CHAPTER FIVE

46 18 0
                                    

TRISHA MEI

"Halla ang ganda naman ditoooo!" sigaw agad ni Rhylie pagkatapos lumabas sa van. Nakakahiya talaga tong babaeng to.




"Hoy! Bwisit ka bumalik ka dito! Nakakahiya ka!" sigaw ko sakanya. Pinagtawanan lang ako ng mga kasama namin. Katawa yorn?




"Hayaan mo na. Ganyan din naman kami noon. Hahaha." sabi ni Kevin. Nako. Kung di ko lang kaibigan yan baka bumalik na agad ako sa Manila agad agad eh. Haha.




"Di ka pa nasanay sa babaeng yan Rish. Hahaha!" sabi rin ni David. Nako. Pinagtitinginan siya ng mga tao oh! NAKO MGA ZER DI NAMIN YAN KASAMA.




"Hoy Trisha Mei Koo! Inamoka ano nanaman pinagsasabi mo jan! Halina kayo dito!!" sigaw ni Rhylie sa malayuan. Potek ka talagang babae ka. Nakalunok ka ba ng megaphone ha!?




"Papunta na!!" sigaw naman neto ni Justin pabalik. Kotang kota na kayo sa paninigaw ah? Nasa magkaibang bundok ba kayo para magsigawan ha?!




"Hayaan mo na. Ngayon lang to!" sabi ni Travis sa akin. Wala na akong ginawa at tumuloy na.




"Grabe. May ganito palang place dito sa Pilipinas. Bakit ngayon ko lang nalaman?!" pagmamaktol ko. Malamang di naman kasi ako pala travel. hnggg hahaha.




"Ngayon ka lang ba lumabas sa Manila?" tanong ni Art. Tumango naman ako.




"Di rin kasi ako pinapayagan ni Mommy ko kahit na sina Lili lang ang kasama ko." sabi ko sakanya.




"Nagpaalam ka ba sa mga parents mo?" tanong ni Justin. Umiwas ako ng tingin sa kanila. Ahehe.




"Nako Trisha!" Sabi ni Kevin. "Alam ba nila?" tanong niya at itinuro sina Rhylie at David na nagpipicture na. Hindi ako nagsalita.




"Tss. Bakit naman?" tanong din ni Travis habang inilagay sa cottage yung mga pagkain.




"Hayaan na natin. Let's enjoy the day nalang. Diba?" sabi ni Art. Mukhang nagets din naman ni Art kung bakit ako di umimik. Thanks Art. 🙂 Hindi na ako nagpalam kay mommy, wala rin naman siya sa bahay eh.




"Sige. Pero uuwi nalang tayo ng maaga." sabi naman ni Kevin at tumango na kami.




"Hoy! Tara picture tayo dito!" sigaw nina David at Rhylie. Pumunta naman na kami sa kanila at nagpicture na. Sana ganito nalang palagi. Masaya lang.




Nagkayayaan silang magzip line. Nako yan ang ayaw ko hahaha.




"Trisha? Di ka talaga sasama?" tanong ni Justin.




"Hindi na muna Justin. Kayo na muna." sagot ko sakanya. Hindi na niya ako pinilit pa at umalis na.




Pumunta ako malapit sa kanila at nakitang magkasama sa zipline sina David at Rhylie. Nako magbabangayan nanaman to. HAHAHA. Nakikita kong takot na takot si Rhylie tapos si David tawa lang ng tawa. Napakasama talaga ng ugali neto haha.




Nagsimula na sila at todo sigaw tong si Rhylie. Hahaha. Nakakatawa yung mukha niya. Inaasar asar pa siya ni David. Pinicturan ko naman sila.




Habang naghihintay kung sinong susunod sa kanilang magzipline, nagmasid masid muna ako. Madaming tao. May mga bata at matatanda. Ang saya nilang tignan. Sana all.




"I remember the day you told me you were leaving..." pakanta kanta ko. Grabe yung simoy ng hangin dito. Hmmm langhap sarap. Hahahaha. Natawa ako sa pinagsasasabi ko.




FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon