CHAPTER FOUR

50 18 0
                                    

TRISHA MEI

Sabado na at ngayon na ang Tagaytay trip namin. Ayos no? Isang linggo palang kaming magkakakilala nina Art pero parang sobrang close na naming lahat.



Maaga ako nagising. Hindi ko rin naman alam kung bakit. Excited? Siguro. Haha. Gusto ko rin naman magpakasaya. Tinawagan ko muna si Rhylie.



"Hello? Lili!" pambabati ko.




"Aga mo namang nagising. Hindi naman masyadong halatang excited ka ah?" sagot niya sa kabilang linya. Mahahalatang kagigising lang niya dahil sa pananalita niya. Haha.



"Tse. Kumilos ka na!" sabi ko nalang din.



"Saan ba tayo magkikita?" tanong niya.



"Kina Kevin raw." sagot ko naman.



"Sabay na tayo? Hindi ko alam patungong bahay nina Kevin eh" sabi niya. Hindi ko pa pala nasasabi sakanya.



"Eh? Susunduin ako ni Art dito sa bahay eh." sabi ko.



"Ay? Sana all. Etong si David alam niya kaya papunta kina Kevin?" tanong niya sa akin.



"Baliw. Eh sa malapit lang naman bahay nina Art dito sa amin, kaya sabi niya isasabay nalang raw niya ako. Tsaka sabihin ko nalang din kay Kevin na dadaan nalang kami sa dorm mo kaya diyan mo nalang din papuntahin si David para hindi na kayo lalayo pa." sabi ko sakanya.



"Aba lakas mo naman kay ssob. HAHAHA. Salamat. May silbi ka rin pala HAHAHAHA." baliw talaga to.



"Oh siya, maliligo na ako." sabi ko sakanya.



"Oo na. Baka dumating na rin si boss art." sabi niya at binaba na niya ang tawag.



First time kong pumunta sa medyo malayo kasama tong mga kaibigan ko. Sana nga maging memorable ito.



Ilang minuto ang nakalipas at natapos na akong maligo at magpalit. Mga dadalhin ko? Hmm. Wala naman. Maliit na bag lang ang dadalhin ko.



Nagchat na sa akin si Art at sinabing malapit na sila sa amin. Bago ako lumabas, nagpaalam ako kay manang. As usual, wala nanaman yung parents ko. Busy sila sa trabaho nila. Wala, sanayan nalang talaga.



"Huy! Tulala ka nanaman!" biro sa akin ni Travis. Huh? Magkasama na sila?



"Akala ko na kina Kevin ka na Travis?" tanong ko sakanya.



"Dinaanan ko muna si Art. Baka malelate nanaman magising. Hahaha." sabi niya.



"Anong malelate! Gising na kaya ako kanina!" pagdedefend naman ni Art sa sarili niya. Natawa nalang ako.



"Sus. Hindi ka naman excited no?" pangaasar naman ni Travis.



"Nako kayo talaga. Tara na nga." sabi ko sakanila. Nagcommute kami papunta kina Kevin. Grabe ang laki ng bahay nila.




"Wow." lang ang nasabi ko. Napatingin naman sila sa akin.



"Haha. Nabigla ka ba Mei? Laki ng bahay nina Kevin no?" sabi ni Travis sa akin.



"Okay na sana, Travis. Bat mo pa ako tinawag na Mei." sabi ko sakanya at sinamaan ng tingin.



"Bakit? Maganda naman ah? Ayaw mo bang tinatawag na Mei?" Sabi niya. Bahala ka jan. Nakicringe ako pag tinatawag akong Mei.



FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon