"I'm trying to be reasonable, Ysabella. I'm trying to show you that I can also be mature like a thirty-year old man." Dahan-dahan sabi nito. "But fuck... I'm losing it. Sa tuwing makikita kita, naaalala ko kung paano mo ngitian si Mr. Buenaventura habang inerereto nito ang anak sayo." Pagpapatuloy nito, may diin ang bawat salita.
Halos mapanganga ako nang mapagtanto kung ano ang ikinaiinis nito. Nagseselos siya... sa taong hindi ko pa nakikita? Ibang klase.
Biglang nagbago ang tingin ko rito. Hindi na isang leon, kun'di isang batang nagmamaktol. Pilit kong pinigilan ang ngiti sa naisip.
"Pa'no mo nagawang magselos sa hindi ko pa nakikita, Kalix?" Hindi ko alam kung saan nagmula ang suyo sa boses ko.
Lalo namang gumulo ang itsura nito. Tila nalito na rin sa pinoproblema niya. Nakakunot ang noo nito at halos humaba ang nguso.
Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang ngiti. Hindi pa rin makapaniwala na nagkakaganito siya dahil lang roon.
"He's your Lolo's friend... he'll like him... more." Nag-aalinlangang sabi nito, malikot ang mga mata.
Pero ikaw ang gusto ko.
Napakurap-kurap ako sa isinagot ng isip. Agad akong umatras. Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon nito. Dumaan ang gulat at lito sa mga mata.
Parang lumala ang takot ko. Kahit sa sarili'y ayaw nang aminin ang nararamdaman.
"I'll... go now." Paalam ko, hindi makatingin dito.
Bumukas ang bibig nito, pagkaraa'y sumara rin.
Agad na akong naglakad palabas. Pero hindi ko pa nabubuksan ang pinto ay may humila na sa braso ko paharap.
Napigil ko ang paghinga ng halos tumama ako sa dibdib ni Kalix.
"Can you also... give me a chance?" Bulong nito. Hindi ko nakikita ang mukha dahil ayokong tumingala pero sa boses pa lang ay mararamdaman mo na ang kaseryosohan.
Agad akong napapikit at umiling. Hindi pwede Kalix. Hindi pwedeng ganito ka pa rin hanggang ngayon. Hindi yata kakayanin ng konsensya ko ang mga sinabi ko sayo dati, kung ganito ka pala kaseryoso.
"Are you still... afraid of my... family?" Nag-aalinlangang sabi nito. "Maayos na ang lahat, Ysabella. Pero pwede tayong... lumayo kung gusto mo."
Agad akong tumingala rito. Hindi makapaniwala sa narinig. Ilang beses akong umiling bago magsalita. "Hindi mo... gagawin 'yon Kalix."
Ngumiti ito ngunit hindi umabot sa mga mata. "Walang pag-aalinlangan... kung kasama ka, Ysa. Noon pa lang. Kayang kaya kong talikuran lahat."
Muli akong umiling. "Umalis ka, pumunta ka ng America diba-"
"Sa tingin mo ba titigilan kita 'kung nasa malapit lang ako... Hindi ako ganoon kalakas, Ysabella."
"Ah, kaya pala kasama mo si Niana? Wag mong pagmukaing nagdusa ka-"
"Niana? Sa nalaman kong ginawa niya sayo, muntik ko nang makalimutang babae siya." Sarkastiko itong tumawa. "Now you're telling me that I'm with her when I left?"
Hindi ako nakapagsalita. Ang sarap atang sabunutan ni Clodet sa pagkakataong 'to.
Isang katok ang nagligtas sa akin mula sa sitwasyong iyon.
Gusto kong yakapin ang bumungad sa aming si Tito.
"Are you... both okay?" Tanong nito, marahil ay naramdaman rin ang tensyon roon. "Anyway, kukunin ko na si Ysa. Senyora is inviting us tonight. Umuwi ka na rin ng maaga Kalix."

BINABASA MO ANG
Sky
RomanceKulang. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi iyon pwedeng maging sandata. Dahil puso ang ginagamit na espada ng pag-ibig. At sa bawat hiwa na matatamo nito, darating ang araw na hihinto ang tibok. Mauubos. Kaya hindi ako lalaban, hindi dahil tako...