan sa pagpunta rito.
Yakap ni Senyora ang nagpabalik sa wisyo ko. "Ysa, I'm so sorry." Masuyong sabi nito na hindi ko halos maproseso dahil nanatili ang mga mata ko sa Apo nito.
"I'll go now." Tamad na sabi nito kasabay nang pagbitiw ng tingin. Nilingon nito ang Lolo at tumango rito bago lumakad.
"Kal, why don't you... stay for a while." Pigil ni Senyora rito nang tumapat sa'min.
Sa akin nakadireta ang blangkong mga mata nito. Nag-iwas nang tingin bago sumagot. "I rather leave."
Nang lumagpas ito sa amin ay saka ko lang pinakawalan ang hiningang ilang segundo ko atang pinigil.
"Let's talk, Iha." Nang magsalita si Senyora ay saka lang ako napatingin dito.
Marahan akong ngumiti bago tumango.
Humingi ng tawad si Senyora at ipinaliwanag ang naging reaksyon. Matagal na 'yon at ayoko ring alalahanin madalas pero hindi ko maipagkakailang gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi nito. Parang may naalis na malaking batong nakadagan sa dibdib ko.
Masaya na ang naging kwentuhan pagkatapos. Dumating rin si Papa at Tito Anton. Puro tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan nila kaya madalang lang akong sumagot.
"How about you, Ysa. Are you still studying?" Tanong ng Senyora nang magawi sa akin ang tingin.
Umiling ako. "Hindi na po."
"Then you'll definitely work in your company."
Ngiti lang ang naisagot ko dahil wala pa naman akong siguradong plano.
"Of course! She's our only heiress. Depende na lang kung mag-aasawa pa itong bunso ko. Tatanda na atang binata." Sabi nito, pabulong ang huling kataga ngunit narinig pa rin namin.
Agad naman ang naging tawanan dahil doon.
"Pa! I'm still young." Depensang sagot naman ni Tito Anton.
Hanggang makatapos sa pagkain ay nakangiti ata ako. Nakakatuwang makita na nakakaya pa ring ngumiti nang malalakas na taong 'to. Hindi alintana ang sakit sa nakaraan.
"Uh... ihahatid ko nalang po kayo." Pagpepresinta ko sa Senyora nang akmang tatawag pa ito nang susundo.
Agad namang nagliwanag ang mukha nito. "Hindi ko 'yan tatanggihan. Salamat."
Marami pa ring kwento ang Senyora habang nasa daan, kaya naman hindi ko manlang naisip na malamang ay naroon si Kalix.
Itinapat ko ang Senyora sa mismong harap ng mansyon.
"Uh... hindi na po ako bababa Senyora. Mauna na rin po-"
"Hindi mo manlang kukumustahin si Pise? Andyan rin si Tina at Clodet? Nako baka busy ka, pasensya na hindi ko manlang naisip." Malungkot na sabi nito.
"Uh, hindi naman po. Oo nga naman, buti nalang po ipinaalala niyo." Sabi ko habang bumababa.
Malaki ang ngiti nito nang muli kong tingnan. "Let's go." Sabi nito, nauna nang pumasok sa loob.
Walang nagbago sa mansyon, mukha pa ring bago ang labas at loob nito.
Agad akong sinalubong ng yakap ni Clodet na parang matagal na kaming hindi nagkikita kahit na magkasama kami kahapon. Nginitian lang ako ni Aling Tina nang magmano ako rito. Nang lumabas si Nana Pise ay agad ko itong niyakap.
"Nana." Malambing kong tawag rito.
Nang kumawala ay hinaplos nito ang pisngi ko. "Welcome back, Ysa." Marahang sabi nito.
Matapos ang ilang kumustahan ay nagpaalam na rin ako. "Mauna na rin po ako."
"Antayin mo na ang meryenda, Iha. Wala kasi akong kasama, wala manlang akong makakwentuhan." Malungkot na sabi nito.
Nang marinig na wala naman siyang ibang kasama ay agad akong tumango. Isang tao lang naman ang iniiwasan kong makasalamuha. At kung ano man ang dahilan ko'y hindi ko rin alam.
Sa pool kami tumambay ng Senyora na hindi yata nauubusan ng kwento. Natigil lang ito nang tawagin ni Aling Tina dahil sa isang tawag sa telepono.
Naiwan akong mag-isa roon at parang napapaso inalis ang mga mata sa isang gawi. Nag-uunahan ang mga ala-ala sa utak ko ngunit palagi'y nauuwi sa isang eksena. Nakagat ko ang pang-ibabang labi.
"What are you doing here?" Matigas na tanong ni Kalix.
Napatayo ako sa gulat. "U-uh..."
Napakurap-kurap ako nang lumapit ito. Aatras sana ako ngunit lamesa na ang nasa likod ko.
Tumigil lang ito sa paglapit nang mahawakan na niya ang mesa. Ipinantay nito ang mukha sa akin. Nahugot ko ang paghinga sa lapit naming dalawa.
"Akala ko ba masasaktan ka? Sabi mo 'wag na kong lalapit... kahit kailan. Sabi mo lumayo ako diba. Bakit ka nandito ngayon, huh? Dapat nagtago ka na kanina nang umalis ako." Tuloy tuloy na sabi nito. Diretsong nakatingin sa mga mata ko. May panganib roon. May gulo. Pero bakit parang gustong gusto kong pasukin ang gulong 'yon. "Dapat tumakbo ka na palayo, Ysabella."
Napapikit ako sa rahan nang pagkakabanggit nito sa pangalan ko.
"Layo, Kalix." Bulong ko sa napapaos na boses.
"Tangina, hanggang ngayon 'yan pa rin ang bukambibig mo." Mahinang sabi nito sa tonong nang-iinis.
BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...