CHAPTER THIRTY

29 16 5
                                    

TRISHA MEI

Days passed, we are about to end the first semester. This week will be our last week here in school. On Friday, we will be having our Christmas party.




Teka bakit ba nagienglish ako? Hahaha. Bilis talaga ng araw. Christmas season na ulit.



"Guys, what do you want to do sa Christmas party niyo?" tanong nung adviser namin.




"Sir! Exchange gifts!" pagsasuggest nung isa naming kaklase.




"Gusto niyo ba?" tanong ni Sir sa amin. Sumang ayon naman kaming lahat. Syempre minsan lang to sa isang taon.




Nagbunutan naman agad kami ng pangalan kung sino ang reregaluhan namin.




"Malas naman." rinig kong sabi ni Justin. Sino kayang nabunot neto?




Sunod naman sina Travis. Mukhang masaya sila sa mga nabunot nila ah? Si Art naman, nagulat naman nung nakita niya yung papel na nabunot niya. Sino kaya? Nakakacurious naman. Haha.




Si Rhylie, nakabunot na rin. Tinanong ko kung sino nabunot niya pero hindi niya sinabi. Luh kill joy naman. Dejoke.





Ako naman na ang sunod na bubunot. Si Travis naman yung nabunot ko. Ano kayang ireregalo ko sakanya?





"Baka gusto niyong tayo tayo rin mag exchange gifts?" pagsasuggest ni Rhylie.




"Jusko. Dami daming gagastusin." biro ko.




" Edi wag ka sumama." sabi lang niya sa akin.




"Gagalet ka nanaman hahaha." sabi ko.




"Pwede naman." sabi ni Kelley.




"Kayo ba?" tanong ni Rhylie kina Travis.




"Ayos lang naman." sagot ni Justin.




"Sus. Porket gusto ni Kelley gusto niya na rin." pang aasar ni Rhylie.




"Wag na nga. Epal mo." sabi naman ni Justin. Hahahaha. Yan kasi.




"Joke lang boss." sabi ni Rhylie.




"Binabadtrip niyo nanaman hahaha." sabi ni Kevin.




"Pero wait, pwede naman nating icelebrate ang christmas na magkakasama diba? Tapos dun nalang din tayo mageexchange gifts" tanong ni Travis.




"Bawal ako eh." sabi ni Shelley.




"Edi sa 23 nalang?" sabi ni Davud. Sumang ayon naman kami. Syempre family na kasama namin pag mismong araw na ng christmas. Yun nga lang, hindi buo yung pamilya ko. Okay lang naman...



"Iniisip mo jan?" tanong ni Kevin sa akin.





"Wala. Naaalala ko lang si Daddy." sabi ko sakanya. Ngumiti lang ako. Hays.




"Pakatatag ka." sabi naman niya.




Gumawa na pala sila ng bunutan. Yung kami kami lang. Sinama na rin nila si Frances. Bale sampu kami. Dumadami kami ng dumadami ah? Ayos!




"Oh eto na. Bumunot na kayo, yung matitira eh kay Frances na." sabi ni Travis.




"Sinong Frances?" tanong nina Kel at Shel.




FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon