CHAPTER FIFTEEN

29 19 0
                                    

TRISHA MEI

Matapos ang Senior High week noong nakaraang linggo, ngayon naman Intramurals na. Lunes palang kaya wala kami masyadong ginagawa dito sa school. Sa Wednesday pa magsstart yung Intrams.




Birthday na rin ni Frances bukas! August 11. Shempre mawawala ba ang kainan? HAHAHA.



Inaya niya kaming pumunta sa bahay nila para magcelebrate. Shempre yung sasakyan ulit nina Kevin ang hatid sundo namin.



"Wala ba kayong balak salihan na sports?" tanong ni Kevin sa amin.



"Bakit sasali ka?" tanong ni Rhylie sakanya.




"Oo. Sa Basketball." sagot ni Kevin. "Nood kayo."



"Oo naman no!!" sabi ko.



"Sali kaya ako sa basketball?" tanong ni Justin.




"Why not? Try natin?" tanong ni Kevin sa kanya.



"Sige ba!" sabi naman ni Justin.




"Kayo? Travis? Art?" tanong ni Rhylie. Ahihi.


"Baka badminton." sagot ni Travis.

"Hindi ko nga alam eh. Baka sa soccer na ako." sabi naman ni Art.



"Naks." sabi ni David.



"Eh pati naman si Rhylie may sports na eh." singit ko sa topic. Napatingin silang lahat sa akin lalo na si Rhy.




"Track and field. Palagi naman siyang natakbo sa utak ni Art eh. AYIEEE!!" sabi ko. Napapoker face naman silang lahat.




"Bakit? Corny ba? HAHAHA sorna." sabi ko sakanila.



"Sira ka talaga. Sinesegway mo lahat ng walang kwenta mong joke." sabi nalang ni Rhylie sa akin.




"Makakapunta ba si Frances bukas?" tanong ni David.




"Hindi sure eh. May exam ata sila eh birthday pa niya haha." sabi ni Kevin.



"Ay sayang naman." sabi naman ni Rhylie.




"Trisha.." sabi ni David. Naghintay naman kami sa sasabihin niya.



"Sino yung kumausap sayo nung Friday night?" tanong ni David.




"Sino?" tanong ko naman. Wala naman akong kinausap na iba kundi sila lang eh.




"Yung mga nagpapicture sayo." sabi niya.




"Ah yun? Di ko kilala eh." sabi ko sakanya. Nakikinig naman sila. Aba? Bakit ako hina hot seat nitong mga to?




"Pero pumayag kang magpapicture?" tanong naman ni Rhylie.




"Bawal ba???" sabi ko sakanila.




"Parang may ibang agenda eh." sabi naman ni Travis.




"Huh? What do you mean?" naguguluhang tanong ko.




"Wala. Hayaan mo na. Hahaha." sabi nalang ni Travis. Parang sira! Hahaha. Anong agenda ba tinutukoy nila?




Pauwi na ako ngayong at kasama ko nanaman si Kevin. Hindi naman sa nagsasawa akong kasama siya. HAHAHA.




"Hinga ka ng hinga ng malalim jan. May problema ba?" tanong niya.



FALL IN YOU • TREASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon