TRISHA MEI
Ang bilis talaga ng araw. Last week na ng July ngayon at ang mas malala pa, start na ng prelims namin. Grabe talaga.
"Nakapagreview ka ba?" pambubgad na tanong ni Rhylie sa amin ni David.
"Hindi masyado hahaha. Nakatulog ako kagabi." sagot ni David.
"Medyo lang din." sagot ko naman.
"Kinakabahan ako potek." sabi ni Rhylie sa amin. "Lalo na sa precalculus." same rhy, same.
Hindi nagtagal ay nagsimula na kaming mag exam. Yung dalawa sobrang tutok sa test paper. Yung isa nga sa kanila nakikipagtitigan lang sa papel eh. HAHAHAHHA. Kaya pala natanong si Rhylie kanina kung nakareview ba kami. Yan yari ka. Kdrama pa more.
Sina Travis naman, seryoso din. Lalong lalo na si Justin. Grabe, last time nga nung magkakasama kami, si Justin lang ang nagrereview tapos kami pachill chill lang.
Natapos na rin ang first day ng exams. May dalawa pa pong araw.
Walang pinagkaiba ang ikalawa at ikatlong araw. Nairaos rin namin ng mabuti yung exams.
"Grabe, keri ko pa yung precal pero yung gen chem ang malapit nang pumatay sa akin." pagrereklamo ni Rhylie sa amin.
"Ez lang ng gen chem eh." sabi naman ni Travis.
"Sana all ez." sabi naman ni David.
"Oh ano? Wala kayong balak?" tanong ko sakanila. Napatingin naman silang lahat sa akin at sabay sabay ngumiti.
"TARA KAIN!!!!" sabay sabay nilang sigaw. Sabi na eh. HAHA.
"SamG! SamG!" sabi naman ni Rhylie. Mukha tong samgyup.
"Di ka na ba nagsasawa kakasamgyup?" tanong ni Art sakanya.
"Bakit? Nagsasawa ka na ba?" sabi naman ni Rhylie.
"Hindi naman. Tinatanong ko lang." sagot ni Art. Nagtinginan naman kami ni David at sabay nangiti.
"Ayieeeeeeeee!!" sabay naming sabi.
"Aba ano to?" tanong naman ni Justin.
"Huli na sa balita si Justin. Hahaha." sabi ni Kevin.
"Aba bastos kayo ah? Di kayo nagshe share! Para naman akong others hays." sabi ni Justin.
"Chill ka lang. Ganito kasi yon." paninimula ko pero umepal yung bida sa kwento ko.
"Justin wag mong papaniwalaan yang sinabi niyan." sabi ni Rhylie.
"Parang may nasesense ako." sabi ni Justin at umaktong nagiisip pa.
"May nagkakacrush kay rhylie sa mga kaibigan mo." sabi ko. Napatingin sina Art, Rhylie, at Travis sa akin.
"Si Art ba?" tanong niya at nginisian si Art.
"Tumpak bff!!" sabi ko naman. Nagapir pa kami hahaha.
"Tara na nga. Napaka walang sense nitong pinaguusapan natin." sabi ni Art.
"oh wag gagalet boss." sabi ni Kevin. Tumuloy na kami bago pa mag gabi.
"Rhylie. Hatid na kita mamaya." sabi ni Kevin sa akin. Simula nung nalaman ni mommy na classmate ko si Kevin, siya na mismo ang nagsabi kay Kevin na ihatid ako pauwi kapag napapagabi kami sa school. Etong si Kevin naman, hindi umangal. Nakakahiya ><
BINABASA MO ANG
FALL IN YOU • TREASURE
FanfictionA story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: September 09, 2021 hyukcrates • 2021