THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Ilang linggo ang lumipas. Disyembre na ngayon at nasa skwelahan sila.
"Kel! Tara maglunch na tayo. Wala pa yung prof. Di na raw makakapunta." sabi ni Trisha sa kasama.
"Kanino mo naman nalaman?" tanong nito.
"Sakin. Galing kasi ako sa faculty. Marami siyang ginagawa eh. Busy sa mga grades natin. Kakatapos lang ng finals." sabi naman ni Dani. Napagpasyahan naman na ng dalawa ang pumunta sa canteen.
"Grabe hindi pa natin tapos yung role play sa Literature. Dapat last week pa yon tapos eh!" pagrereklamo ni Kelley.
"Oo nga. Relax na sana tayo ngayon eh." sabi ni Trisha kay Kelley. Habang naglalakad sila, nakita nilang may kasamang babae si Kevin. Classmate niya ito.
"Oofff. Ano yan?" tanong ni Kelley.
"Malay?" sabi naman ni Trisha.
"Nako. Mukhang yan ata yung sinasabi mong gusto ni Kevin na hindi niya masabi sayo." sabi niya. Natawa naman si Trisha sa isip niya. Hindi alam ni Kelley na sinabi na ni Kevin kay Trisha na siya ang gusto niya.
"Baka nga." sabi naman ni Trisha at natawa. Napatingin si Kevin sakanila at kumaway at nginitian si Trisha.
"Shuta siya nga ata. At teka lang, bakit parang alam mo?!? Yun nga????" tanong niya sa akin.
Natawa ulit si Trisha sa isip niya. "Siya ang tanungin mo."
TRISHA MEI
Natatawa talaga ako kay Kelley. Ayokong sabihin sakanila. Baka asarin nila si Kevin.
Hindi naman ako naaawkward sakanya. Ang gaan nga ng pakiramdam ko sakanya eh. Gusto ko rin ba siya? Hindi ko pa alam. Hindi naman basta basta eh.
"Hoy! Nandito pala kayo?" sabi ni Rhylie sa amin. Sumama naman sila sa table namin. Kasama niya ngayon si David at Shelley.
"Bakit kayo nandito? Wala ba kayong practice?" tanong ni Kelley.
"Break ng group namin. Kakatapos lang namin magpractice." sabi ni Shelley.
"Eh kayo?" tanong ni David.
"Mamaya pa kami magpapractice. Sina Art ba?" tanong ko sakanila.
"Ayun, todo ang practice. Si Kevin naman kasama yung partner niya." sabi ni Rhylie.
"Ay? Yun ba yung partner niya kanina? Parang may something sakanila eh." sabi ni Kelley.
"Pansin ko nga. Parang magkasama yung dalawang yun lately." sabi ni Rhylie.
"Iniissue niyo si Kevin." sabi ni David.
"Hala??? BAKA SIYA YUNG BABAE NA GUSTO NI KEVIN KAYA DI NIYA MASABI KAY TRISHA?" biglang sabi ni Rhylie. Nag apir pa sila ni Kelley.
"Ang ingay, rhylie." sabi ni David. "Hehe sorry. Pero ano? Yun nga no?!" sabi ni Rhylie.
"Feel ko yun nga. Natatawa pa si Trisha kanina eh. Feel ko alam niya." sabi ni Kelley.
"Ano Trisha? Patawa tawa ka nalang ba?" tanong ni Rhylie.
HAHAHAHA. Sabihin ko na ba?
BINABASA MO ANG
FALL IN YOU • TREASURE
Fiksi PenggemarA story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: September 09, 2021 hyukcrates • 2021