RHYLIE
Ngayong hindi kami magkasection ni David. Masaya ako na malungkot. Masaya dahil pwede na akong umiwas. Malungkot... Dahil hindi na namin siya nakakasama? Ang complicated nitong nararamdaman ko.
"Oh? Bakit mo tinitignan si David?" tanong ni Travis sa akin. Kasama ko kasi siya ngayon. Si David naman, may kasamang apat. Dalawang lalaki, tapos dalawang babae. Sino yung mga babae?
"Kilala mo ba kung sino yung mga kasama niya?" tanong ko sakanya.
"Selos ka naman?" sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Ang saya nila." sabi ko sakanya.
"Namimiss mo lang talaga." sabi naman nitong kasama ko. Oo na.
"Kahit pa anong pilit mo sa sarili mo na layuan siya at tanggalin ang nararamdaman mo sakanya, alam kong hindi mo pa kaya. Kaya hayaan mo na muna ang sarili mo na gustuhin siya." sabi niya sa akin.
"Gusto mo bang ayain ko siya dito?" sabi niya sa akin.
"Wag." sabi ko nalang. Eto naman ako. Pinapanood sila. Bigla akong umiwas nung napatingin sa amin si David. Hindi ko alam kung ano pero nararamdaman kong papalapit siya sa am-
"Hello. Nandito pala kayo." sabi ni David. Lumapit nga.
"Oo naman. Kumusta bro?" tanong ni Travis sakanya.
"Eto, naguusap usap kami sa research namin." sabi niya.
Hindi ako nagsalita.
"Kagrupo mo yung mga yon?" tanong ni Travis. Tumango naman si David.
"Kaibigan ko na rin. Pakilala ko sila sainyo soon." sabi niya. Kahit huwag na. Char.
"Rhylie?" ha? Ako? Bat ako?
"Wait magccr lang ako." sabi ni Travis. TRAVIS?! WAG MO AKONG IIWAN DITO SHUTA KA!! MAGIGING AWKWARD KAMI HUHU. WALA UMALIS NA SIYA HMP.
"Panget! Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sakanya.
"Luh. Hindi ah!" sabi ko sakanya.
"Weh?" sabi niya. Hindi siya naniwala kaya linapit niya yung mukha niya sa akin. DAVID??!!
Napalayo naman ako ng kaunti. ANO BA NAMAN TO?!
"Hindi kita iniiwasan okay? Busy lang talaga tayong lahat." sabi ko sakanya.
"Okay. Sabi mo eh." Sabi niya at tumayo na. "Punta ako mamaya sa dorm mo." sabi naman niya at umalis na. HAYS.
"Ano? Kumusta ang paguusap niyo?" tanong ni Travis nung nakabalik na siya. Hayop ka!!
"Tangina mo. Huhu." sabi ko nalang.
Nahahalata na ako ni David na iniiwasan ko siya. Paano na to huhu.
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
![](https://img.wattpad.com/cover/277184158-288-k771642.jpg)
BINABASA MO ANG
FALL IN YOU • TREASURE
FanfictionA story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: September 09, 2021 hyukcrates • 2021