TRISHA MEI
Birthday na ni David bukas!! Yes naman kain kain ulit! Hahaha.
"Rhylie dala ka pagkain ah?" sabi ni Art.
"Oo na." sabi naman ni Rhylie.
"Grabe bilis ng panahon no?" tanong ko sakanila.
"Oo nga eh. Akalain mo yun?" sabi naman ni David.
"Parang kailan lang nung broken hearted ka pa tas ngayon may Jun na." sabi ni Rhylie. hOY?! Tong bunganga talaga nitong babaeng to!!
"Manahimik ka." sabi ko nalang.
"Sus. Gusto mo rin naman eh." sabi ni Travis.
"Bakit ba napunta nanaman sa akin yung topic? Kay David tayo diba?" sabi ko sakanila. "Nga pala. Kayo ha, hindi niyo man lang sinabi sa akin."
"Ano yun?" tanong ni David.
"Kilala ko na kung sino yung gusto ni Art na kayo lang nakakaalam." sabi ko. Nagulat naman sila.
"Totoo? Eh anong reaksyon mo?" sabi ni Rhylie.
"Hindi ba awkward?" tanong naman ni David. Awkward? Bakit naman?
"Nasabi mo naman na pala Art eh. Wala bang progress?" sabi ni Travis.
"So sinong pipiliin mo Trisha?" tanong ni Kevin.
"Ha? Anong pinagsasasabi niyo?" sabi ko naman sakanila. Hindi ko sila maintindihan.
"Akala ko... Alam mo na?" tanong ni Justin.
"Oo. Diba si Jaira?" sabi ko sakanila.
"Trisha, tara. may pupuntahan tayo." sabi ni Rhylie at hinila na ako agad palabas ng room. Bakit?
ART
"Bakit ka nagsinungaling????" tanong ni travis. Tinignan pa ako.
"Akala ko pa naman nasabi mo na!" sabi naman ni Kevin.
"Akala ko yun na eh." sabi naman ni Justin.
"Hindi ko kayang sabihin." sabi ko sakanila.
"Bakit naman?" tanong ni David.
"Parang may pumipigil sa akin na hindi sabihin kay Trisha." pagpapaliwanag ko.
"Kung ganyan lang naman, edi tigilan mo nang gustuhin si Trisha." sabi ni Kevin.
"Hindi mo pinaglalaban eh. Ang torpe mo." pagpapatuloy niya.
"Sinasaktan mo lang sarili mo. Kung wala ka naman palang balak umamin sakanya, itigil mo na." sabi pa ni David.
"Tama nga naman." sabi ni Justin.
"Nakikita mong masaya si Trisha kay Jun tapos ikaw tinatago mo parin nararamdaman mo sakanya. Talagang hindi niya makikita dahil hindi ka naman gumagawa ng paraan." sabi pa ni Travis.
"Hindi ko alam kung manhid talaga si Trisha ng todo eh. Hindi man lang kasi makaramdam. Lahat na ginawa natin para mapamukha sakanya na gusto mo siya Art pero wala parin." sabi naman ni Kevin.
BINABASA MO ANG
FALL IN YOU • TREASURE
FanfictionA story about friends, family, youth, struggles, and love. TREASURE FILO FANFIC Treasure x OC AU Date Published: July 14, 2021 Date Finished: September 09, 2021 hyukcrates • 2021