CHAPTER TWO

59 19 0
                                    

TRISHA MEI

Ikalawang araw na ngayon at naglalakad na ako papunta sa building namin. Ang aga pa pero mas okay na to kesa naman nasa bahay pa ako. Tss.



6 am palang kaya wala pa masyadong tao dito sa university. Medyo binagalan ko lang ang maglakad at tumingin tingin ako sa paligid. Ang ganda talaga ng school na to grabe. Dito na rin kaya ako magc-college? Haha.



"Trisha!" rinig kong sigaw nung nasa likod ko. Huh? Ang aga naman nito?



"Kevin?" sabi ko naman habang papalapit siya.



"Ang aga mo naman?" tanong niya. Hingal na hingal pa dahil natakbo.



"Wala naman. Trip ko lang haha." sabi ko. "Nga pala, bat may gitara ka?" tanong ko.



"Di mo ba ako nakita kahapon? Kami yung banda na nagperform nung orientation." sabi niya.



"Oh? Hala di kita namukhaan. Haha. Gitarista naman pala. Sana all!" sabi naman niya.



"Basic lang naman eh. Di mo ba alam?" tanong niya. Aba? Napakamayabang naman neto ah? Niloloko ba ako neto?



"Sa tingin mo? Tss." pinagtaasan ko siya ng mata. "Malamang hindi." pagpapatuloy ko naman.



"Eh anong talent mo?" tanong niya.



"Aba interesado ka na sa akin ah?" pagbibiro ko naman.



"Ang assuming mo naman pala hahaha. Tinatanong lang eh." sabi niya at natawa.



"Sabi ko nga. Hmm. Hilig ko lang magdrawing tapos kumanta." sabi ko.



"Try mo kaya sumali sa banda namin? Vocalist." pagaaya niya. Huh? Ako? Sasali? Nako Kevin, bad idea yan. Hahaha.



"Ayoko. Baka ako lang ang magiging problema don haha." sabi ko sakanya. Mahirap na no. Baka mapahiya pa ako pag napiyok ako.



"Okay. Sabi mo eh." sabi niya. Nasa classroom na kami ngayon at iilan palang kami dito. Tong si Kevin, tumabi muna sa akin. Wala pa naman yung mga kaibigan niya.



"Nga pala. Yung mga kaibigan mo, hindi pa ba papasok?" tanong ko sakanya.



"Sina Justin? Papunta na ata yun eh." sagot niya sa akin.



"Eh yung dalawa?" tanong ko.



"Sina Art at Travis? Papunta na rin. Bakit?"



"Ah. Wala lang hehe." Sabi ko nalang.



"Ehem ano to?" bigla akong nagulat nung marinig ko yung boses ni Rhylie. Tatayo na sana si Kevin pero nagsalita si Rhylie.



"Uy wag na. Diyan ka nalang. Wala pa naman tayong seating arrangement eh." Sabi ni David.



"Ah, Kevin sila pala yung mga kaibigan ko." sabi ko kay Kevin. "Magpakilala kayo." bulong ko sa dalawa.



"Hi, ako si Rhylie." pagpapakilala niya. Sumunod naman ni David. "I'm David. Nice to meet you."



"I'm Kevin. Nice to meet you too."



Nakipagkwentuhan muna kami kay Kevin. Matagal na pala siya dito sa University? Kaya pala may banda na sila agad.



"Hi guys!" Bati nung kararating na Justin. "Hello, Trisha!" bati niya sa akin.



FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon