TRISHA MEI
It's been months magmula nung nangyari iyon. Hindi naman siya madaling kalimutan pero dapat kayanin ko. Hindi naman pwedeng siya nalang lagi ang iniisip ko.
Nasa bagong school na ako ngayon pero wala parin akong nararamdamang presensya ni Rhylie at David. Paniguradong late nanaman iyon. Orientation Program ngayon kaya sa Student Hall muna kami.
Ang dami namang tao dito. Makapaghanap nga muna ng mauupuan.
Nandito na rin sina Rhylie at David pero nasa harapan ko sila nakaupo. May umupo kasing dalawang lalaki dito sa gilid ko na dapat ay kay Rhylie at David iyon.
Sina David at Rhylie, matagal ko ng mga kaibigan yan. Mula Junior High pa.
Nagsimula na ang Orientation at tong mga tumabi sa akin puro phone ang inaatupag.
Tumingin sa akin sina David at Rhylie at tinanong kung okay lang ako sa pwesto ko. Umoo nalang ako.
"Grabe ang dami naman palang students dito sa school na to." sabi ni Rhylie sa amin nung makalabas na kami sa hall.
"Nagtanong ka pa. Malamang University to diba?" sabi naman ni David sakanya.
"Pero infairness, ang ggwapo ng mga students dito! Jackpot!!!" sabi ni Rhylie at tinignan lang namin siya ni David.
"Umagang kay landi naman talaga." pambabara ni David sakanya.
"Che! Tara na nga. Sana First floor yung room natin no?" sabi ni Rhylie at nagsimula na kaming maglakad patungo sa Senior High building.
"Grabe ang lawak naman talaga." Manghang sabi ko dahil kitang kita ang oval dito sa building namin.
"Mga Tech-Voc raw tong mga nasa first floor eh." sabi ni David sa amin kaya napunta na kami sa second floor.
"Shocks, ABM at HUMSS dito sa second floor." sabi naman ni Rhylie.
"Omg. Don't tell me sa third floor pa ang STEM?!" Sabi ko sakanila. Shuta naman oh. Paano na pag nalate ako? Edi mataas pa ang aakyatin ko? Aaaaaaaaaaaaa!!!!
"Bingo! Room 306 tayo." Sabi ni David at pumasok na kami sa room. Kami kami palang naman dito sa room kaya kami muna ang magkakatabi.
"May dinala ba kayong papel o notebook ngayon?" tanong ni Rhylie sa amin.
"Oo naman. Bakit?" sabi naman namin ni David.
"Pota. Ballpen lang ang dinala ko ngayon. HAHAHA." sabi niya. Nako kahit kailan talaga.
"Bahala ka jan. Pag nagkataong marami silang ipapasulat ngayon, yari ka." Pangaasar naman ni David sakanya.
"Tanga! Pwede namang humingi ng papel eh!" sumbat naman ni Rhylie. Tong dalawang to talaga. Hays.
Biglang may apat na lalaking pumasok sa classroom namin. Napatingin ako sa kanila. Anong meron? Bakit naka All black lahat sila? Hahaha.
Napansin ko na yung dalawang katabi ko kanina sa student hall ay yung mga iyon. Pero hindi ko kilala yung dalawa. Pero shuta?? Classmate ko sila??
"Oh diba yan yung mga katabi mo kanina, Rish?" tanong sakin ni David.
"Oo. Potek nakakahiya. Akala ko hindi ko na sila makikita." sabi ko sakanila at tumawa lang silang dalawa. Mga ogag.
BINABASA MO ANG
FALL IN YOU • TREASURE
FanfictionA story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: September 09, 2021 hyukcrates • 2021