CHAPTER TWENTY FOUR

25 16 0
                                    

RHYLIE

"Wala ba kayong plano ngayon? Nabobored ako." sabi ko sa mga kasama kong lalaki.



"San mo balak pumunta?" tanong ni Travis sa akin.



"Kahit diyan diyan lang." sagot ko naman.



"Eh paano si Trisha?" tanong ni Art.



"Puro ka Trisha. Di ka naman gumagawa ng paraan." sabi ko sakanya.



"Di naman kasi ganon kadali yun, Rhylie." sabi ni David.



"Sasabihin lang naman ni Art yung nararamdaman niya kay Trisha. Wala namang mawawala?" sagot ko kay David.



"Sigurado ka bang walang mawawala?" Makahulugang sabi niya.



Napatingin naman yung apat sa amin. Inaaway ba ako neto ni David? HAHAHA.



"Sige. Anong mawawala kapag sinabi ni Art na gusto niya si Trisha?" sabi ko sakanya. Tinignan ko naman siya na parang hinahamon ko siya.




"Pagkakaibigan." simpleng sabi niya.



"Pagkakaibigan yung mawawala sakanila. Hindi mo ba napapansin na sobrang close na ni Trisha sa kanila? Kasi kapag sinabi na ni Art na gusto niya si Trisha, baka maawkwardan pa sila sa isa't isa. Tsaka hindi naman sigurado na gusto rin ni Trisha si Art kaya posibleng ganon ang mangyayari." mahabang sabi ni David. Nakatungo lang kami sakanya. Ngayon lang siya nagsalita ng napakahaba.



"Hindi mo alam kung gaano kahirap umamin sa taong gusto mo kasi alam mong magkaibigan lang kayo." sabi pa niya.



"Eh paano kapag gusto ni Trisha si Art?" tanong ko sakanya.



"Hindi natin sure. Hindi naman natin alam kung anong nararamdaman ni Trisha kay Art eh." sabi niya.



"Yun nga eh. Ganon ba kahalaga yung pagkakaibigan niyo ni Trisha, Art? Para lang hindi mo masabi yung nararamdaman mo sakanya?" sabi ko.



"Oo. Mahalaga ang pagkakaibigan namin. Kaya kahit gusto kong sabihin, hindi ko magawa." sabi ni Art.



Biglang natahimik kaming lahat.



"Bakit parang malaman yung mga sinasabi mo ngayon David?" tanong ni Kevin.



"Mag pinagdadaanan ka ba?" tanong naman ni Justin.



"Saan mo nahuhugot lahat yon, David?" tanong ni Kevin.



"Wala." simpleng sagot lang niya.



"Tama naman lahat ng sinabi ni David eh. Kapag inamin kong gusto ko siya, baka mawalan pa ako ng kaibigan." sabi ni Art.



"Take risk, Art. You never know." sabi ko naman.



"Away away pa kayo. Gutom na ako." sabi ni Travis. Natawa naman kami.



"Tara na nga." sabi ko sakanila. Ngayong wala si Trisha. Ako lang tong babaeng kasama nila. Ah teka. May naisip ako. Hahaha.



"Guys teka lang ah. May aayain lang rin ako." sabi ko sakanila.



"Dalian mo." sabi naman ni David. May galit ba talaga to sakin ngayon?!



Pinuntahan ko naman sina Kelley at Shelley sa pwesto nila.



"Uy! May ginagawa ba kayo?" tanong ko sakanila.



"Wala naman. Bakit?" sabi ni Kelley.




"Sama kayo sa amin." sabi ko sakanilang dalawa at tinuro yung mga lalaki.



"Hala, hindi na. Nakakahiya naman." sabi nila sa akin.




"Wag na kayong mahiya. Wala rin naman kasi akong kasamang babae eh." sabi ko.



"Eh?"



"Pleaseee. Libre ko na kayo. Hahaha." sabi ko sakanila. Aayaw pa sana sila. Haha.



"Okay?" sabi nalang nila.



"Hoy mga lalaki. Sasama sina Kelley at Shelley sa atin ah. Wag kayong magulo." sabi ko sakanila.



"Ayos ah. Rhyming yung mga pangalan niyo." natatawang sabi ni Justin.



"Rhylie. Kelley. Shelley." sabi ni Kevin ag itinuro turo pa kami. HAHAHHA. OO NGA NO.



"Si trisha?" tanong ni Kelley sa amin.



"Wala iniwan na kami. Haha." biro ni David.



"Totoo ba?" tanong naman ni Shelley.



"Biro lang. Kasama niya yung manliligaw niya as always." sabi ko naman.



Nagpunta na rin kami at akalain mo nga naman, naging close na agad yung lima kina Kel at Shel.



"Kel!! Sa susunod ulit ah!!" sabi ni Justin.



"Sure! Thanks guys!" sabi nilang dalawa.



Kaming anim nalang ang naiwan at wala pa kaming balak umuwi. Nagkekwentuhan lang rin naman kami.



Limang buwan na raw simula nung nagkakakilala kami. Pag talaga tong mga kasama ko ang hilig mag reminisce.



Lumapit naman sa akin si Travis.



"Uy. Yung libre ko nasaan na?" sabi niya. HOY



"Loh! Nilibre na nga kayo noon eh!" sabi ko sakanya.



"Mas gusto ko pag ako lang nilibre mo." sabi niya.



"Aba sobra ka naman tol." sabi ko sakanya. Tinawanan lang ako?!?




"Sige na. Ang damot mo naman Rhylie." nangonsensya pa.



"Oo na. Kailan mo ba gusto?" tanong ko sakanya.




"Kahit kailan. Ikaw naman manlilibre eh." sabi niya at tumawa pa. Sapak to sakin.




"Oo na. Tsaka uuwi na ako. Bye!!" sabi ko sakanya.




Nagpaalam naman na ako sakanilang lima. Pero etong si David, ihahatid pa ako.



"Wag mo na akong ihatid. Kaya ko na." sabi ko sakanya.



"Arte mo. Tara na." sabi niya.



"Wag na nga. Mapapagod ka pa eh. Kasalanan ko pa." sabi ko.



"Dami mong sinasabi, Rhylie. Tara na." sabi niya.



"Oo na. Desisyon ka eh." sabi ko.



"Gabi na rin kasi. Ang sama ko namang kaibigan kapag pinabayaan kitang umuwi mag-isa." sabi pa niya. Loh.



"Tss." nalang ang nasabi ko. Okay?



Hindi kami nagkibuan hanggang sa naihatid niya ako sa dorm. Siguro pagod rin siya. Sana di nalang niya ako hinatid eh no. Napagod pa tuloy.



"Goodnight. See you tom." sabi niya bago umalis.



Paalala lang. Bawal to, Rhylie. Bawal.

💎

FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon