DAVID
"David, magkasama nanaman sila." sabi ni Luna sa akin.
"Bakit kasi di mo pa sinabi? Matagal na diba?" sabi naman ni Ash.
"Ang torpe mo naman." sabi ni Kyle.
"Hoy, hindi madali yang sitwasyon niya." sabi naman ni Belle. Tama.
Bakit ganyan ang sinasabi nila? Alam kasi nila. Alam nilang gusto ko si Rhylie. Sakanila lang ako naglakas loob sabihin ang totoong nararamdaman ko.
"Bakit ang tahimik mo?" tanong sa akin ni Luna. Ilang araw palang kaming magkakakilala.
"Wala. Namimiss ko lang mga kaibigan ko." sabi ko sakanya.
"Tapos pag nakikita mo lang yung Rhylie, nakangiti ka na. Gusto mo ba yon, David?" tanong sa akin ni Kyle.
"Guni guni niyo lang yan." sabi ko sakanila.
Ang dami kong tanong. Paano kapag matulad ako kay Art? Paano kapag hanggang kaibigan lang ako? Paano kapag hindi niya ako gusto? Paano kapag lumayo siya sa akin? Kakayanin ko ba?
"Nakakaramdam din kami, David. Mula nung sinabi mong nagiging distant na si Rhylie sayo, biglang nababago mood mo." sabi ni Belle.
"Napapansin din naman namin pag magkasama kayo. Iba yung ngiti mo." sabi ni Luna.
"Tsaka buti hindi niya napapansin?" tanong ni Kyle.
"Hindi ko naman pinapakita sakanya eh." sabi ko.
"Natatakot ka?" tanong ni Ash.
"Natatakot na ano? Na mareject? Hindi. Pero nanatakot akong masira yung pagkakaibigan namin." sabi ko sakanila.
"May Travis naman na siya eh. Nakita at narinig niyo naman diba?" sabi ko sakanila.
"Kaibigan ko silang dalawa." pagpapatuloy ko.
"Pero sigurado ka ba? Sigurado ka bang sila na? Malay mo ganun lang silang dalawa." sabi ni Ash.
"May balak ka bang sabihin sakanya?" tanong ni Belle.
"Oo? Hindi? Di ko alam?" sagot ko.
Kinabukasan, habang papasok ako sa campus, nakita ko si Rhylie. Nakatayo lang na parang may hinihintay. Lumapit naman ako.
"Hi." bati ko sakanya. Ewan ko ba kapag napapatingin siya sa akin parang bumabagal lahat.
"A-ah hello." bati niya sa akin pabalik.
"Sinong hinihintay mo?" tanong ko sakanya. Bakit parang nagiiwasan kami???
"Ah.. Si Travis." sagot niya. Travis nanaman. Tss.
"Palagi nalang kayong magkasama ni Travis. Anong meron sa inyo?" tanong ko sakanya. Di ko rin alam kung bakit yang ang natanong ko. Hayaan na.
"Yan na pala si Travis. Bye!" sabi niya at dali daling tumakbo papunta kay Travis. Okay? Hindi man lang niya sinagot yung tanong ko.
"Uy! Bakit ka tulala?" tanong ni Ash sa akin. Nandito na rin siya.
"Wala. Tara na." sabi ko sakanya. Nagpunta naman na kami ngayon sa room namin.
Pagkatapos ng klase namin, hinintay ko naman si Rhylie. Hindi ko naman siya hinahatid dahil si Travis ang palaging naghahatid na sakanya. Pero sinusundan ko sila. Ganito na palagi ginagawa ko pero hindi nila alam. Gusto ko lang makitang safe si Rhylie pauwi.
BINABASA MO ANG
FALL IN YOU • TREASURE
FanfictionA story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: September 09, 2021 hyukcrates • 2021