ART
Hindi pa ako nagsisimula pero parang natalo na ako. Hindi ko pa nasasabi, parang wala ng pagkakataon. Oh well, kasalanan ko rin naman.
Nandito kami ngayon sa court. Nanood ng game nina Kevin at Justin. Si Trisha, kasama sina Rhylie, David at yung dalawang kakakilala niya. Sina John at Sam. Naguusap naman kami dito ni Travis.
"Wala ka ba talagang gagawin?" tanong niya sa akin.
"Hindi ko na alam. Bakit ba kasi ang torpe ko? Haha." sagot ko nalang.
"Pero totoo? Hahayaan mo nalang?" sabi niya sa akin. Ano pa nga bang magagawa ko?
"Is it too soon for you to give up?" sabi niya. Oo nga no? But I really value our friendship kaya di ko magawang umamin sakanya.
Narinig namin yung sinabi ni Rhylie.
"Shet???? As in????? Sinabi niya ng harap harapan???? Straight forward??????" pagkasabi ni Rhylie, napatingin kami sakanya.
So I guess Jun told her that he likes her?
"Paano na?" tanong ni Travis sa akin. Hindi nalang ako umimik.
Habang nanonood kami ng game nina Kevin nabigla kami nung sumigaw si Trisha.
"HOY NUMBER 14! GALINGAN MO!!!"
Tinignan ko naman kung sino yung naka jersey number 14. Si Jun.
Niloloko naman siya nung dalawang kasama niya, pati na rin sina Rhylie.
"Cheerer naman pala." pang aasar sa kanya ni Travis.
"Icheer mo pa siya, Trisha. Para manalo na yung senior high." sabi ko.
Isa lang ang alam kong nararamdaman ko ngayon. Nagseselos ako.
TRISHA MEI
Natapos na ang game nina Kevin, Justin at Jun. Lumapit naman kami sa kanila. Sina Sam at John naman, kay Jun lumapit.
"Galing natin ah??" sabi ko kina Kevin at Justin.
"Mas magaling yun." sabi nilang dalawa at tinuro si Jun. Luh.
"Astig ka Trisha ah? 'HOY NUMBER 14! GALINGAN MO!'" sabi ni Justin sa akin. Nang asar pa!! Ginaya gaya pa yung boses ko.
"Sa ginawa mong yun edi ganado nanaman si Jun kanina. Ayos." sabi ni Kevin.
"Kaming kaibigan mo di mo man lang nicheer." sabi ni Justin. Loh nangonsensya paaaaa!
"Teka lang ah?" paalam ko sakanila at lumapit kay Jun.
"Congrats." sabi ko sakanya.
"Yieeeee!!!" pang aasar nung dalawa sa akin.
"Kumusta naman yung pagsigaw ni Trisha kanina, Jun?" tanong ni Jun.
"Sira talaga kayo. Uuwi na ba kayo?" tanong niya sa akin.
"Hindi pa. Manonood muna kami ng game ni Travis." sabi ko sakanya.
"Ganun ba?" sabi niya. Tumango naman ako.
"Sige una na kami. Bye~" pagpapaalam ko sakanila at bumalik na ako sa mga tropa ko. Yung mga mukha naman nila, mapang asar.
BINABASA MO ANG
FALL IN YOU • TREASURE
FanfictionA story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: September 09, 2021 hyukcrates • 2021