TRISHA MEI
"Trisha... Truth or dare?" tanong sa akin ni Frances.
"Pero before that, pag truth ang pinili mo, pwede bang apat ang tatanungin ko?" tanong niya. Aba!?
"Bakit ang dami naman? Isa isa lang yung tinanong nila ah??" pagmamaktol ko.
"Hindi naman need ng explanation eh. Isang word lang ang sagot each question. Actually hindi naman siya totally na question." sabi niya.
"Sige. Pero sure ka bang magttruth ako?" malokong sabi ko sakanya.
"Ay? Basag ka dun ah? HAHAHAHA!" tawa ni Kevin.
"Tse!" sabi nalang ni Frances. Bakit parang iniintriga ako neto?? "Pag nagdare ka, idedare kong magttwerk ka." pagbabanta niya. Potek!!
"So ano? Truth or dare?" nakangisi niyang sabi. Shet nagiging demonyo to ah!!!!!!
"ANG UNFAIR HA!! Truth na!! Ayoko magtwerk no!!" sabi ko. Natawa naman silang lahat. Nakakatawa yorn?
"Ang isasagot mo lang naman, isang word na nagdedefine sa taong sinabi ko. Dapat totoo ah." sabi niya.
"Example, Rhylie ang sinabi kong pangalan, ang sasabihin mo naman, Maganda. Ganon." pageexplain niya.
"Okay na sana eh. Bakit 'maganda' pa yung definition." pangaasar ko.
"Basher!!" sabi nalang ni Rhylie.
"Gets ko na." sabi ko.
"Una. Travis." sabi niya. Hmm.
"Makulit." sagot ko.
"Kevin." sabi niya.
"Friendly." sagot ko naman.
"Wow. sana all friendly hahaha." sabi ni Justin.
"Shh. Wag kang maingay!" pagsasani ni Frances sakanya.
"Justin."
"Talented tapos Gwapo." sabi ko.
"Ay ang daya! Dalawang word yon!!" sabi ni Kevin.
"Panget ka lang talaga chow." pangaasar naman ni Justin sakanya. Hahahaha.
"Last. Art." sabi niya. Hindi muna ako sumagot agad. Grabe tutok na tutok lang? Pati sina David at Rhylie, nagaabang ng sagot ko?
"Goodfriend." sagot ko.
"Ahhhhhhhh Goodfriend." sabay na sabi nina Rhylie at Frances. Bakit di ba totoo? Alam niya pinagdadaanan ko eh, tapos nagiging goodfriend siya.
"Goodfriend amp. Dalawang word yon pinagsama mo lang!" sabi ni Rhylie.
"Kayo na mag adjust." sabi ko naman. HAHAHA. 😎
"Payag ka non, Art? Hahahaha." sabi ni Travis. Ha?
"Mga sira. Tara na matulog na tayo." sabi ni Art. Grabe hating gabi na pala.
"Wait lang goodfriend, maglinis muna tayo." sabi ni Frances. Sinamaan lang ni Art si Frances ng tingin.
Nagligpit na kami ng mga pinagkainan namin. Kaming mga girls, sa may guest room. Sina David naman, sa kwarto ni Chow. Malawak naman raw eh. Kasya silang lima doon.
BINABASA MO ANG
FALL IN YOU • TREASURE
FanfictionA story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: September 09, 2021 hyukcrates • 2021